5: Somethings Strange
"TUMIGIL KA b*tch!" pagalit na singhal sa akin ni Atasha sa kabilang linya. Magpapahinga na sana ako pero bigla niya akong tinawagan para lang tuyain.
Malinaw pa sa alaala ko ang madaliang kasal namin ni Zade sa huwes, three years ago. Kita kong umiiyak noon si Atasha. But I was sure na nakita ko itong ngumiti habang nagsasalita ang judge na nagkakasal sa amin.
"Tandaan mo 'to Yuri, wala kang halaga kay Zade kahit kailan dahil ako lang ang mahal niya. Isa ka lang babaing mang-aagaw tandaan mo 'yan!" sigaw pa rin nito. Pero tinapos ko na ang tawag. Ayaw kong makinig pa sa mga lintaya ni Atasha. Kaya nagpasya ako i-block ang number nito.
Alam kong magiging masama na naman ako kapag nagsumbong ito sa parents namin. Pero wala na akong paki-alam pa. Ang tanging mahalaga na lang ngayon sa akin ay ang batang nasa sinapupunan ko.
Dahil siya na ang pamilya ko. At ipinapangako ko sa sarili kong hindi mararanasan ng anak ko ang mga naranasan ko sa aking pamilya.
Dama ko ang pagod pero magaan ang puso ko.
"Everything will be al---" natigalan ako nang mapalingon ako sa may pinto. Naroon si Zade na tila nagulat pa nang magtama ang mga titig namin. Kaya mabilis akong tumayo upang isara sana ang pinto ng silid ko. But Zade has enter my room.
"Are you fighting with Atasha?" madilim ang mukhang tanong nito.
"Yeah tumawag siya para sabihing lumayas na ako dito. Do you think dapat pa akong manatili dito hanggang makarating ang parents mo?" walang prenong lintaya ko. Kita kong pagkabigla sa mata ni Zade.
"Bakit ka ba laging nakikipag-away sa kapatid mo?" anito ng makabawi? Bakas ang kalituhan sa mata. "Pamilya kayo hindi ba?"
"Pamilya?" may pait na gumuhit sa lalamunan ko nang sabihin 'yon. "Kung ang kahulugan ng pamilya ay nakatira lang kayo sa iisang bahay. Oo pamilya kami. Pero hindi ganun ang pamilya. You made me realized that?" nasabi ko.
"Ano?"
"Sabi mo dati, ang totoong pamilya nagmamahalan, nagsasama ng masaya. Kaya hindi tayo magiging isang pamilya kahit kasal pa tayo dahil hindi...hindi natin mahal ang isa't isa." bahagya pa akong nautal sa sinabi ko at kita kong nag-isang linya ang makapal na kilay ni Zade.
"How can you---"
"Lumabas ka na, pagod na ako. Gusto ko nang magpahinga." taboy ko dito.
"Yuri, iyong issue natin magkaiba sa issue nang pamilya mo." giit nito. "Sabi mo wala akong alam, pero sa tingin ko ikaw ang problema. Masyado kang nagmamatigas. At nahihirapan ang pamilya mo dahil sa ugali mong 'yan."
"Pasensya na, pero kahit ano pang sabihin mo Zade wala na akong pakikingan. Dahil sinasabi mo lang kung anong nakikita mo. Wala ka lang talagang pakiramdam!"
"Ano!" bulyaw nito. "Makinig ka, ayaw kong maririnig na inaaway mo pa si Atasha. Normal lang namang magalit siya sa'yo dahil sa mga nangyari. Kaya ikaw ang dapat umunawa sa nararamdaman niya."
"Tsss... just leave me alone, Zade. Nakakapagod makinig sa sermon mo." asar kong sagot dito. Wala naman itong nagawa kundi ang umalis na lang. Kaya madalian kong isinara ang pinto ng kuwarto.
Nakakainis lang na walang gustong makinig sa akin. Masama bang gusto ko lang namang maramdamang may pamilya rin ako?
Sa kabila nang sama nang loob ko ay nagawa ko pa ring makatulog. Umaga na nang magising ako dahil sa paghilab ng tiyan ko. Kaya't napatakbo ako patungo sa banyo. Nilakasan ko na lang ang bukas nang faucet dahil baka may makarinig sa akin.
Sabi nang doctor normal lang naman raw ang morning sickness. Pero ang hirap pa rin pala. Halos mawalan ako nang lakas sa pagsusuka kaya nagpasya kong mahiga muli upang makabawi. Hindi naman nagtagal ay kalmado na ulit ang pakiramdam ko.
Pansin kong wierd pala ang mga buntis. Dahil iyong tipong sumusuka ka na parang mauubusan ka na nang lakas, pero kapag kumalma na. Parang walang nangyari.
Nagpasya akong simulan na ang pag-eempake. Wala naman akong masyadong gamit. Iilang damit lang ang dala ko nang lumipat ako sa bahay ni Zade dahil iyon lang ang masasabi kong maayos mula sa mga damit na pinaglumaan o inayawan ni Atasha.
