"Umalis ka na!" sigaw ni Genesis sa akin habang nakaluhod siya. Pero umiling lang ako. No, I can't just leave him here. "Hindi! Hindi kita iiwan! Lalaban tayo nang—" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ng may humigit ng damit ko at inihagis ako palayo kay Genesis. Tumama ako sa bakal kaya napangiwi ako sa sakit. Hinawakan ko ang ulo ko at may dugo na ako. Pinilit kong tumayo at kinuha ang dagger na dapat ipang sasaksak ko kay Elijah kanina. Naglalaban sila ni Genesis. Kahit puro dugo na sa paligid. I managed to stand up and put a fire on the dagger. Naging apoy ang paligid nito at nag-ilaw. Lumapit ako kay Elijah na nakatalikod. Sinaksak ko sa likod niya ang dagger, dahilan para mapasigaw siya sa sakit. Tumalon si Genesis at inipon niya ang kapangyarihan niya sa kamay. Hinagis niya 'yo

