Chapter 4: Power

1258 Words
"Ms. Athena, ano pong power?" nagtatakang tanong ko. I'm freaking out right now. Ni wala akong ideya sa mga pinag-uusapan nila. Hanggang ngayon nga hindi pa rin nagpo-process sa isip ko ang mga nangyari kanina. Tapos ngayon, ito? Power? Seriously? "Athena, hindi pa niya alam," sabi naman ni Dad na mas lalong nagpagulo sa isip ko. Ano ba ang hindi ko alam? I can't keep up and all I can do was to stare at them. "What? Then tell her now. She needs to know, Jeremiah," Ms. Athena answered. Tumango lang si Daddy. Marami pa silang pinag-usapan pero hindi ko magawang makinig. Ano ang hindi ko pa alam? I swear halos sumabog na ang isip ko kakaisip ng mga sinasabi nila. "Dad, what the hell is happening? Litong-lito na ako." bungad kong tanong kay Dad nang makalabas kami sa office na 'yon. Wala masyadong tao rito sa first floor, kaya malaya kong matatanong ang mga bagay na kanina pa bumabagabag sa akin. Tila naguguluhan pa rin si Dad kung sasabihin niya ba sa akin o hindi. But I really need to know kung ano ba ang mga sinasabi nila kanina. Kaya hinawakan ko ang kamay niya. "Dad, What is it that you're not telling me?" Umiwas siya ng tingin sa akin bago nagsalita. "Alam kong darating ang araw na 'to. 'Yong malalaman mo ang lahat. Kasalanan kong hindi ko pa sinabi sa 'yo noon. Because I know you'll freak out. At mas lalo ka lang matatakot sa sarili mo." Napasapo siya sa kaniyang sintido. "Your Mom told me na hanggang kaya kong itago sa 'yo ang totoo, itatago ko." "Anong itinago niyo sa akin?" Nakakunot-noo kong tanong. "Anak..." Dad whispered. "... You have powers." Ilang saglit na binalot kami ng katahimikan. What?! Nag-echo sa isip ko ang sinabi ni Dad a minute ago. Until I burst out a laugh. Hindi ko alam pero tawa ako nang tawa. But half of me is still confused, because even though it's absurd, half of me thinks it's true. "Stop joking, dad." "I'm serious, Anak. Dapat mong malaman ang totoo. Tinago ko sa 'yo ang lahat kasi ang akala ko ito ang mas makakabuti para sa 'yo. But I was wrong. Naalala mo nnag araw na nagkulong ka sa bathroom mo? At nagyelo ang buong banyo, you did it. Ikaw ang gumawa ng yelong 'yon nang hindi mo namamalayan..." "... At 'yong araw na nagkaroon ng brown-out sa buong siyudad, you were afraid of the dark. So, accidentally, you have used your power. Hindi mo kayang i-control ang kapangyarihan mo kaya kusa itong lumalabas. Until Dale showed up earlier. Nagamit mo na naman ang kapangyarihan mo. Dale's ability to paralyze someone is so strong. Hindi 'yon basta-basta mawawala. Pero ikaw, nagawa mong labanan," Dad explained. Unti-unti akong nanghihina sa mga nalalaman ko. Pakiramdam ko, ang dami kong hindi alam sa sarili kong buhay. Kinurot ko 'yong sarili ko, para tignan kung nananaginip lang ba ako. All of these feels so surreal yet I can't deny the truth that is now in front of me. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Dad. "Tara na, Anak. Hahatid na kita sa kuwarto mo. Bukas, magsisimula na ang buhay mo rito sa Magical University. Rito ka muna mag-aaral at titira." