Hindi Tayo Pwede
.
Christian's Point of View
" Ang singsing na yan ay simboli ng katapatan ko sa iyo, mahal kong Christian." Agad kong pinag masdan ang gintong singsing sa aking kanang kamay. Nakasuot ito sa aking gitnang daliri at nakatapat ito sa tuktuk na bahagi ng markang butuin ko. " Tulad noon sa lolo mo, ako ang iyong magiging gabay at espada." Muli niyang wika at ngumiti ng ubid ng tamis.
Isang katamikan ang sandaling nag hari sa paligid namin. I still processing the happenings. Muli kong tiningnan ang singsing na nakasuot sa aking daliri. I was amazed the texture of the ring. Para itong gintong maliit na sangay ng puno na nakapulupot sa akin. I was amazes by it dahil sa sobrang ganda nito. Itinaas ko ang aking kamay sa langit saka tiningnan ito. Kumikinang ito sa tuwing nasisinagan ng araw. Sobrang ganda talaga. Wala akong masabi dahil ngayon lang ako nakakita ng ganto kagandang singsing.
Bigla akong napaisip. Unti-unti ay nasasanay na ako sa sitwasyon ko, pero marami pa din akong mga katanungsn sa aking isipan. Muli ko lang tiningnan ang singsing na aking suot.
'Dapat ko itong harapin kung ito ang tadhanang ibinigay sa akin'
Kung tatakbo ako sa aking tungkulin dito at mag tatago na lang, mawawalabat masasayang lang ang mga pinaghirapan ni Lolo.
" Alam kong hindi mo pa lubos maisip ang mga nangyayari mahal kong Christian, ngunit may mahalagang bagay ang dapat mong malaman." Napatigil ako sa pag- iisipin at muling napatingin kay Jehnny.
" Ano yun?" Tanong ko sa kanya saka niya ako tiningnan ng may halong lungkot sa kanyang mga mata.
" Tanda mo ba noong, nahilo ka sa kalagitnaan ng party?" Tanong niya pabalik sa akin. Tumango ako bilang sagot. Muli siyang nag mwestra sa kanyang kamay at muling lumitaw ang maliit na ulap na parang T. V.
"Ang liwanag na bumalot sayo noon ay ang aking kapangyarihan para madala kabdito at noong mga oras na yun ay napansin ng mga kaibigan mo ang iyong pag kahilo, kaya naman agad-agad silang lumapit sayo. Kaya naman nadala din sila dito sa mundo namin ng hindi sinasadya." Paliwanag niya sa akin habang pinapakita ng telebesyon ang nangyari noong nahilo ako at nagising ako na nandito na.
"Sa kasamaang palad dahil nga nasabit lamang sila sa pag dala ko sayo dito ay napunta sila sa ibang lugar." Dugtong niya saka muling inalis ang pawang T. v 'ng ulap.
"Naisama sila dito?" Tumango ito bilang sagot.
"Ngunit huwag kang mag-alala, pinapahanap ko na sila," Wika ni Jehnny . " Sa totoo niyan ay nahanap ko na ang isa sa mga kaibiga mo na si Roldan." Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ito.
"Na saan na siya?" Masigla wika ko at bahagyang tumingin sa likuran niya umaasang lilitaw si Roldan mula sa likuran niya. Nakita kong na buntong hininga si Jehnny kaya naman nawala ang ngiti ko sa aking labi.
"Doon siya napadpad sa lugar ng mga babaeng mananayaw na tinatawag ding lugar aliwan." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact dahil sa aking narinig. Kahit pala dito ay ma ganoong lugar.
"Malayo ba yun?" Ang tangi kong natanong. Tumango naman si Jehnny at sandaling ng isip.
"Ang Lugar Aliwan ay tatlong nayon mula dito," Panimula niya at tinuro ang sa deretson sa aking likuran. "Kung tatahakin natin ang deretsyon na yun sa loob ng isang linggo ay makakarating na tayo doon." Nawindang ako dahil sa tagal nun.
"Wala na bang ibang paraan para makarating doon?" Umiling lang ito saka muling nalungkot ang kanyang mukha.
"Simula ng muling magising si Taitus ay nalimitahan na ang kapangyarihan namin," Malungkot na wika ni Jehnny. "Ang iba naman sa amin ay tuluyan ng nawalan ng kakayahan gumamit ng kapangyarihan dahil kinukuha ito ni Taitus." Nag buntong hininga ng malalim si Jehnny at tiningnan ang langit. Napatingin rin ako sa langit at ngayo ko lang napansin nakakaiba ang langit dito sa kanila dahil para itong kristal at tila bang nakalagay kami sa loob ng snow globe.
"Bakit ba gustong sakupin ni Taitus ang mundo niyo?" Nilingon ako ni Jehnny at ngumiti ng mapait.
"Ang sabi nila dati lang din daw normal na espirito si Taitus ngunit hindi siya nakuntento sa kapangyarihan na meron siya kaya naman mas nag hangag pa siya ng mas malakaas na kapangyarihan." Tahimi lang ako na nakikinig sa kanyang mga sinabi dahil sa ikalawang sandali ay wala akong maisip na sabihin o isagot man lang sa kanya. Nakaramdam lang ako ng awa kay Taitus dahil sigurado akong may hindi maganda siyang pinag daanan. Nawala sa aking isipan na siya nga pala ang dahilan ng pag kamatay ni Lolo.
