#MyObsessedDoctor _____ Kee's POV Nakatulala lang ako habang tanaw ko ang kalangitan. Para akong nanatiling bingi sa paligid at tila wala na akong marinig sa paligid ko. "Aderal... Let's go home." Nanatili lang ako nakaupo at nakatulala. "Aderal halika na, gumagabi na." Hinawakan niya kamay ko ngunit tinabig ko siya. "Aderal ano ba! Kanina ka pa dyan nakaupo sa lapida niya!" Hindi ko siya pinansin at natutulala lang. Wala na akong maramdaman maliban lang sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. "Pwede ba?! Tanggapin mo nalang na wala na siya?! Damn it Kee! Can you see?! Wala na siya! He's gone!" Nanggilid ang luha ko at napayuko. Bigla ko nabasa ang pangalan ng lalakeng mahal ko sa harap ko dahilan para mapahikbi muli ako. "K-Kee.." Napahawak ako sa lapida niya at mas lalo

