KHEN POV
It was a calm night in the month of May, ilang linggo nalang at magisismula na ulit ang klase. Kaya inienjoy na namin ang mga nalalabing araw ng aming bakasyon. I am walking in the park with my best friend Lizzy. Napapansin kung kanina pa ito tahimik at parang may malalim na iniisip. And also I am thinking na ito na ang tamang pagkakataon para sabihin ko sa kaniya ang totoong nararamdaman ko. Tumigil ako sa paglalakad kaya napahinto din ito at tumingin sa akin.
"Lizzy...there is something i want to tell you.." sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang maamong mukha.
"Oh..that's remind me.. may sasabihin din sana ako sa'yo.." sabi nito na iniwas ang tingin sa akin.
Lizzy is my childhood friend... we grew up together in the same neighborhood. She was so close to me since we were a kid.
But i found out that i felt different something for her and i think i have fallen in love with her already. I hide this growing feelings of mine dahil ayaw kung mailang siya sa akin or lumayo. Lalo na at palagi niyang sinasabi sa akin na parang kapatid na ang turing niya sa akin dahil wala siyang kapatid na lalaki at masaya siya tuwing kasama ako.
Pero as days goes by... hindi ko na makakayang itago pa sa kaniya itong nararamdaman ko lalo na at may mga nagtatangka nading manligaw sa kaniya. Hindi ko makakayang makita na masaya siya kasama ang ibang lalaki kaya naisipan kung magtapat na sa kaniya at magbabakasaling mahalin niya din ako hindi bilang kaibigan or kapatid kundi isang lalaking handang magmahal sa kaniya at magtanggol sa lahat ng oras.
"Lizzy... i can't keep it any longer... sorry if i have to tell you this, ayaw kung masira ang pagkakaibigan natin... but i want you to know that.... I think i am in love with you." sabi ko habang hawak ang kaniyang mga kamay.
She was not shocked, mukhang hindi din siya galit, pero nakatingin lamang siya sa akin at halata sa kaniyang mga mata ang lungkot. Then she took a deep breath at muling tumingin sa akin.
"Khen.. thank you for loving me... for being there always... i really appreciate it..and i also love you... but as a friend.." mahinang sabi nito. Ramdam ko ang sakit na gumuhit sa dibdib ko ng mga sandaling yun.
"Lizzy, can't you try looking at me not as a brother or friend..? I can wait until you feels the same way too or if you want i will court you ..Can't you just give me a chance..?" nahihirapan ang loob ko habang sinasabi sa kaniya ang mga ito.
"Khen...actually yung sasabihin ko sa'yo..-?" naputol ang sinasabi nito ng may lumapit sa aming isang lalaki.
"Babe...! sorry for waiting... did i interrupt you..?" the guy said. Matangkad ito at halata ang magandang body built nito at hindi makakailang guwapo din ito at isa pa alam kung kilala ito sa school namin dahil isa itong varsity player at team captain ng basketball team ng school. Hindi ko man ito kilala personally, pero palagi ko nang naririnig ang pangalan nito sa mga babae sa school at nakita ko nadin minsan ito sa IG.
"Ah no! I'm glad you're here na...i want you to meet ...Khen my bestfriend..Khen this is Vonn ...my boyfriend...sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo Khen..ito sana ang sasabihin ko sa'yo ngayun." pilit ang ngiting sabi ni Lizzy habang nakaakbay si Vonn dito.
I felt my heart turned into pieces at that very moment... I smiled bitterly..habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kaya marahil hindi ako kayang bigyan ni Lizzy ng pagkakataong maiparamdam dito ang damdamin ko dahil mayroon na pala itong ibang gusto.Pakiramdam ko nawalan ng saysay lahat ng inipon kung lakas ng loob para masabi ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Kaya pinilit kung ayusin ang sarili ko at muling humarap sa kanilang dalawa.
"Oh..! Hi..I'm glad that she already found someone who can take care of her. I-I'm happy for the both of you, Please take care of her.." Seryusong sabi ko kay Vonn.. then i turned to Lizzy again and hold her hand.
"Liz, I wish for your happiness with the one you choose to love..." pilit kung pinapalakas ang boses ko at marahang binitiwan ang kamay ni Lizzy bago tuluyang tumalikod sa dalawa at umalis.
My heart's aching right now at hindi ko na kayang mag stay pa ng matagal kasama silang dalawa ,ayaw ko din naman maging chaperon sa date nila. Narinig kong tinawag ako ni Lizzy pero hindi na ako lumingon.
