MELCHOR
Alas-kwatro ng madaling araw nagising na ako. Maaga ako'ng nagising dahil nakasayanan ko na. Bumangon ako sa kama at inayos ang tinulugan ko. Paulit-ulit talaga ako na nagpasalamat sa panginoon na hindi niya ako pinabayaan. Sobrang nagpasalamat din ako kay Kuya Lester at Ate Janine dahil tinulungan at kinopkop nila ako. Sana lang hindi mag-alala ang mga magulang ko sa akin at maayos lang sila. Masaya ako kagabi habang kumakain kami dahil nagustuhan nila ang niluto ko. Si Jasmine hindi nagising kaya tinirhan nalang namin. Pagkatapos ko'ng ligpitin ang unan at kumot ko. Pumasok ako sa banyo para maligo. Binigyan ako ulit kagabi ni Kuya Lester ng damit bago kami matulog. Kaya okay na ako kahit dalawang pares lang. Nilabhan ko na rin ang marumi ko'ng damit.na suot ko mula n'ong nakita nila ako kalsada. Pagkatapos ko'ng maligo at mag laba. Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos ko'ng magbihis. Maingat ang bawat kilos ko para hindi ako maka gawa ng ingay. Kahit nandito ako sa baba. Ayaw ko na magising sila. Hindi ko kasi alam kung anong oras sila nagigising dahil linggo naman at wala pa silang pasok sa trabaho.
Pagdating ko sa kusina, nag init ako ng tubig para mag kape. Tinuruan ako kagabi ni Kuya Lester paano gamitin ang mga de-kuryente nilang mga gamit. Plano ko pagkatapos ko'ng uminum ng kape ay magsimula ako magluto ng almusal at pagkatapos magwawalis ako sa labas ng bahay. Mabilis ko lang inubos ang kape ko at nag-umpisa na ako'ng magluto ng magiging almusal mamaya nila Kuya at Ate saka ni Jasmine. Kalahating oras, nakatapos na rin ako sa pagluto. Hindi ko na muna ininit ang manok na para kay Jasmine dahil baka mamaya pa siya magising. Basta kasi mga bata mga alas-otso o alas-nwebe ng maaga ang kanilang gising. Habang nakatalikod ako na nakaharap sa lababo dahil hinuhugasan ko ang mga ginamit ko sa pagluto. Nakarinig ako ng maliit na boses sa aking likuran. Kaya humarap ako.
"Sino po kayo? Bakit po nandito kayo sa bahay namin? Good morning po." Magalang na sabi ni Jasmine. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit. Hindi manlang natakot nang makita ako. Magulo ang kaniyang buhok pero ang cute niya pa rin tingnan.
"Hello baby! Good morning. Nagising ka ba sa ingay ko? Pasensya kung nagising ka. Ako si Melchor Fernandez. Katulong niyo ako dito. Kahapon ako nakita ng Mama at Papa mo. Dinala nila ako dito sa bahay niyo. Tulog ka kahapon kaya hindi tayo nagka kilala. Hindi ka ba natakot na may ibang tao sa bahay niyo?" Mahinahon na pagkakilala ko at tanong kay Jasmine.
"Ganun po ba? Nagugutom po kasi ako kaya nagising na po ako. May food po ba? I'm super hungry na po kasi. Saka I'm not afraid po." Magiliw na sabi ni Jasmine kaya napangiti ako. Katulad din siya ng bunso namin na mabait.
"Salamat naman kung ganun. Saka mabait naman ako. Halika na maupo ka, nagluto ako kagabi ng adobong manok. Sabi ni Papa at Mama mo paborito mo daw. Hindi ka nagising kaya tinirhan ka nalang namin." Ani ko sa kaniya. Parang na amaze naman siya sa sinabi ko. Malawak ang kaniyang ngiti na mukhang masaya sa aking sinabi. Parang nag beautiful eyes pa siya sa akin.
"Ay wow talaga po? Thank you po. Ang sarap po kasi ng adobong manok kaya paborito ko po." Masayang turan ni Jasmine. Hinawi niya ang kaniyang magulong buhok saka umupo sa upuan. Kinuha ko naman ang manok sa fridge at nilagay sa microwave para initin. Mabuti nalang naka luto na ako ng sinangag at luto na rin ang kanin sa rice cooker. May hotdog din ako'ng niluto para kay Jasmine.
"Baby, anong gusto mo'ng kanin? Ang sinangag ba o bagong saing ko sa rice cooker? Saka gusto mo din ba ng gatas?" Nakangiti na tanong ko kay Jasmine.
" Jasmine po ang name ko. Bakit tinatawag niyo po ako'ng baby po?" Inosenti niyang tanong sa halip na sagutin niya ang tanong ko. Kaya ginulo ko ang kaniyang buhok. Napanguso naman siya ngunit ngumiti rin sa huli.
"Kasi baby ka pa. At mas gusto ko na tawagin kitang baby dahil parang katulad ka rin ng kapatid ko. Saka ang haba ng Jasmine. Kapag dalaga ka na saka na kita tawagin na Jasmine. Okay ba iyun?" Tanong ko habang nilagyan ko na ang kaniyang plato ng kanin at adobong manok. Nag timpla na rin ako ng gatas kahit hindi niya rin ako sinagot sa tanong ko. Tinabi ko rin sa gilid ng plato niya ang hotdog.
