CHAPTER TWO. Unrecognized Upon First Encounter
Dominique's POV
Nakakainis yong babaeng yon! Muntik pa akong matapunan nang kapeng dinadala niya, mabuti nalang at hindi nasira itong cell phone ko! Maganda na yong araw ko eh, tsk.
Pagdating ni Dominique sa shoot, binati naman siya agad ng mga producers at directors sa set.
Direk: " Welcome to the Philippines, Miss Guevara. I heard a lot of successful news about you. "
She handed her hand to them.
Dominique: " Thank you, Mr. Lim."
Producer: " Well, sana more projects to be done with you."
Dominique: " Rooting for that. "
Direk: " Thea! Hali ka nga muna! "
Napalingon naman si Dominique sa kanyang likuran, matapos marinig ang pangalang tinawag nang isang direktor,mas lalo siyang nainis nang makita ang babaeng na nagtatrabaho sa nasabing lugar bilang isang staff. Hindi rin inasahan ni Althea na magtatagpo sila muli sa parehong lugar. Bagamat galit, may kakaibang nararamdaman siyang kuryente sa pagitan nila.
Dominique: " It's you again? "
Direk: " Mag kakakilala kayo? "
Dominique: " No, I just met her in the coffee shop. It's really not nice by the way."
Direk: " Okay, So Thea, please take good care of Miss Guevara okay? "
Althea: " Ha--? Bakit ak-- ako? "
Direk: " Eh kanino ko iuutos ito, kundi sayo lang naman."
Dominique: " Wa-- wait, what's her name again? "
Direk: " Oh, you can call her Althea"
Dominique: " Althea? "
Nabigla naman si Dominique, matapos malaman ang pangalan nang babaeng nakabangga nya kanina, naisip niya ang kanyang kaibigan.
Direk: " Why? "
Dominique: " Ah, wala. May kakilala kasi akong kapangalan din niya, pero it's impossible na maging siya.
Napabulong si Dominique sa hangin... "Hindi ba't ito na naman ang malas ko? Anong ginagawa niya dito?!"
Sa kabilang banda, habang ginagampanan ni Althea ang kanyang mga responsibilidad sa shoot, napagtanto niyang maaaring magtagpo pa ulit sila ni Dominique. Bagamat may kirot sa kanyang puso dahil sa unang pagtatagpo, naisip niyang mas maayos na pakitunguhan si Dominique sa kanilang susunod na pagkikita, pero parang hindi umaayon ang panahon sa gustong mangyari ni Althea.
Sa wakas ay natapos rin ang kanilang trabaho sa maghapon, hindi parin maialis ni Althea ang tingin niya kay Dominique, hindi siya makapaniwala na hindi siya nakilala neto, sa mahabang panahon, hindi parin maitanggi ni Althea na gumaganda lalo si Dominique. Nakita naman ni Althea na parang nag iisa si Dominique sa upuan, lalapitan na sana niya ito pero bigla itong tinawag nang producer. Tinignan lang niya itong lumalakad papalayo..
Althea: " Talaga bang hindi mo na ako nakikilala, Dominique? "
Napayoko naman si Althea, at napag isipan niyang mag punta sa banyo, habang abala siya sa pag aayos sa kanyang sarili, ay hindi naman niya napansin ang pagkatanggal ng kanyag kwentas, kaya na laglag ito sa sahig. Nabigla din ito nang makitang nasa harapan na niya si Dominique.
Althea: " Sorry. "
Dominique: " So Althea, right?
Napatingin naman ito nang diretsa sa kanyang mata.
Dominique: " You remind me of someone, pero imposibleng maging ikaw sya. "
Althea: " Ikaw din, you remind me of someone, pero imposible ding maging ikaw sya, sa ugali palang wala kana"
Dominique: " Aba, sinasabi mo bang---- "
Althea: " Wala akong sinasabi. "
Dominique: " Gusto ko yang tapang mo, tignan natin. "
Tumalikod si Dominique at nagsimulang umalis palayo. Tinignan naman siya neto ni Althea habang naglalakad papalayo. Nalulungkot parin ito dahil hindi parin siya nakilala neto.
Althea: " Tsk, ano pa bang silbi kung magpapakilala ako sa kanya. Ang laki na talaga nang pinag bago niya, simula nong umalis siya sa pinas.
Nag desisyon na rin itong umalis sa banyo kinalaunan at umuwi.
Althea's HOUSE
Napansin naman ng mama ni Althea na matamlay ang anak, at parang wala itong gana. Nag desisyon ang ina na lapitan ang anak, para tanungin kung ayos lang ba ito. Napansin din neto na nakatingin ito sa kawalan.
Nanay ni Althea: " Thea, ayos ka lang ba? "
Napalingon naman ito nang tinawag ang kanyang pangalan.
Althea: " Ay Ma, kayo ho pala. "
Nanay ni Althea: " Ang lalim ata nang iniisip mo anak ha. Ano ba yan."
Althea: " Ah, wala po, siguro pagod lang sa trabaho. "
Nanay ni Althea: " Anak, kung sa iba pwede kang magsinungaling, pero sa akin hindi. "
Huminga ito nang malalim, at saka nag umpisang magsalaysay sa kanyang problema.
Althea: " Nagkita kami ulit ni Dominique, Ma."
