MELCHOR
"Mama ko, Papa ko. Mama , Papa gumising kayo. Mama, Papa huwag niyo ako'ng Iwan. Mama, Papa Mahal na mahal ko kayo. Paano nalang ako, bakit, bakit niyo ako'ng iniwan na dalawa?" Malakas na sigaw ni Jasmine na umiiyak habang yakap ang kabaong ni Ate Janine at Kuya Lester. Limang araw ang lamay ni Ate Janine at Kuya Lester at ngayon ang araw nang kanilang libing. Iyak lang ng iyak si Jasmine mula n'ong nalaman niyang namatay ang kaniyang mga magulang.
"Baby, nandito ako. Hindi kita iiwan. Kahit mahirap at masakit kailangan na natin ilibing ang Mama at Papa mo. Kaya bitawan mo ang kabaong baby. Nandito lang ako." Umiiyak din na sabi ko kay Jasmine. Kunti lang ang sumama sa amin sa libing dahil wala naman kamag-anak na pumunta. Ang mga co-teachers ni Ate Janine at kakilala lang ni Kuya Lester saka ang ilang kapitbahay namin ang sumama. Ipaalam ko sana sa pamilya ni Ate Janine ang nangyari sa kanila ngunit hindi ko naman alam kung paano sila makuntak. At bilin ni Ate Janine sa kaniyang sulat na iniwan niya nuon sa nurse ay hindi ko ipaalam sa kaniyang mga magulang dahil baka kukunin nila si Janine at gawin lang na katulong. Bilin din ni Ate Janine na kahit anong mangyari hindi ko pabayaan si Janine dahil may tiwala sila sa akin. Sinabi din ni Ate Janine sa sulat na may pera si Jasmine sa banko ngunit makuha lamang ni Jasmine kapag mag 18 na siya. May iniwan din na pera si Ate Janine sa akin. Kaya kahit mahirap ang kanilang pagka wala. Sisikapin ko'ng maalagaan ng maayos si Jasmine.
"Angkol, paano ako? Wala na ako'ng Mama at Papa. Bakit nangyari kay Mama at Papa ko ito? Angkol ang sakit sakit Angkol. Parang hindi ko kayang bitawan si Mama at Papa Angkol." Umiiyak na sabi ni Jasmine habang yakap niya pa rin ng mahigpit ang kabaong.
"Baby, kapag hindi mo binitawan ang kabaong. Mahihirapan din ang Mama at Papa mo. Kahit hindi mo sila nakikita, sila nakikita nila tayo. Isipin mo nalang na sila ang guardian angel mo. Nandito ako, pangako hinding-hindi kita iiwan baby. Kaya sige na kailangan mo nang bitawan. Saka parang uulan ng malakas. Baka maabutan tayo ng ulan at ang mga tao. Kaya sige na, ibigay mo na ang Mama at Papa mo kay Papa Jesus. Kapag nakikita ka nila na ganito. Mahihirapan din ang kalooban nila baby." Mahinahon na sabi ko kay Jasmine. Kahit parang ayaw niyang bitawan, dahan-dahan niya parin na binitawan ang dalawang kabaong saka yumakap sa akin. Niyakap ko din siya para malaman niya na nandito lang ako sa tabi niya. Unti-unti na rin na hinulog sa ilalalim ng lupa ang dalawang kabaong.
"Mama, Papa I love you po. Mahal na mahal ko kayo. Mama, Papa kahit masakit tatanggapin ko na tuluyan niyo na ako'ng iiwan. Ba-bye Mama, Papa." Humihikbi na sabi ni Jasmine habang tinatapunan ng bulaklak ang kabaong ng kaniyang mga magulang. Bilang pabaon.
"Ate Janine, Kuya Lester ako ang bahala kay Jasmine. Pangako alagaan ko siya ng mabuti at hinding-hindi ko siya pababayaan. Hindi ko hahayaan na may kumuha sa kaniya. Paalam Ate Janine Kuya Lester. Maraming salamat sa lahat na kabutihan at tulong niyo sa akin. Hinding-hindi ko kayo makalimutan. Gagawin ko ang lahat maging maayos ang buhay ni Jasmine. Hindi ko hahayaan na mahirapan siya. Kung ano ang ginawa niyo sa kaniya nuon, ganun din ang gagawin ko. Gagawin ko ho siyang prinsisa." Umiiyak ko'ng sabi. Sobrang sakit at hirap. Ngayon pa lang naawa na ako kay Jasmine. Ngunit gagawin ko ang lahat para hindi niya maramdaman na wala siyang magulang. Ako ang maging Nanay ,Tatay at Angkol niya.
Nang tuluyan matakpan ng lupa ang kabaong. Nagpaalam ang taga funerals at ang mga sumama sa amin. Nagpasalamat ako sa kanila bago sila tuluyan umalis. Nanatili pa muna kami ni Janine dahil nakiusap siya sa akin na mamaya na muna kami aalis.