"Maraming salamat po Angkol." Masayang turan niya. Napatingin naman ako sa kaniya kung bakit Angkol Ang tawag niya sa akin. Matanda na ba ako? Para tawagin na Angkol? Tanong ko sa aking sarili. Pero bakit ang sarap pakinggan ng Angkol? Tanong ko ulit sa isipan ko.
"Angkol?" Sambit ko habang nakatingin kay Jasmine.
"Opo Angkol. Kasi baby tawag mo sa akin. Kaya gusto din kitang tawagin na Angkol. Wala kasi ako'ng Angkol. Marami na ako'ng Kuya na mga kapatid ng classmate ko at kapit bahay namin na kuya ni Rachel. Kaya Angkol nalang kita. Okay lang ba Angkol Melchor?" Magiliw niyang sabi. Parang nagpa cute pa siya. Kaya hindi ko maiwasan na pisilin ang kaniyang chubby na pisnge. Bumungis-ngis naman siya at nagpaalam na mag pray daw muna siya dahil nagugutom na daw talaga siya. Kaya hinayaan ko muna siya at bumalik sa lababo para ipagpatuloy ang paghugas na mga ginamit ko sa pagluto.
"Angkol, ang sarap po!" Napatingin ako kay Jasmine ng magsalita siya. Nag-umpisa na pala siyang kumain. Nakapikit pa siya habang ningunguya ang kaniyang kinakain. Napangiti ako dahil nagustuhan niya ang niluto ko. Ang bilis gumaan ng loob ko sa kaniya. Katulad din siya ng magulang niya na mabait na kahit bago pa lang kami nagkita mabait siya kaagad sa akin. Kaya gagawin ko ang lahat para makabawi sa kanilang kabutihan sa akin. Kahit papano hindi ako nalulungkot na pansamantala na malayo ako sa aking pamilya. Sisikapin ko din na makapag ipon. At kapag makaipon na ako ng sapat na pera. Babalik ako sa Iloilo at harapin ang kaso laban sa akin at patunayan ko na hindi ako ang nag rape sa bata.
"Lord sana h'wag mo'ng pabayaan ang mga kapatid at mga magulang ko." Lihim ko'ng dasal sa panginoon.
"Angkol." Napatingin ako muli kay Jasmine ng tinawag niya ako. Hindi ko pala siya nasagot.
"Baby, masarap ba? Mabuti naman at nagustuhan mo." Ani ko. Lumapit ako sa kaniya para lagyan sana ang kaniyang plato dahil naubos niya ang nilagay ko sa kaniya.
"I'm full na po Angkol. Maraming salamat po. Kaya lang, parang inaantok ulit ako. Ang sarap ng luto mo po kaya busog na busog na po ako." Magiliw niyang sabi.
"Maraming salamat at nagustuhan mo. Sige bumalik ka na muna sa room mo. Tulog pa naman si Mama at Papa mo. Saka 6 am pa lang. Maaga pa, kaya sleep ka muna ulit." Ani ko sa kaniya.
"Angkol bakit early ka rin po nagising po? Nagutom ka rin po ba kanina kaya nagising ka rin po?"
"Ganito sa probinsya baby, kailangan gumising ng maaga para magtrabaho. Kasi mahirap lang kami. Kaya iba ang trabaho ko sa trabaho ni Mama at Papa mo." Paliwanag ko sa kaniya. Tumango naman siya na parang naiintindihan ang sinabi ko. Ang akala ko magpaalam na siya na babalik na sa kaniyang kwarto. Ngunit muling tinanong ako ulit.
"Angkol hindi ka po nag-aaral? May Lolo at Lola ka ba? Kasi ako Meron, pero hindi ko nakilala po. Sabi ni Mama at Papa malayo daw po sila." Wika niya na parang malungkot ang kaniyang boses.
"Ay ganun ba? Baka mahal ang pamasahe kaya hindi sila naka bisita dito sa inyo." Pagsinungaling ko sa kaniya. Dahil na i-kwento na rin sa akin ni Kuya Lester kung bakit.
"Ay ganun po ba? Kapag may work na po ako. Mag-iipon po ako ng pamasahe para puntahan si Lolo at Lola ko po." Aniya. Naawa ako bigla kay Jasmine. Kaya niyakap ko siya.
"H'wag nang malungkot baby! Malay mo bigla nalang silang dumating dito sa bahay niyo para bisitahin ka. Di ba nga ako, bigla nalang dumating sa inyo? Kaya baka ganun din si Lolo at Lola mo. Basta mag pray ka lang palagi at maging mabait. Dahil matupad din ang mga wish mo." Malumanay na paliwanag ko sa kaniya.
"Maraming salamat po, Angkol. Ang bait niyo po. Hindi na lang pala ako babalik sa pagtulog. Sasamahan nalang po kita. Baka kasi malungkot ka dito po." Nakangiti na sabi ni Jasmine. Kaya ngumiti ako sa kaniya at nagpaalam na tapusin ko muna ang hinuhugasan ko. Niligpit ko rin ang kaniyang pinagkainan. Nanatili naman siyang nakaupo sa upuan at patuloy na nakipag kwentuhan sa akin.