Dumating kami sa Seine River at namangha na naman ako lalo na nang niyaya na ako ni Captain na sumakay kami sa malaking cruise para raw sa taas kami mag-dinner. Pero pagkapasok naman namin sa loob ng cruise ay walang katao-tao maliban sa mga staff sa taas. Hindi rin gaano kaliwanag sa loob. Pang romantic ang datingan ng ilaw sa loob. “Captain, bakit parang walang mga tao?” may pagtataka kong tanong habang nililibot ang tingin sa paligid. Napakaganda sa loob at malawak, marami rin ang mga table. “Dahil mas komportable kung tayo lang dalawa ang magdi-dinner dito ngayong gabi,” sagot sa akin ni Captain habang hawak ang kamay ko. Dinala na niya ako palapit sa may bilog na table kung saan may mga romantic candle na nakasindi sa ibabaw. Pinaghila niya na rin ako ng upuan, kaya naman naupo na

