CHAPTER EIGHT

1352 Words
JASMINE "Angkol bakit ito ang napili mo'ng trabaho? Pwedi naman tindahan o di kaya katulad ng trabaho nuon ni Papa. Para hindi ka mahirapan." Wika ko habang nakaupo ako dito sa talyer ni Angkol Melchor sa harapan ng aming bahay. Nagpaalam siya sa akin nuon na gamitin ang pera na binigay sa kaniya ni Mama at Papa upang mag bukas ng talyer. Tatlong buwan na ang talyer ni Angkol marami na rin ang kaniyang costumer dahil magaling si Angkol mag kumpuni ng mga sirang gamit saka sirang mga sasakyan. Pero parang ako ang nahihirapan kapag tumingin ako sa kaniya. Pero siya parang easy lang sa kaniya ang paggawa. Pagkatapos namin kanina kumain ng almusal sumama ako dito sa kaniya dahil wala naman ako'ng gagawin. Nayayamot ako'ng manuod ng t.v. Mas gusto ko pa panoorin si Angkol. At pagmasdan ang gwapo niyang mukha. "Kasi ito lang ang alam ko'ng madaling trabaho para sa akin. Sa probinsya namin kapag wala ako'ng pasok sa eskwelahan nuon, nag sa-side line ako sa talyer sa amin, kaya medyo may alam ako." Sagot ni Angkol habang ginagawa ang sirang electric fan. "Angkol bakit hindi ka nagpatuloy sa pag-aaral?" Tanong ko sa kaniya. Dahil twenty- one pa lang naman siya. "Alam mo naman na hindi naman ako taga rito. Saka wala ako'ng papelis at ayaw ko na mag-aral. Kung mag-aral ako, walang mag asikaso sa'yo at baka mahirapan lang tayo. Masaya at kuntinto ako sa ganitong trabaho. Saka kung gawin ko ang katulad ng trabaho ng Papa mo walang maghahatid sundo sa'yo sa eskwelahan at wala ka'ng kasama dito. Alam mo naman nuon na maaga pa umalis si Kuya sa bahay at gabi na rin kung umuwi. Kaya mas mabuti na ito ang trabaho ko dahil maalagaan kita. Saka kung tindahan naman baka ma lugi lang ako dahil hindi ko talaga galamay ang mga ganyan na negosyo." Paliwanag ni Angkol na patuloy pa rin sa kaniyang ginagawa. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya na kunin niya ang mga papelis niya sa school sa kanilang lugar ngunit hindi ko nalang sinabi. Hindi ko alam ang totoong nangyari kung bakit siya umalis sa kanilang lugar at ayaw niya nang bumalik duon. Ang alam ko lang naghahanap siya nuon ng trabaho kaya kinuha siya ni Mama at Papa na mag-alaga sa akin. "Oo nga Angkol anuh? Saka ayaw ko na mag-isa dito sa bahay. Saka ayaw ko na palagi ka'ng nag da-drive ng motor. Baka magaya ka lang kay Papa at Mama. Paano nalang ako kung ganun." Ani ko. Bigla na naman ako'ng nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko si Mama at Papa. "Tatlong araw pagkatapos nang libing ni Mama at Papa. May pumunta na pulis sa bahay kasama ang may-ari ng truck na naka bangga sa sasakyan ni Mama at Papa. Kasama din ang Asawa ng driver. Sinabi nila na lasing daw ang driver ng truck na naka bangga sa sasakyan ni Mama at Papa. Tauhan siya ng isang may-ari ng maisan sa kabilang bayan. Nakiusap ang may-ari ng truck sa amin na magbigay sila ng tulong sa nangyari kay Mama at Papa. Humingi din ng tawad ang Asawa ng driver dahil hindi niya daw alam na lasing ang kaniyang asawa. Una nagalit ako sa driver, ngunit nang pinaliwanag ni Angkol sa akin ang sitwasyon saka may maliit na bata ang driver ng truck naawa naman ako. Dahil hindi na rin naman maibalik pa ang buhay ni Mama at Papa. Pumayag ako na kunin ang pera na binigay ng may-ari ng truck. At pinatawad ko rin ang driver kahit nasasaktan pa rin ako sa nangyari sa mga magulang ko. Binigyan kami ng may-ari ng truck nang 100k. Hindi namin iyun ginamit sa halip dinagdag ni Angkol sa pera ko na iniwan ni Mama at Papa sa akin. Kahit sinabi ko kay Angkol na idagdag puhunan sa talyer at ipamili ng mga materials na gagamitin niya. Ngunit kasya na daw ang pera niya. "Baby!" Napabalik ako sa aking malalim na pag-iisip ng tinawag ako ni Angkol. Pagtingin ko sa kaniya tapos na pala siya sa kaniyang ginagawa. "Malungkot ka na naman? Iniisip mo ba ang Mama at Papa mo? Gusto mo ba mamasyal tayo? O di kaya maligo sa dagat? Para hindi ka na malungkot." Malumanay na tanong ni Angkol. Lumiwanag naman ang mukha ko at excited sa sinabi ni Angkol. Ayaw ko'ng maligo sa dagat dahil kahapon buong araw akong nag practice sa swimming pool sapagkat may competition kami next week sa school. Isa ako'ng athlete sa school. Marunong ako'ng lumangoy kaya palagi ako'ng panalo. "Angkol ayaw..