Last year nang magkapera ako ng sarili ko, nagawa ko na ring bumili ng ilang personal na gamit ko. May pera ako galing kay Zade pero pakiramdam ko hindi ko kayang gastusin ang pera niya.
Noong isang beses kasing bumili ako nang damit ko mula sa perang bigay nito, sinabihan ako nitong huwag maging magastos. Mura lang iyong damit na binili ko at nakasale pa nga. Naisip ko lang kasing bilhan ito ng polo kaso mahal ang brand nito kaya malaki ang nagastos ko. Kaya'y naserunan ako nito ng makita ang resibo ng bank payment.
That's when I started to get anxious na galawin ang pera na bigay nito. Akala ko kasi noong una, magagawa ko na rin ang gusto ko dahil hindi na ako kasama ng pamilya ko. Pero mali ako dahil higit na kahiya-hiya nga namang gamitin ko ang pera ni Zade. Kaya kahit pagbili ko nang damit ipinapaalam ko rin dito.
Pinaghihiwalay ko ang ilang damit ko at mga gamit na nabili ko galing sa pera ni Zade. Ipamimigay ko na lang 'yon. Ayaw kong mag-iwan ng kahit na anong gamit sa bahay. Kailangan ko rin palang ayusin ang painting room na ginagamit ko.
"Anong ginagawa mo?" magitla pa ako dahil sa galit na tinig na 'yon sa likuran ko. Kaya nilingon ko ng masamang tingin si Zade. Pero kunot noo itong nakatingin sa mga gamit ko na nasa kama.
"Nakalock ang pinto pano ka nakapasok?" Nagulat pa ako nang i-angat nito ang hawak na master key.
"Kinakatok kita kanina hindi ka sumasagot." Natigilan ako sa kung anong emosyong nakita ko sa mata ni Zade.
"Ah... inisip mo bang umalis na ako kagabi?" walang prenong tanong ko dito na ikinalunok nito. Tama ako sa hula ko, alam ko.
"Sinabi kong hindi ka pa puweding umalis diba, ang tagal mo kasing sumagot kaya ipinakuha ko ang master key para buksan ang pinto." anitong nag-iwas naman nang tingin. "Now tell me what are you doing?"
"Nagliligpit. Huwag kang mag-alala naisip ko ring mabuti na ring makapagpaalam sa parents mo. Para huwag nilang sabihing wala akong respeto." mapaklang saad ko dito. Aktong magsasalita sana si Zade ng muli akong magsalita. "Sisiguruhin kong wala akong bakas na maiiwan dito bago ako umalis. Kaya huwag kang mag-alala pa."
Kita kong pagguhit ng kalituhan sa mata ni Zade bago ito tumuwid ng tayo. Habang ipinagpatuloy ko na ang paglalagay nang gamit ko sa maliit kong maleta.
"Malaki pa ang espasyo bakit di mo inilalagay ang iba?" Salubong ang kilay nitong tanong habang nakatitig sa ilang damit na nasa ibabaw pa rin ng kama.
"Hindi ko na dadalhin ang mga 'yan. Ipamimigay ko na lang, sayang naman eh o kaya baka kailangan ni Aling Susan nang mga basahan. Gumagawa ng mga rug iyong kapatid niya." baliwalang saad ko saka ko inilagay sa paper bag ang mga damit. "Aalis ako pagkatapos nating maka-usap ang parents mo." nasabi ko saka ako naglakad palapit dito. "Kung ka nang wala kang kailangan, lumabas ka na." taboy ko dito saka ko ito nilampasan.
Sigurado akong excited na itong maka-alis ako. Isang marahas na paghinga ang pinawalan ko upang kalmahin ang sarili ko. Pero hindi pa man ako nakakaapak sa hagdan ng harangan ako ni Zade.
"Bakit mo gagawing basahan ang mga gamit mo?" pigil nito sa akin.
"Ah... hindi naman sa akin ang mga 'to. Binili ko 'to mula sa allowance na bigay mo, kaya hindi ko ito dadalhin. Gusto kong magsimula at iwan ang lahat ng walang kinalaman sa buhay ko pag-alis ko." mabigat kong saad pero nagawa ko talagang ngumiti. Mapili ako sa mga damit kaya kahit iilan lang ang damit na nabili ko mula sa pera ni Zade, matagal kong pinagpilian ang mga 'yon bago ko binili.
"Yan lang lahat ang gamit na nabili mo sa loob ng tatlong taon? At kung iiwan mo pa 'yan ano pang matitira---"
"Hindi ko nga iiwan, ipapamigay ko. Saka bakit ba? Hindi ba dapat kanina ka pa umalis. Ngayon lang kita nakita dito nang umaga mula nang dumating si Atasha." puna ko kay Zade. Natigilan ito at dinig ko ang mahinang mura nito. "Huwag mo na ring isipin ang matitira sa akin, dahil hindi mo na problema 'yon."dagdag ko saka ko ito muling nilampasan.
