Pagkapasok namin sa kuwarto sa taas ay may isang puting kama ang naroon, isang coffee table, malaking salamin, dalawang couch, at may flat screen TV din na katamtaman lang ang laki. Agad namang binuksan ni Lieutenant ang bintana, kaya nagliwanag sa loob. “Matulog ka lang, maglinis lang muna ako sa baba. At oo nga pala, nasa baba ang bathroom; kung gusto mong maligo ay bumaba ka lang,” wika sa akin ni Lieutenant. “Paano naman ako maliligo kung wala naman akong bihisan? Ikaw naman kasi, hindi mo ako binigyan ng oras na magdala ng gamit.” “Huwag kang mag-alala, marami naman akong mga damit dito. Pumili ka lang diyan sa closet kung anong magkasya sa 'yo.” Tumango na lang ako. Lumabas na si Lieutenant at naiwan naman ako sa loob ng kuwarto. At dahil humahapdi-hapdi na ang mata ko sa antok