"So pano tayo makakarating doon sa lugar na sinasabi mo?" Bahagyang ngumiti si Jehnny at muling nag mwersta sa kanya kamay at muling may lumabas na parang T. V sa aking harapan. Mula dito ay may nag flash na parang mapa at mag mga pulang bilog na umikislap.
"Nandito tayo ngayon," Wika niya at tinuro ang isang kulay pulang bilog na nasa bandang baba ng Mapa. "At nandito ang kaibagan mong si Roldan." Turo niya naman sa isa pang pulang bilog na nasa bandang itaas ng Mapa.
"Kaylangan muna natin mag lakad papunta sa unang nayon dahil walang dumadaang sasakyan dito." Bigla naman ako ng makita ko kung gaano kalayo ang unang nayon na pupuntahan namin. Tiningnan ko si Jehnny nang maalala ko ang isang bagay.
"Hinda ba't marunong kang lumipad?" Bigla naman napaisip si Jehnny at napangiti.
"Oo nga pala nakalimutan ako, pero dahil nga limitado lang ang aking kapangyarihan hindi ko na kayang dalhin ka sa aking paglipad," Nangignitig paliwanag niya sa akin, "Dahil marami akong kapangyarihang na nagamit sa pag punta mo dito sa aming mundo ay mukhang hindi na sasapat ang akng kapangyarihan para makalipad tayo pareho patungo sa kabilang nayon." Bahagyagng napakamot sa kanyang ilo si Jehnny at tila nahihiya.
"Ah Ganun ba?" Wika ko na may halong dissapointment dahil wala kaming choice kundi ang lakarin ang patungong nayon.
"Pasensya ka na kung umpisa pa lang ay nabigo na kita bilang gabay mo." Malungkot na wika ni Jehnny. Kita ko ang pag kagat niya sa labi at tila ba sobrang lungkot nito. Bigla naman akong nataranta dahil para na itong paiyak ano mang oras. Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Ano ka ba hindi mo naman ako binigo," Masiglang wika ko sa kanya. Nag angat siya ng ulo at saka ako tiningnan.
" Talaga ba?" Tumangon naman ako at saka siya muling nginitian ng matamis.
" Hindi ko naman kasalanan na may limitasyon ang iyong kapangyarihan at saka hindi mo ito ginustong mag karoon ng limitasyon." Unti-unti siyang ngumiti hanggang umabot sa kanyang tenga ang kanyang matamis na ngiti. Natuwa ako dahil naging masigla na muli siya.
Ilang taon na din ang lumipas simula ng makilala ko siya. Bata pa lang ako noon at wala muwang sa mundo. Hindi ko pa alam na isang siyang multo ang alam ko lang ay sobrang ganda niya at tila bang nabihag niya na ang aking puso sa mura kong edad.
Ilang taon... Ilang taon akong nag hintay upang muli siyang makita, hindi ko akalain na may koneksyon pala siya sa aking buhay kaya ko siya nakilala.
Nag buntong hininga ako at bahagya siyang hinila upang mapalapit sa akin at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam ko ang pag kagulat siya dahil sa aking ginawa ngunit ilang sandali lang din ay yumakap siya pabalik sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang malambot na buhok at hinalikan ang kanya ulo. Ang tagal kong hinintay ang oras na ito.
Ipinikit ko ang aking mga mata at sandaling pinakiramdaman ang hangin ang umihip at humaplos samin. Ayoko nang matapos ang sandaling ito dahil kasama ko na ang taong matagal ko nang pinamahal.
I don't care if she is a ghost, ang mahalaga ay mahal ko siya. Sandali pa aming mag kayakap nang pag desisyonan ni Jehnny na kumawala na sa aking pag kakayakap. Marahan niya akong tinulak at saka niyuko ang kanya ulo.
" Mali 'to Christian," Mahinang wika niya na aking ikinagulat.
"A-anong ibig mong sabihin?" Wala naman kaming ginagawang masama. Kita ko ang pag buntong hininga niya ng malalim bago ako tingnan sa aking mga mata.
" Alam kong matagal mo na akong mahal, dahil mula pag kabata mo ay binabantayan na kita." Bahagyang gumihit ang isang ngiti sa aking mga labi.
" Talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.
"Ngunit hindi mo dapat maramdaman yun mahal ko." Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kanyang mga salita.
" A-ano ba kasi ang ibig mo talagang sabihin?" Hindi ko mabigilang mautal dahil sa kaba na aking nararamdaman ngayon.
" Hindi mo ako pweding mahalin dahil isa lamang akong hamak na gabay at ikaw ang itinakda, higit itong pinag babawal lalo pa't isa kang tao," Para bang nabasag sa maraming piraso ang aking puso dahil sa aking mga narinig mula sa kanyang mga labi. " Ngayon pa lang ay kalimutan mo nang mahal mo ako." Napatulala na laman ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko lubos akalain na ganito ang mangyayari sa oras na mag kita kami muli ni Jehnny.
Pilit kong hinahabol ang aking hininga dahil para akong nauubusan ng hangin dahil sobrang sakit ng aking nararamdaman. Bakit ganito? Bakit ako binigyan ako ng kasiyahang kung babawiin din agad?
" Simulan na natin mag lakad para makarating agad tayo sa Nayon bago mag dilim." Nag simula na siyang mag lakad ay nilagpasan lang ako. Sandali pa akong nakatayo lamang sa aking kinatatayuan at pilit pinoproseso ang mga sinabi ni Jehnny sa akin. Hindi ako makagalaw sa aking kinakatayuan. Ang akala ko ay magiging mas masaya ako kung makikita at makakasama ko na siya...
Pero Nag kamali pala ako...