SUNOD-SUNOD na mura ang ginawa ko sa sarili ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit hindi ako mapakali. Kagabi pa ako hindi nakatulog sa kakaisip kay Yuri sa mga narinig ko sa pag-uusap nila ni Atasha.
Alam kong si Yuri ang may mali pero, bakit iba ang umuukilkil sa utak ko. Tapos nanaginip pa akong umalis na si Yuri kaya napabangon ako at mabilis na pinuntahan ito sa silid na ginagamit nito. I only let her at the master bedroom kapag kailangan ko si Yuri bilang babae.
At bibihira naman iyon, kaya iniiwasan kong umuwi ng lasing dahil hindi ko maiwasang kailanganin si Yuri kapag lasing ako. I like her scent, kaya kapag lasing ako at nilalapitan ako ni Yuri nawawala ako sa sarili ko.
Hindi naman ako nagiguilty dahil kasal naman kami. Karapatan ko 'yon dahil siya ang nagdala sa sarili niya sa sitwasyon naming ito. Iyon ang alam ko. Dahil sinabi sa akin ni Atasha na may gusto sa akin si Yuri kaya nito nagawa ang mga nangyari noon.
At sa nakalipas na taon ay naging napakamasunurin ni Yuri. Walang reklamo, walang pagtangi. Kaya marahil na ninibago ako sa mga kilos nito ngayon.
Pero habang nakikita ko itong nag-eempake hindi ko maiwasan ang pag-alsa nang galit sa didbib ko. Galit na hindi ko alam kung para saan.
Hindi ko na namalayang nakababa na si Yuri kaya napasunod ako dito. Talagang ipapamigay niya ang mga damit niyang iilang piraso na nga lang. Sa laki ng perang ipinapasok sa atm nito kakarampot ang gamit nito. Anong ginagawa nito sa pera niya?
Sa inis ko tinawagan ko ang sekretary ko.
"Javier, check on my wife's account, alamin mo kung magkano ang laman ng fund account niya." utos ko sa assistant ko na kaagad namang sumagot.
"Aling Susan, baka po gusto n'yong isama ito sa mga ginagawang basahan ng kapatid mo. Di ko na rin kasi magagamit." dinig kong saad nito sa ginang.
"Teka Ma'am? Ay mga damit mo ito, saka ang aayos pa para maging basahan na." protesta ni Aling Susan.
"Pilian n'yo na lang po, baka may mapabigyan kayo."
"Sigurado ka ba? Hindi mo pa ata nagagamit ang iba dito."
"Isa o dalawang suot lang po, kayo na hong bahala d'yan. Siya nga ho pala, magpapatulong akong linisin iyong painting room ko sa susunod n araw" paki-usap nito.
"Sige ho Ma'am."
Nagitla pa si Yuri ng makita akong nakatayo sa may pinto. "Ano bang ginagawa mo ha? Yuri Ann?"ulit na tanong ko na naman dito.
Hindi ko maunawaan kong bakit para akong hindi mapakali sa mga ikinikilos ni Yuri. At kung bakit ako na bobother sa ginagawa nitong pag-eempake.
"Damn it!"asar kong sambit na ikinatitig nito sa akin. Pero nilampasan rin lang ako ito at muli nang umakyat sa hagdan.
Nagpasya akong bumalik na lang sa kuwarto ko. Naligo at nagbihis na rin ako para pumasok sa office.
Pagdatig ko sa opisina ay naroon na si Javier.
"Sir, ito na ho ang bank statement. Halos hindi ho ginagalaw ng asawa n'yo ang pera niya. At since this year ho, wala nang movement ang account niya, puro in na lang." paliwanag Javier saka inabot sa akin ang mga dokumento.
" Nagalit si Mama kay Yuri dahil magastos talaga si Yuri, mahilig siyang bumili ng bagay na hindi niya kailangan." mula kong saan ay dinig ko pa ang tinig ni Atasha. Iyon ay nang maabutan kong pinagagalitan si Yuri ni Mrs. Montefalco noon. Iyon rin ang unang araw na makita ko si Yuri sa bahay ng mga Montefalco. Isang taon na kami noon ni Atasha.
Magastos raw at maraming barkada si Yuri. Pero sa three years nang kasal namin, iisang babae lang ang mi-minsang nakita kong kasama ni Yuri.
I start checking the document, at walong beses lang gumalaw ang pera nito at hindi pa umabot ng isang libong ang transaksyon ito. Forty thousand lang ang monthly fund na itinalaga ko kay Yuri dahil nga magastus umano ito.
"Iyong mga transaksyon ng asawa ko, nalaman mo ba kung anu-ano ang mga 'yon?"
"Yes, Sir. Mga damit na nakasale lang ho. Wala nang iba. Para sa asawa ng CEO, napakatipid ng asawa n'yo Sir. Mas malaki pa nga po iyong movement doon sa bagong account na pinagawa n'yo. In three days na max out ang five hundred thousand."
"What?"
"Tinawagan ho ako ni Miss Atasha, kanina lang pagkatapos n'yong tumawag. Dagdagan ko raw ho ng limit ng credit card niya. Dadagdagan ko ho ba?"