Ace's Past Part 3 Third Person's Point Of View Nakaramdam siya ng pang-lulumo at muli siyang napaupo sa sulok at nag simulang humagulgil ng iyak. Para siyang batang nawawala na hinahanap ang kanyang ina. Halos ibuhos na lahat ni Ace ang kanyang luha sa kanyang pag iyak ng bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nangyari. Gusto niyang bumalik sa nakaraan at baguhin ang lahat upang pigilan ang kanyamg dating sarili na huwag pasukin ang ganitong buhay. Lumapit ang isa sa mga kasama niyang preso at tinapik ang likod niya upang siya ay patahanin. Hindi niya alam kung pag kakatiwalaan niya ang mga ito ngunit pakiramdam niya ay sa wakas ay nakahanap na siya ng mga tunay na kakampi. Nabigla ang presong nag papatahan sa kanya ng bigla siyang yakapin ni Ace at saka umiyak. Napangiti na lamang ang la

