Zecharia's POV "Kailangan ka nang ayusan." Iniabot ng babae ang itim na gown. Gusto kong masuka. Kasal ba ang gagawin o lamay? Nakakasuka ang kulay ng gown. Para siyang damit ng patay. Tapos ipapasuot sa akin ito ni Elijah? Mas maganda pa ang sako rito, e. "Ayaw ko niyang gown na 'yan. Pangit," sambit ko. Inirapan naman ako ng babae na para bang ako pa 'tong mali. Aba! Kahit hindi ko gusto ang kasal na 'to, wala naman akong balak magmukhang patay sa susuotin ko. "Ito na lang." Iniabot naman sa akin ang red na gown. Nakakainis talaga! Hindi ba nila alam na white ang kulay ng wedding dress? O baka mas tamang itanong kung may ideya ba sila sa isang kasal? Crap! Sa sobrang inis ko ay kaagad ko siyang inirapan. "Kasal ba o debut ang gagawin?" asik ko. Nakakainis naman kasi talaga, e. Laba

