Chapter 29 RUBY ROSE Simula noong sinundo ako ni Sir sa paaralan at pinahinto niya ako sa pag-aaral hindi na kami nagkita ng tatlong linggo. Oo, tatlong linggo siyang hindi umuwi. Bilang babae masakit din naman sa damdamin ko na sabihan niya ako na lumalandi. At lalo na ng sabihan niya ako na nagsasawa na siya sa akin. Aminado ako na nagkakagusto ako kay Sir, lalo na kapag mabait siya sa akin. Kinilig na sana ako noong gabi na sinabi niya sa akin na nami-miss niya raw ako at gusto niya ako palaging makita, ngunit isang imahinasyon lang pala iyon na malabong mangyari dahil ang katotohan na hindi ko maikakaila na isa lang ako sa mga collection niyang babae na kapag sawa na siya ay wala na siyang pakialam pa. Oo, nami-miss ko siya at iniisip ko sa pag-uwi niya hindi na siya galit sa akin a