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko, nang may biglang tumawag kay Angkol Melchor at alam ko na kung sino. Dahil kilala ko ang boses kahit hindi ako tumingin. "Good morning Melchor! Good morning Jas!" Bati ni Rachel habang papalapit siya dito sa talyer ni Angkol. Nang tumingin ako sa kaniya. Malawak ang kaniyang ngiti at pa kinding-kinding pa ito kung maglakad. Habang may hawak siyang tupperware. "Good morning Melchor, Good morning Jas." Bati niya ngunit nang tuluyan na siyang makalapit. Biglang nasira ang araw ko nang makita si Rachel. "Mel, may dala pala ako'ng tortang talong. Ako ang nagluto niyan. Kaya masarap 'yan, dahil may kasamang pagmamahal ko." Wika ni Rachel sabay hawi ng kaniyang buhok na halatang nag pa-cute kay Angkol. Ngumiti naman si Angkol saka kinuha ang tupperware mula kay Rachel. "Kanina good ang morning ko. Ngayon very bad bad na." Masungit ko'ng sabi habang masama ang tingin ko kay Rachel. "Jasmine!" Tawag ni Angkol Melchor at medyo madiin ang pagtawag niya sa pangalan ko. Ngunit hindi ko pinansin. "Mukhang bad mood ang pamangkin mo Mel." Wika ni Rachel. "Bad mood talaga dahil may nakita ako'ng pangit." Mataray ko'ng sabi saka padabog sa tumayo at iniwan sila. Ngunit naka dalawang hakbang pa lang ako ng bumalik ako. Dahil naalala ko na baka kung ano ang gagawin nila sa talyer. Saka kailangan ko nang yayain si Angkol na mamasyal. Ayaw ko na matagal silang magkasama o magka usap. "Angkol sabi mo mamasyal tayo? Kaya halika na, kailangan na natin magbihis para maka-alis na tayo." Yaya ko kay Angkol. "Rachel pwedi ba'ng umalis ka na." Dagdag na sabi ko. "Jasmine." Saway sa akin ni Angkol. Ngunit hindi ko pinansin si Angkol. Saka tinaasan ko ng kilay si Rachel. "Hindi nag papaligaw si Angkol at ayaw ko sa'yo para kay Angkol. Kaya pwedi ba, h'wag ka nang bumalik dito. Saka di ba ang lalaki ang nanliligaw? Bakit ikaw ang nanliligaw sa Angkol ko, ka babae mo'ng tao? Saka hindi kumakain si Angkol ng talong, ayaw niya sa talong." Walang kimi ko'ng sabi kay Rachel. Napahawak naman si Angkol sa kaniyang batok at halata na nagtitimpi na sawayin ako "Rachel pasensya ka na. Medyo hindi lang maayos ang gising ni Jasmine. Salamat sa talong, pero totoo may allergy ako sa talong. Saka mamasyal kami ngayon ni Jasmine. Sige mauna na kami." Paalam ni Angkol kay Rachel. Lihim naman ako'ng napangiti. Nang tumalikod si Angkol inirapan ako ni Rachel. Kaya inirapan ko din siya at dinilaan. Napangiti ako ng padabog na umalis si Rachel na hindi na nagpaalam kay Angkol. Gusto ko pa sanang ibalik ang talong niyang dala. Ngunit paborito namin talaga iyun ni Angkol, kaya kinuha ko. Wala naman kasalanan ang talong kaya kainin nalang namin ni Angkol mamaya. "Jasmine, masama ang ginawa mo? Matanda si Rachel sa'yo. Bakit Rachel lang ang tawag mo sa kaniya. Saka hindi magandang ugali ang pinakita mo kanina." Sermon ni Angkol sa akin. Napanguso ako saka kinagat kagat ko ang daliri ko sa kamay saka yumuko. "Sorry na, Angkol. Sinira niya kasi ang araw ko. Bakit ba kasi pumayag ka na ligawan ka ni Rachel na iyun?" Nakanguso ko'ng sabi. "Baby, hindi naman ako nag papaligaw. Saka iwan ko ba kung bakit lumalapit pa rin sila sa akin. Saka sorry kung medyo tumaas ang boses ko sa'yo kanina. Nagulat lang kasi ako sa inasta mo kay Rachel." Paliwanag ni Angkol Melchor. "Sorry din Angkol. Basta ayaw ko na mag girlfriend ka. Dahil kapag nag girlfriend ka, mag bo-boyfriend din ako." Pagbabanta ko kay Angkol. Saka tumakbo papasok sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD