"ano!? hindi kapa kikilos ha!? napaka batugan mo talaga!" at binigyan ako ng inay ko ng napaka lakas na sampal
Tahimik akong naka luhod at pinipigilang lumuha habang pinagagalitan na naman ako
"umalis kana sa harap ko at mag linis kana ng bahay!" inis na turan nya
"nga pala baka akala mo nalimutan kong sahod mo sa isang trabaho mo ngayon akin na ang pera" bagot na turan nito habang naka lahad ang palad sa harap ko
mabilis naman akong dumukot sa bulsa ko at inabot sa kanya ang dalawang libo
"Ito lang!?" inis na usal nya bago binatukan ako ng sobrang lakas
"niloloko mo ba akong bata ka!?" inis na turan nito
"hinarang ho kasi ako ni aling bebang sa daan kanina at pinipilit na mag bayad na-" hindi pa man ako nakakatapos sa aking sinasabi ay lumapat nanaman ang kaniyang palad sa aking pisngi
"nag mamarunong kana ngayon!? sa tingin mo ba ay hindi ako nag babayad sa mga utang natin!? nag mamalaki ka na!? napaka kapal talaga ng pag mumukha mo! palamunin ka lang dito!" turan nito hindi na lang ako umimik upang hindi na madagdagan pa ang galit nito
~~~
"Claire patapon nga nito" hindi pa man ako nakaka pag salita ay inihagis na sa akin ang plastic ng basura bago ako iwan nito bumuntong hininga naman ako bago ginawa ang iniuutos sakin
"claire?" napalingon naman ako sa likod at nakita ang dati kong amo sa isa sa mga napag trabahuhan ko ito din ang tumutulong sakin sa pag hahanap ng bagong mapapasukan
"Madam Joyce, kayo ho pala" tipid ko itong nginitian
"sinaktan ka nanaman ng mama mo? I told you! sumama kana lang sakin" nag aalalang turan nito matipid ko naman itong nginitian
"hindi ho maaari" nakangiting turan ko dito
marahil nag tataka kayo kung bakit pinag titiisan ko ang pag aalipusta sakin ng aking ina kung meron naman palang nais tumulong sakin
ngunit may mga bagay na hindi natin dapat takasan
"kung gayon ay nag hahanap ka ba ng bagong trabaho?" tanong nito ngumiti naman ako at tumango
tamang tama at tapos na ako sa trabaho ko sa isang bar at kailangan ko naman ng bago ngayon
tinitigan ko nito na parang nag aalangan
"sigurado ka?" tanong nito napa kunot naman ang noo ko ito ang unang beses na parang nag aalangan sya
siguro ay dahil sa tingin nya ay sobrang umaasa na ko sa kanya
napa hinga naman ako ng malalim bago sya nginitian
"ayos lang po ako makakahanap din po ako ng bagong mapapasukan" mahinang sabi ko
"paumanhin iha" turan nito
kagaya ng iba ay malamang napagod na din syang tulungan ako ngunit hindi naman ako ang lumalapit sa kanila kundi sila ang lumalapit sakin
"mauuna-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay may panyong tumakip sa aking bibig mabilis kong pinigilan ang paghinga ko at napa tingin kay madam Joyce ngunit nakatayo lang sya dun habang naka iwas ng tingin
anong gagawin nila sakin? ibebenta ba nila ako?
sinubukan kong manlaban ngunit naka amoy akong ng mabango ngunit nakaka hilong amoy pag katapos nun ay mabilis na nan dili ang aking paningin
"Isakay nyo na sya" rinig ko pang turan ni Madam joyce bago ako tuluyang mawalan ng malay
~~~
nagising ako sa huni ng mga ibon ang inaasahan kong madadatnan ko ay kabaligtaran sa kung ano ang nakikita ko ngayon
asan ako?
yan ang nais kong itanong ngunit wala namang maaaring makasagot dito
dahil mag isa lang ako
sa gitna ng kagubatan?
may matataas na puno sa aking paligid at mga natuyong dahon sa aking kinahihigaan
asan ako??