Nanay ni Althea: " Talaga? Kumusta siya? "
Althea: " Ayon, ayos na ayos lang. "
Nanay ni Althea: " Ayos lang? Pero malungkot ka? "
Althea: " Hindi nya ako nakilala eh. "
Nanay ni Althea: " Ano? Panong hindi ka niya makikilala? "
Althea: " Yon na nga eh, nagkita kami ulit, pero hindi maganda ang naging pagkikita naming dalawa."
Nanay ni Althea: " Bakit hindi ka nag pakilala? "
Althea: " Para saan pa? Ibang iba na sya, ibang iba sya sa Dominique na nakilala ko noon. "
Nanay ni Althea: " Baka naman, may pinagdadaanan yong tao.
Sa kabilang banda, hindi naman maiwasan ni Althea ang malungkot, sa unang pagtatagpo nila ni Dominique. Gusto niyang sabihin ang totoo, pero nagdadalawang isip ito, kung karapatan paba netong malaman niya.
Samantala, nakaupo naman sa terrace sa kanyang condo itong si Dominique, na may malalim ding iniisip. Hindi niya alam kong tama paba itong pinapasokan niya, umalis siya nang England, at iniwan ang marangyang buhay niya at trabaho doon, para takasan ang gusto nang mga magulang niya. Pero kahit ganon paman, hindi parin ito makakatakas sa katotohanang, ikakasal siya kay Kyle sa ayaw niya't sa gusto.
Kinabukasan...
Althea: " Asan na ba kasi yon. "
Hinalungkat na ni Althea ang kanyang buong kwarto, pero hindi pa din niya nahanap ang kwentas na binigay sa kanya ni Astrid dalawampong taon na ang nakakaraan.
Althea: " Hindi iyong pwedeng mawala. "
Samantala, maagang gumising si Dominique para daanan ang kanilang kompanya, hindi naman siya ang nagpapatakbo neto kundi ang kanyang kuya, tinutulungan lang niya itong patakbuhin. Hindi rin nagtagal si Dominique sa opisina at dumiretso na sa shooting location. Sumimangot naman agad ang mukha niya ng maisip neto si Althea, alam kasi niyang magkikita at magbabangayan na naman silang dalawa doon.
Nang makarating si Dominique sa location, ay agad naman itong pumunta sa banyo para mag ayos nang konti, habang abala si Dominique sa pag aayos nang kanyang sarili, may napansin naman itong parang may naapakan siyang isang bagay mula sa sahig. Dinukot niya ito mula sa sahig, at nagulat naman ito ng makita ang isang kwentas na kaparehong kapareho sa kwentas na nasa kanya. Agad naman niyang hinalungkat ang kanyang bag at hinanap ang isang maliit na kahon, na naglalaman nang kaparehong kwentas na hawak niya.
Dominique:' Sh*t! Di ako pwedeng magkamali, ako ang nagbigay neto sa kanya. Posible bang nandito siya? "
Habang nag iisip si Dominique, at naguguluhan sa mga pangyayari, lumitaw naman sa kanyang isip si Althea. Nasapo ni Dominique ang kanyang bibig sa kanyang naisip.
Dominique: " No, hindi maaari. "
Sa di malamang dahilan, lumabas si Dominique ng banyo, at hinanap si Althea, nang makita niya ito na abala sa mga bagay, at parang may hinahanap, bigla niya itong nilapitan at hinatak at dinala sa tahimik na silid. Nabigla naman ito sa kanyang paghatak.
Althea: " Ano ba, bitawan mo nga ako!! "
Nagpupumiglas si Althea sa bawat paghawak ni Dominique sa kanya.
Althea: " Ano ba? Nasasaktan ako sa ginagawa mo!! Sabi nang bitawan mo ako eh! "
Padabog namang binitawan ni Dominique ang kamay ni Althea. At walang pag alinlangang itinaas niya ang kwentas na hawak neto, na siya namang ikinabigla ni Althea.
Dominique: " Magsabi ka nga nang totoo sa akin, at wag na wagkang magsisinungaling!! Sayo ba to? "
Tinignan ni Althea ang kwentas na hawak ni Dominique ngayon, hindi ito makapagsalita sa gulat. Pino proseso ang utak kong sasabihin niya ba ang totoo o hindi.
Dominique: " Althea! Sumagot ka!! Sayo bato--- "
Althea: " Oo na!! "
Dominique: " What? "
Althea: " Bi-- binili ko. "
Dominique: " Binili mo? Hahaha, wag mo nga akong pinagloloko!! "
Althea: " Eh bakit naman kita lolokohin? Ha! "
Dominique: " Seriously? Same thing as mind? "
Nagulat naman si Althea nang makita niya ang isa pang kwentas na hawak ni Dominique.
Dominique: " Grabi namang coincidence yon, umamin ka, ikaw ba yan, Althea? "
Tumalikod si Althea at nagsimulang maglakad papalayo, pero isang hakbang pa ang natapos ni Althea ng maramdaman niyang may yumakap sa kanyang likuran. Bigla namang namanhid ang buong katawan niya, halos hindi ito kayang maigalaw dala nang mga yakap ni Dominique sa kanya.
Dominique: " Ikaw nga. "
Mas lalong humigpit ang mga yakap niya kay Althea, na sya namang dahilan nang pagtulo ng mga luha na kanina pa niya pinipigilang bumagsak.