Chapter 10- His Sister

1714 Words
KHEN POV Kinabukasan nagising ako sa tunog ng cellphone ko dahil inaantok pa ko tinakpan ko ng unan ang tenga ko but my phone keeps on ringing... kaya inis akong bumangon at kinuha sa side table ko ang phone ko. Muntik ko ng mabitawan ang phone ko ng makita kung sino ang tumatawag.. It was JD.. Problema na naman ng isang to.. ang aga kung tumawag.. "Hello...!" tinatamad kung sagot dito. "Still in bed..?" tanung nito "Yeah, Why...?" sagot ko . "You better get your ass on your bed or aakyat ako jan..!!" tila nunudyong sabi nito. "What..?!!..it's too early para lang asarin mo JD...!" reklamo ko. "I am waiting here downstairs... I'll give you 10 minutes.. kung hindi ka pa babangon aakyat ako jan.." he said at agad pinatay ang tawag. Shocked naman ako sa sinabi nito.. Anu daw he's waiting downstairs.. ?!! "Argggg.., !!" nasabi ko nalang at mabilis na kumilos para maligo at magbihis. Mabilisan ko nalang din kinuha ang bag ko at bumaba na sa building ng dorm ko. Nadatnan ko itong nakasandal sa motor nito habang nakatingin sa cellphone nito. May mga babae ding nakapaligid dito at halatang nagpapacute ang mga ito. Maya-maya ay tumunog ulit ang cellphone ko at si JD ang tumatawag. Narinig marahil nito na may tumutunog na cellphone sa paligid kaya inikot nito ang paningin.. Then he ended his call ng makita na niya ako. I walk towards him habang nagbibigay naman ng daan ang mga fans nito para makalapit ako. Haisst.. kahit saan nalang talaga nakakalat ang mga fans nito. "You're five minutes late..!" sabi nito. "Late..? kanina pa ako nakatayo doon..hindi mo lang ako nakita sa dami ng fans mung nakapaligid sa'yo..."sagot ko naman. Nagsalubong lang ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin at umiling. "Wait.. bat kasi ang aga mo dito... mamaya pa naman ang klase ko ah.." tanung ko. "I just want to eat breakfast with you.." sabi nito sabay lagay ng helmet sa kamay ko. "Haisst.. can't you just eat alone...?!" reklamo ko dito. Ngunit hindi nito pinansin ang sinabi ko. "Get in..!" utos nito ng maisuot ko na ang helmet. So wala na naman akong choice kundi ang sumabay dito lalo at nakakaramdam nadin ako ng gutom. Kumain kami restaurant malapit sa school namin. "We're going to practice later.. do you have your own guitar..?" tanung nito. "No..!" sabi ko at umiling. Ngayon ko lang naalala na hindi pa pala ako nakakabili ng gitara. "Tsss.." sabi lang nito at patuloy na kumain. Then after a while he put some keys sa ibabaw ng lamesa. Nagtataka naman akong nakatingin dito. "What is this..?" tanung ko. "I have an extra guitar sa dorm... kunin mo nalang doon, i still have an evening class mamaya kaya hindi ako makakauwi ..then bring my guitar too.." sabi nito. Nanatili lang akong nakatingin sa mga susi sa harapan ko. "I'll leave first... i have an early class.." paalam nito at uminom ng tubig bago tumayo. "Hey Wait...where's your dorm...?" pahabol kung tanung ko sa kaniya. "Reyes St., Skylars Building 3rd floor. " sabi nito at tuluyang umalis. I just sighed at kinuha nalang ang susi nito, ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko dahil sayang naman kung hindi mauubos. Halos maghapong masakit ang ulo ko dahil kaliwat kanan ang mga quizzes, nagkasabay sabay pa kung kailan naman hindi ako masyadong nakakapagreview. Mubuti nalang at hanggang 3pm lang ang klase ko ngayun kaya may time pa ako para pumunta sa dorm ni JD. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa Skylar's Building. Umakyat ako sa third floor at hinanap ang number ng pinto na nakalagay din sa susi. Mas mataas ang dorm na tinutuluyan ni JD kisa sa akin at mukhang may class din ang dating. Huminto ako sa pinto kung saan may nakalagay na D-3 katulad ng nakasulat sa susi. Sinubukan ko itong buksan at natuwa naman ako ng bumukas nga ang pinto. Sumilip muna ako sa loob bahagyang madilim sa loob ng silid kaya hinagilap ko ang switch sa gilid ng pinto at agad ko naman itong nakapa. Tumambad sa akin ang maayos at malinis na kuwarto. May may isang sofa sa harap ng isang tv at may isang maliit na dining room na may dalawang upuan. Nag iisa lamang ang kuwarto nito..lumingon lingon ako sa paligid.. wala namang gitara dito.. tumingin ako sa kuwarto sa harap ko. "Don't tell me na nandito sa loob ng kuwarto niya ang gitara." Tinignan ko ang mga susi sa kamay ko. Meron pang isang mas malaking susi dito. Sinubukan ko itong buksan..at nagclick naman ang lock ng pinto. Sumilip ako ulit sa loob ng kuwarto nito at binuksan ang ilaw..tulad sa labas tumambad sa akin ang maayos na higaan nito. At nakasalansan lahat ang mga gamit nito. Unlike sa kuwarto ko parang nadadaanan ng ipo -ipo lagi. Nakita ko ang dalawang gitara na magkatabi sa tabi ng isang lamesita. Kaya agad ko itong kinuha. Papalabas na ako ng mapalingon ako sa side table nito at nakapatong doon ang nag iisang frame ng picture nito. Napangiti ako dahil talaga namang maganda ang kuha nito sa picture