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Wala na akong naging lakas para magsalita pa. Siguro, dahil na rin sa pagod at pagkagulat sa mga nangyayari kaya wala nang anumang salita ang lumabas sa aking bibig. A staircase greeted us. Ang mga ganitong uri ng staircase ay makikita mo lamang sa mga palasyo, mansion o di kaya'y sa mga kastilyo. Nakakapagtaka lang, may paaralan pa lang ganito kalaki? Sa siyudad, tanging mga private schools lang ang matataas at malalaki. Pero wala pa rin 'yon sa laki nitong Magical University. Pagdating namin sa second floor ay roon na ako tuluyang natigilan. There's a lot of people. They were scattered on the hall way. At napapalingon sila sa akin. Tila ba nagtataka kung sino ako. Ang iba ay dire-diretso lang, ang iba naman ay nagtatawanan kasama ang mga kaibigan nila. Pare-pareho sila ng suot. Sa mga babae, checkered black and white skirt, white long sleeves na naka-tuck-in sa palda, long socks na black at black shoes na may hills. May black neck tie pa. Sa mga lalaki naman, Black pants, white long sleeves, at black shoes. Hindi ko maiwasang mamangha. How can they maintain such beautiful place? Kung sa siyudad 'to, malamang ay matagal nang nawala ang kagandahan ng University. Tuwing may makakasalubong kami, puro pagtataka ang makikita sa kanilang mukha. Some were murmurings, some doesn't care. Siguro kailangan ko na lang masanay sa ganito kung dito nga ako titira at mag-aaral. "Anak, second floor and third floor ay puro mga classrooms and three cafeterias. Pero sa third floor ang classroom mo. Sa fourth and fifth floor ang dormitory. Ang east ward ay para sa mga babae at ang west ward naman ay para sa mga lalaki," paliwanag ni Dad habang patuloy pa rin kami sa paglalakad. "Dad, How do you know this place so well?" I asked. He smiled as if he's reminiscing his past. He turned his gaze on me. "Let's just say that, me and your Mom used to study here," nakangiti niyang sabi na parang napakagandang memorya n'on para sa kaniya. Agad na nanlaki ang mata ko. "You have a power, too?" Umiling naman siya. "My mom, your Grandma is one of the former leaders here in Magical University. She has powers. But she fell in love with a normal guy. My dad, your Grandpa. At nagmana ako sa lolo mo. Normal na tao lang ako, and that time, your Mom was the Leader. She accepted me here even though I have no powers like them. And that made me fall for her even more," Dad said na nagpangiti sa akin. Tuwing ikinukuwento niya ang istorya nila ni Mommy, how they started as strangers, became friends, and how they fell in love with each other, at kung paanong pilit silang pinaghihiwalay ng lahat. Napapangiti ako. Someday, makakahanap kaya ako ng katulad ni Dad? Na kaya akong tanggapin kung sino ako? Umakyat ulit kami ng hagdan hanggang sa makaabot kami sa fourth floor. Huminto kami sa harap ng isang pinto, at kumatok si Dad. Ilang katok lang ay bumukas na ito. Bumungad sa amin ang isang maganda, maputi at may shoulder length na buhok. "Hi, Mr. Smith," masaya niyang bati kay Dad. Napatingin siya sa direksiyon ko at doon ko lang napansin ang mga mata niya. Her eyes are blue. "You must be Zecharia," dagdag pa niya. I awkwardly smiled. What was that? Paanong alam niya ang pangalan ko? Naguguluhan man, ngumiti na lang ako. "Yes, and you are?" "I'm Chloe Perez. Just call me Chloe." She smiled. And her perfect set of teeth showed up. She's so beautiful. And her set of blue eyes amazed me. "Nice meeting you, Zecharia. You're so beautiful." She giggled then offered me her hand. "Friends?" Inabot ko ang kamay ko and uttered 'Friends'. "If you're wondering, why my eyes are blue, Kasi ang power ko ay--" hindi ko na siya pinatapos pa. "Power? You have powers too?!" Asik ko. She smiled again and nodded as if what I asked is just a simple question. Kahit na aware na ako sa nangyayari, hindi ko pa rin maiwasang matigilan. I will live and study in a school where real power exists? Crap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD