Zecharia's POV Nagising ako na nakahiga sa kama ko sa dorm. I guess Genesis brought me here when I lost my consciousness. Napalingon ako sa paligid at nakita ko si Chloe na binabantayan ako. "Hey, matulog ka muna." Utos niya, pero hindi ko magawang matulog. Mapula na ang mata ko kakaiyak. Sa ngayon, si Daddy lang ang gusto kong makausap. But he's not here. "I need to talk to Ms. Athena, may kailangan lang akong malaman," sambit ko. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Chloe. "Rest first. Mamaya, dadalhin kita kay Ms. Lincoln, but for now, rest." Sinunod ko ang sinabi niya, nagpahinga ako. Sa tingin ko, kailangan ko nga talagang magpahinga. Pagkatapos nang lahat ng nalaman ko, parang ang hirap kumilos. ------------------ "Chloe, tara na." Tumango lang si Chloe, at naglakad na