napa balikwas naman ako ng tayo ng makarinig ako ng kaluskos
isang kuneho ang nakikipag titigan sakin ngayon
at ng pawang nakuntento na sya ay mabilis itong lumundag papunta sa isang direksyon
siguro kung bida ako sa isang teleserye o sa isa sa mga nabasa kong kwento ay baka sinundan ko na ang kuneho ngunit hindi ito gaya ng gawa ng mga direktor
hindi ako T**ga para sundan ang kuneho na para bang gusto akong dalhin nito sa isang lugar
lumipas ang ilang minuto at naka upo parin ako sa kung saan ako naka pwesto kanina pa
walang planong kumilos
hindi ko naman alam kung ano ang gagawin ko
uumpisahan ko na bang mag lakad lakad upang may marating naman ako?
aakyat ng puno upang makita ang dulo nito?
o-
mabilis akong napalingon ng may kumaluskos
isa nanamang kuneho nakatayo sa kung saan naka tayo ang kunehong nakipag titigan sakin kanina
at kagaya nung na una ay umalis din ito at lumundag sa kung saan tumungo ang na una
lumipas ang isang oras? may limang kuneho ng nakipag titigan sakin at kagaya ng mga nauna ay lumundag din sila sa iisang direksyon
mag kakamag anak ba ang mga yun? may iisang trip sa buhay?
o baka ngayon pa lang sila naka kita ng tao?
kung may sira lang siguro ako sa pag iisip ay baka inisip ko ng gusto nilang sundan ko sila HAHHAHAHA
"grrr" mabilis naman akong napa lingon sa likod ko at mukhang maling disisyon iyon dahil may mabangis na ngayon ko palang nakitang hayop
hindi ko alam kung tatakbo ako o mananatili sa pwesto ko
ngunit mabilis itong tumakbo patungo sa direksyon ko na pawang handa na syang kainin ako
gusto ko mang mamatay pero yung survival instinct ko ayaw pa ata kaya nakita ko na lang sarili kong tumatakbo para sa buhay ko
and for some reason tumakbo ako patungo sa kung saan dumaan ang mga kuneho
nag babaka sakaling maka salubong ko sila at sila naman ang habuli ng halimaw na humahabol sakin
at syempre hindi dun nag tatapos yung kamalasan ko
napatid ko bessy
NA PA TID!
katapusan ko na ata
"AAAHHHHHH" irit ko ng may lumapat sa balikat ko
"Iha ayos ka lang ba?' tinig ng isang babae mabilis akong napa tayo at tinignan kung sni iyon
isang magandang babae na parang nasa edad 24
napalingon naman ako sa paligid ko
wala na ko sa gubat at may malaking gate sa harap ko at maraming mga tao dun na sa wari koy mga ka edaran ko lang
gusto kong itanong kung na saan ako ngunit inunahan na ko nitong mag salita
"ikaw na lang ang kukunin kong scholar!" masayang sabi nito na nag pa kunot sa noo ko
"scholar?" takang tanong ko ngunit hindi na ko nito hinayaang mag salita at hinila na ko papasok sa kung saan
nasa kalagitnaan kami ng pag tawid sa gitna ng mga nag titipong kabataan ng bigla syang huminto at tignan ako
"wala pang may hawak sayo diba?" tanong nito napa kunot naman ang noo ko hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil wala nga akong maintindihaaaaaaaan
"I'll take that as a no" turan nito at mabilis akong hinila papasok sa isang malaking gate
nasaan kami? para akong nasa palasyo
gagawin ba nila akong katulong? pero scholar daw eh
scholar? ng shool? kasi nga SCHOLar?
may iba pa bang scholar bukod sa pag aaral?
"wag mo kong papahiyain little lady!" kumindat na turan nito skain bago ako dalhin sa isang kwarto
binabangungot bako? parang ang haba naman nito para sa panaginip
pero masyadong kakaiba para sa totoong buhay
asan ba ko?
ano bang nang yayare?
hindi ko pa nagagawa ang plano ko...
kailangan kong maka uwi