#MyObsessedDoctor ____ Vanessa's POV Hindi pa ako nakakapasok ng bahay na bigla may humablot sa braso ko dahilan para mapangiwi ako sa sobrang sakit. "Do you think we will pass this huh?" Giit agad ni Gabriel. Kahit nasasaktan man ay pilit kong magsalita. Andito rin pala siya. "Hindi pa ako nagtatapos Gabriel." Madiing sabi ko habang nagpupumiglas sakanya. Patapon niyang binitawan ang braso ko at malakas akong sinapak. "Hindi rin ako nagtatapos Vanessa, Kahit pinsan pa kita papatulan kita. Tandaan mo 'yan" Napahawak ako sa pisnge ko at natawa nalang ako kahit parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. "Wag ka nga humarap sa akin na animo'y wala kang ginawa sakanilang dalawa Gabriel." Ngisi ko habang hawak hawak ang labi ko. Pakiramdam ko namaga ito sa sampal niya. "Wag niyo ako

