Chichi's Past Part 3 Third Person's Point Of View Para talag siyang nasa anime at siya ang bida dahil ang upuan pa ni Chichi ay nasa hulihan ng silid aralan at malapit ito sa bintana. Umupo ito sa kanyang upuan at agad siyang nilapitan ng isang pamilyar na babae. "Sa wakas nandito ka na Chichi," wika ng babae sabay yakap kay Chichi. Humiwalay sa yakap si Chichi ng may mapansin ito sa mukha ng dalaga. "Nakipag-away ka na naman ba huh? Freya?" Inis na tanong nito sa kanya. Bigla naman nag iwas ng tingin si Freya at nag kamot ng kanyang ulo. "Sila naman kasi ang nauna eh," wika ni Freya sa kanya. Agad namang kinuha no Chichi ang kanyang bag at kinuha ang first aid kit na lagi niyang dala-dala. Pinaupo niya si Freya sa kanyang upuan at siya naman ang tumayo upang linisan ang sugat at p