"Angkol, ipangako mo kay Mama at Papa sa puntod nila ngayon na hindi mo ako iiwan. Na hindi mo ako pababayaan. Na alagaan mo ako. Na hindi ka mag girlfriend o asawa kapag ayaw ko. At kapag hindi mo tinupad ang pangako mo. Mumultuhin ka nila." Wika ni Jasmine sa namamaos na boses sa sobrang pag-iyak. Bigla naman ako'ng napangiti sa huli niyang sinabi.
"Ikaw talaga ang akala ko seryuso ang sasabihin mo. Bakit mumutuhin ako? Syempre alagaan kita. Hinding-hindi kita iiwan at hindi kita pabayaan. Dahil ikaw ang prinsisa ko." Nakangiti na sabi ko sa kaniya sabay gulo ng kaniyang buhok.
"Mag promise ka kay Mama at Papa." Utos niya sa akin at sinabi na itaas ang aking kamay para manumpa. Kaya para maging kampante siya. Tinaas ko ang aking kanang kamay.
"Ate Janine, Kuya Lester kahit sinabi ko na kanina sa inyo. Sasabihin ko ulit. Pangako po hinding-hindi ko pababayaan si Jasmine. Pangako po hindi ko siya iniwan. Pangako po alagaan ko siya. Pangako po gagawin ko siyang prinsisa at higit sa lahat hindi ako mag gi-girlfriend o Asawa kapag ayaw ni Jasmine." Saad ko habang nakatingin kay Jasmine. Ngumiti naman siya at nag thumbs up.
"Happy na ang baby?" Nakangiti ko'ng sabi habang pinunasan ko ang kaniyang luha.
"Happy po Angkol. Salamat po." Masigla niyang sabi saka yumakap sa akin.
"Tara na? Uwi na ba tayo? Baka maabutan tayo ng ulan at baka magkasakit ka. Limang araw na wala ka'ng masyadong tulog at pahinga. Kaya halika na, babalik tayo dito bukas. Araw-araw pupunta tayo dito pagka galing mo sa school. Kailangan na muna natin umuwi dahil marami pa akong lilinisin sa bahay." Malumanay ko'ng sabi. Tumango siya at hinaplos ang pangalan ni Ate Janine at Kuya Lester na nakaukit sa nitso.
"Mama, Papa aalis na po kami ni Angkol. Babalik ho kami dito bukas. I love you Mama, Papa." Paalam ni Jasmine.
"Ate Janine,Kuya Lester. Aalis na po kami. Babalik kami dito bukas. Pangako ko uli na Ako Ang bahala kay Jasmine. Kaya magpahinga na kayo ng maayos diyan." Kausap ko sa puntod ni Ate Janine at Kuya Lester. Pagkatapos hinawakan ko na ang kamay ni Jasmine para maglakad papunta sa motor.
"Maraming salamat Angkol. Siguro kung wala ka, baka hindi ko alam ang gagawin ko. Baka walang mag-alaga sa akin. Dahil wala naman ako'ng Lolo at Lola. Saka narinig ko nuon ang usapan ni Mama at Papa na ayaw pala ng mga magulang ni Mama Kay Papa. Kaya ayaw ko rin sa kanila. Kaya Angkol kapag puntahan nila ako at kukunin. Angkol huwag mo ako'ng ibigay sa kanila. Ayaw ko sa kanila Angkol. Ikaw Ang gusto ko na mag-alaga sa akin at Ikaw Ang gusto ko makasama." Saad ni Jasmine habang naglalakad na kami papunta sa motor.
"Kahit ano pa ang ginawa nila baby h'wag kang magtanim ng galit sa kanila dahil Lolo at Lola mo pa rin sila. Pero hindi naman ako papayag na kukunin ka nila sa akin. Dahil binilin ka ng Mama at Papa mo sa akin. Hindi ko hahayaan na makuha ka nila sa akin. Pangako, kahit anong mangyari hindi kita ibibigay at hindi kita iiwan. Kaya h'wag ka nang mag-alala." Ani ko sa kaniya. Ngumiti naman siya habang may luha pa rin sa kaniyang mga mata.
"Maraming salamat Angkol." Pasalamat niya at kumapit pa ng mahigpit sa aking kamay.
Pagdating namin sa motor, pagkasakay naming dalawa, bumyahe na rin kami kaagad pauwi sa bahay. Malapit lang naman kaya nakarating kami kaagad.
"Baby, pumasok ka na sa kwarto mo para matulog baby. Asikasuhin ko muna dito ang mga kalat sa labas. Gigisingin nalang kita mamaya kapag kumain na ng hapunan." Ani ko sa kaniya.
"Angkol pwedi ba na tabihan at kantahan mo muna ako hanggang makatulog? Na-miss ko lang si Mama at Papa. Ganun din kasi ang ginawa ni Mama sa akin para makatulog ako." Malungkot na sabi ni Jasmine. Parang piniga-piga ang puso ko sa sakit at awa para kay Jasmine. Ngunit ayaw ko'ng ipakita sa kaniya na malungkot din ako.
"Sige, iyun lang pala ang gusto ng prinsisa. Halika na, sasamahan kit." Yaya ko sa kaniya papunta sa kaniya kwarto.