Meeting Dale . . Christian's Point of View Sandali pa kaming nag lakad sa mahabang pasilyo at bahagyang lumiko at doon ang naging maliwanag ang nilalakaran namin pasilyo. Tumambad sa amin ang isang silid na tila sa isang normal na paaralan lang. May mga upuan at lamesa at meron ding pisara sa may unahan. "Ito ang silid aralan ng mga estudyate ng paaralan, dito hinuhubog ang kanilang interes sa isang bagay upang sa huling taon nila dito ay alam na nila ang kanila patutunguhan." Masiglang wika ni Akwa. Mukhang nag bago ang awra niya at nawala na ang takot na naramdaman niya kani-kanina lang. "Ganun katagal nag aaral dito ang mga multo bago sila makaakyat sa langit?" Tanong ko sa kanya at nilingon ang mga estudyante sa may bintana na nasa labas ng eskwelahan na masayang tumatawa at na