Sumakay ako sa taxi na parang lutang, hindi ko padin kayang tanggapin ang katotohanan na may boyfriend na si Lizzy. I almost felt crying pero pinigilan ko ang sarili ko..nakakahiya naman sa driver ng taxi pag dito pa ako umiyak. Bumaba ako sa bayan namin at naglakad lakad , gusto kung makalimot sa sakit na nararamdaman ko ngayun. Dinala ako ng aking mga paa sa isang restobar. Marami rami nading mga tao doon at nageenjoy. Ako nalang yata ang nagluluksa dahil sa pagkabigo.
I ordered a bottle of drinks. Nakasuot ako ng jacket at naka cap ng black para walang makakakilala agad sa akin. Matangkad ako kisa pangkaraniwang 20 years old at mdyo malaki din ang body build ko. Kaya hindi ako mapagkakamalang 20 years old sa ayos ko besides adult nadin naman ako kaya allowed na akong uminom..but this will be my first time na pumasok sa lugar na ito lalo na para uminom.
Nagsisimula na akong uminom ng may magsalita sa kanilang center stage at sinabi ng host na may magpeperform daw ngayung gabi. Natuwa naman ang karamihan maliban sa akin dahil pakiramdam ko nothing can ease the pain i felt right now.
"Guys.. we invited our entertainer for tonight just to make you all enjoy this night... please welcome... The G5 band...!!" malakas na sigaw ng host, naghiyawan at nagpalakpakan naman ang mga nanonood.
But i still don't care kung anung nangyayari sa paligid... dahil ang nararamdaman ko lang ngayun ay ang pagkabigo sa nag iisang babaeng minahal ko. Naubos ko na ang isang bote ng beer kaya sinunod ko na naman ang isa. I heard a guitar playing... ayaw ko sanang pansinin ngunit pakiramdam ko kakaiba ang dating ng tunog ng gitara nito tila nanunuot sa puso ng bawat nakakarinig. Lumingon ako sa center stage , there i saw a guy.. nakaupo ito sa isang mataas na upuan habang may hawak na guitara.
He was wearing a light brown jacket and a white inner shirt, black pants and shoes, some strands of his hair falls into his face at bahagyang natatakpan ang noo nito. Then he started singing habang nag gigitara.. pakiramdam ko nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan... he has a deep voice na parang nakakagaan ng pakiramdam as if it was soothing down to my soul up to my wounded heart and that song he was singing right now tila bagay na bagay sa sitwasyon na pinagdadaanan ko ngayun at kapag ito ang kumakanta parang ang sarap pakinggan at umaalo sa sugatan kung puso.
"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything, but you can try
Baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny, but I'll say it anyway
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life
'Cause in a world where everybody hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But dont let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song
Let me hear you sing it..
Napailing ako para iwaksi ang mukha ng lalaking kumakanta sa isipan ko..He is really eye catching dahil pag kumakanta ito parang mas gugustuhin mu nalang din tumingin sa mukha nito.
Since when did i admire a guy..?
Di ko namamalayan na nakakatatlong bote na pala ako ng beer at parang umiipekto na ito sa aking katawan. Patuloy namang kumakanta ang banda sa harap. I decided to leave the place at baka maparami pa ako ng inom. Inuubos ko nalang ang laman ng baso ko when i heard again the host saying that they will select one of the guest tonight para makijamming sa banda.
Wala naman akong balak pang tumagal kaya nilagok ko na ang huling alak at tumayo. Pero naisipan ko munang mag cr bago lumabas ng restobar , hindi ko na namalayan ang mga matang nakatingin sa akin habang naglalakad ako papunta sa CR. Nagulat nalang ako ng mapadaan ako sa gilid ng stage at hinarangan ako ng nagsasalitang host kanina.
"Excuse me sir... can you join us here..?" tanung ng host.
"No..! I'm going to use the bathroom.." sagot ko at aalis na sana ng pigilan ako nito sa braso at mukhang hindi pinansin ng host ang sinabi ko.
"So guys meron na po tayong..napiling guest na makakasama ngayun ng G4 sa kanilang last song." nakangiting sabi ng host habang nakatingin sa akin.
Napalingon lingon naman ako sa paligid.
"Ako ba..?" salubong ang kilay na tanung ko.
"Yes sir..! Let's go.." sabi nito at hinatak ako papunta sa gitna ng stage.. nagsigawan naman ang mga taong nanunuod.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang dito papunta sa gitna nag stage.