na yun. Nilocked ko ulit ang pinto sa kuwarto nito nang may marinig akong kumatok.. Naisipan kung buksan at baka importante ito, pero sabay pa kaming nagulat ng babae ng makita ako nito. "W-who are you...Where's JD..?" bakas padin ang gulat sa magandang mukha nito. "I'm Khen.. kasamahan niya ako sa music club and I came to pick this guitar for him.." paliwanag ko naman. "What..? you came here to pick his stuff..? knowing JD he never allowed anyone, even his friends na pumunta dito..But you...?" tila nagdududa nitong tanung. "You can call him if you have doubt.." sabi ko dito. "hmm you are also quite good looking.. are you his boyfriend..?" tanung nito na nakapag pataas sa kilay ko. "Boyfriend ..?!! No.. I already told you that we are in the same club..and by the way why are you looking for him... are you one of his fans too..?" tanung ko din dito. "Fans...?!!!! Hell No..!! can't you see our semilarties... I am his sister..!!" she proudly said at inilapit pa sa akin ang mukha nito. "His Sister....?!!" Nagulat kong sabi. Hindi pumasok sa isip ko na mayroong kapatid na babae si JD at hindi ko enexpect na bigla nito akong kinuhanan ng picture at nakangising umalis na tila may kapilyahang binabalak. Bumalik ako sa University dala ang dalawang gitara ,dumeretso na ako sa Club namin dahil mabigat ang dala ko. Doon ko nalang ibigay kay JD ang gitara nito. Wala pang tao sa club ng dumating ako kaya nilagay ko muna sa tabi ang dalawang gitara at pabagsak akong umupo sa sofa. Pumasok ulit sa isip ko ang nangyari kanina sa apartment ni JD. I meet JD's sister at hindi ito naniniwalang wala kaming relasyon ni JD... Kinuhanan pa ako nito ng picture at mabilis na umalis, nagwoworry lang ako at baka kung saan nito iyon gagamitin at baka mas lalong magkakaroon ng problema. I was lost in my thoughts nang bumukas muli ang pinto at pumasok si JD at ang dalawang lalaking kasamahan din namin sa club. Tumabi ito sa akin sa sofa at tinitigan ako. "Did something happened..?" tanung nito. Kinuha ko ang susi ng bahay nito sa bag ko at saka ibinalik dito. "I meet your sister there..!" sagot ko. "Sister...?" nangunot ang noo nito. I nodded. "She was looking for you nung nandoon ako sa loob ng dorm mo..she also took a picture of me.." reklamo ko dito. Ngunit napangiti lang ito. "Don't mind her...she's just being playful..." balewalang sabi nito ,then he patted my head, kaya bahagya kung inilayo ang ulo ko dito dahil hindi parin ako sanay na may gumagawa ng ganun sa akin, muling umarko ang labi nito at kinuha nito pagkaraan ang gitara at nagsimulang magstrum. "She said you never allowed anyone na pumunta doon sa dorm mo.." sabi ko sa kaniya. Tumango lang ito pero hindi nakatingin sa akin at patuloy na nag gigitara. "Then Why me..?" nagtatakang tanung ko. Tumigil ito sa pag gigitara at lumingon sa akin.. Then he lean closer to my face , i don't know why my heart becomes weaker everytime he does it. "There is always an exception.." sabi nito at ngumiti. That very moment bumilis ang t***k ng puso ko. Na kahit ako hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Agad akong umiwas ng tingin kay JD ng biglang bumukas ang pintuan. Dumating nadin ang iba pa naming mga kasama at tila nanunudyo ang ngiti ng mga ito ng madatnan kami sa loob. Lumapit naman sa akin si Trina. "Are you feeling okay Khen.. namumula yata ang pisngi mo...?" Napahawak naman ako sa pisngi ko maging si JD ay napatingin din sa akin. Isang mabilis na ngiti lang ang pinakawalan nito at napapailing na nag gitara ulit. "So listen up guys... for today please select a partner, you can choose a song.. para yun ang kakantahin niyo on monday next week.. you will be performing it here.. jan kami magbabase kung sino ang pwedeng gumawa ng duet para sa special number ng team natin for upcoming Foundation Day... did i make may self clear..? Sabi ni Trina Nagkatinginan naman ang ibang mga kasama namin at halatang nag iisip na kung sino ang gusto nilang kapareha. Nagtaka naman ako at wala man lang lumapit sa amin ni JD para tanungin kami kung gusto namin silang kapareha. Kaya mukhang no choice ako kungdi ang makapartner si JD dahil kami nalang ang walang partner. "I guess we should do it.." narinig kong sabi ni JD. Napabuntunghininga nalang ako. "Haisst, anu pa nga ba..!" sagot ko. Lumapit naman sa amin si Trina . "I am looking forward sa inyong dalawa..alam kung maganda ang kakalabasan ng duet niyo" sabi nito at ngumiti bago tumalikod. "We can't practice here... you can come to my place on saturday.." sabi ni JD. I frowned nang lumingon ako dito."Your place..?" tila nag aalangan kung tanung. "Why.. is there something wrong with my place... then You choose, your place or my place..?" seryusong tanung nito. Napaisip naman ako... hindi pwede dun sa dorm ko dahil magulo nakakahiya naman dito na ang ayos ng dorm nito. "Your place..!" sagot ko and i saw him smiling again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD