KHEN POV
Nang sumunod na araw nasa loob na ako ng classroom at naghihintay na dumating ang professor ko, naisipan kung kunin ang phone ko at nagscroll sa IG. Ilang araw ko na itong iniiwasang buksan dahil ayaw kung makita ang mga post ni Lizzy tungkol sa bago nitong boyfriend.
Napadaan sa wall ko ang bagong post ni Lizzy. It was a picture of her boyfriend, nakatalikod ito at may hawak na bola. Napakunot ang noo ko sa caption na nakalagay sa picture.
Practicing for their next match..
De Salve College v/s Guanzon University
Napaangat ako sa kinauupuan ko ng mabasa ito. Bat hindi ko alam na may ginaganap na laro sa pagitan ng mga dalawang school na ito ngayun. Inopen ko ang page ng University namin, then i saw someone post a basketball match between the two schools.
Isa itong competition Kung saan lumalaban laban ang bawat collages sa ibat ibang larangan ng sports. Meron namang mga school na hindi sumasali at meron namang school na sadyang binibigyan ng pagkakataon ang kanilang mga estudyante na ipakita ang kanilang mga talento sa sports.
Base sa mga comments sa post na iyon.. gaganapin ang match next friday sa isang sport complex hindi kalayuan dito sa school namin. Naisipan ko ding eview ang profile ni Vonn, i saw there his post saying...
Aiming for the next win DLC vs GU making my gf proud.
I clenched my fist... Bumangon ang pagnanais ko na matalo ang team nila Vonn. Lizzy seems so proud of her boyfriend dahil varsity player ito ng school . I smiled bitterly i am not into any sports kaya marahil hindi ako nagustuhan ni Lizzy. She like someone na puwede niyang ipagmalaki in public unlike me na walang ibang hobby kungdi ang bumuntot lang kay Lizzy kung saan nito gustong pumunta.
"We should win...no matter what happened kailangang manalo kami..!"
Pagkatapos ng klase namin inaya ako nina Chris at Jasper na manood ng basketball sa gym. Dahil wala naman akong gagawin sumama nalang ako sa kanila. Nakatayo kami sa railing sa second floor habang nakatanaw sa naglalaro sa ibaba.
"JD...!!! JD ...!!! JD ...!!! sigawan na naman ng mga babae sa loob ng gym.
Ilang beses na nakashoot si JD ng mga sandaling yun kaya tuwang tuwa naman ang mga fans nito.
"Hey .. last year ba nanalo kayo sa laban sa De Salve .?" tanung ko sa dalawang kasama ko ,Ni minsan kasi hindi ako nanunuod ng match ng mga basketball game ng dati kung school, nababalitaan ko nalang noon pag nananalo sila.. pero hindi ko alam kung anung school ang kalaban nila.
"Ang alam ko hindi... that time kasi hindi nakasama sa match si JD dahil meron itong sinalihang music event." kuwento ni Chris.
"So that means.. si JD ang pag asa ng school natin ngayun para manalo sa match..?" tanung ko.
"Exactly...!!" sabi naman ni Jasper na nakangiti.
Napalingon ako kay JD na naglalaro sa ibaba.. mabilis itong kumilos at agad naisoshoot nito ang bola basta mapunta ang bola sa kamay nito. Nang mag pahinga ang mga naglalaro nagsiupuan ang mga ito sa bleachers, kumuha naman ng bottled water si JD at uminom. Then bigla itong napalingon sa direksyun namin. Our eyes meets again.. ngunit bigla din nito iyong binawi. Bat nakaramdam ako ng dissappointment ng mga sandaling yun. Ilang araw ko nadin itong hindi nakikita... marahil dahil sa sinabi ko na layuan na ako nito... muling bumalik sa isip ko ang sinabi nito.
"Gusto kita"
Naipilig ko ang ulo ko..I still don't know kung seryuso ba ito or pinaprank lang ako nito dahil bago lang ako dito sa school.
"Guys. can i ask you something.. ?" tanung ko sa dalawa. Tumingin naman ang dalawa sa akin.
"Maaari ba talagang magkagusto ang isang lalaki sa kapwa niya lalaki..?" seryuso kung tanung.
"Jeez...bakit mo naman natanung.... don't tell me you already give in.." tila nanunudyong tanung ni Chris.
"Give in my ass..!! curious lang ako... because i never believe in those things.." sagot ko.
"Well kung hindi ka naniniwala sa mga ganyang mga bagay...ang school na ito ang magbibigay liwanag sa madilim mong isipan..!" tila makatang sagot ni Jasper. Kaya napakunot ang noo ko dahil sa palitan ng ngiti ng dalawa.
"Bro.. you don't have any idea about this school bago ka lumipat dito noh.." tanung ni Chris. Maang na napailing naman ako.
"Well this is the only school na open pa ang course ko when i decided to transfer." paliwanag ko naman.
Umikot ang tingin ni Chris sa loob ng gym at tila may hinahanap.
"Khen.. see those guys over there..?" tanung ni Chris at bahagyang tinuro ang dalawang lalaking estudyante na magkatabing nakaupo sa pang huling hanay ng mga bench.
Tango lang ang sagot ko sa kaniya.
"Anung tingin mo sa kanilang dalawa..?" tanung ni Chris.
" Nothings strange about them.. they're just talking and -....!" bahagya akong napatayo ng deretso ng isa sa dalawang lalaki ay nagbukas ng bottled drinks.. then uminom ito pagkatapos ay binigay din nito sa kasama nito ang bottled water at uminom din ito doon , they even sharing their foods..at ang lagkit ng tinginan nila sa isa't isa alam kung only couple do this kind of things.
"What the f*ck is that...?" i murmured.
"You are blinded by the things you choose to believes Khen.. kaya hindi mo napapansin ang mga ganitong bagay sa paligid mo." sabi ni Jasper.
"Ang school na ito ay kilala sa pagiging open nito sa any gender relationship. This school aims to promote gender equality sa ating society... walang descriminations at talagang may respeto sa bawat isa. That means pwedeng magkaroon dito ng relasyun ang kahit sino.. sa kapwa lalaki or sa kapwa babae..." paliwanag ni Chris.
Napansin nilang parang naguguluhan padin ako sa kanilang sinasabi kaya napabuntunghininga si Jasper.
"Bro...ibig sabihin lang ng mga sinabi namin is that.. kahit magkaroon ka ng karelasyun ditong lalaki... walang mag didiscriminate sa inyo.. tanggap dito sa loob ng school ang same s*x relationships.. kaya kung may manliligaw man sayong lalaki dito bro..its only natural ... and its up to you kung tatanggapin mo or aayawan mo..yun lang yun.." sabi pa ni Jasper at sinang ayunan naman ni Chris. Kaya ba ganun nalang ka dali kay JD na sabihin sa akin na gusto niya ako. Naalala ko ang mga sinabi niya kahapon dito sa gym.
"We also heard that JD already marked that you are his ..." sabi ni Jasper.
" I am not his..!" seryuso kung sagot. Napangiti naman ang dalawa dahil halata nilang nagugusot na ang mukha ko.
"Wag kang pakakasiguro sa sarili mo bro.. kung wala kang nararamdaman kay JD you better stay away from him...dahil once na lumapit ka sa kaniya... wala ka ng ibang choice kungdi ang mafall sa kaniya.. hindi ito joke bro, it is a reminder ..!!" sabi naman ni Chris at tinapik ang balikat ko. Muli akong tumingin sa court nang May babaeng lumapit kay JD at may inabot itong inumin ngunit hindi yun kinuha ni JD at may sinabi siya sa babae, nalungkot naman ang mukha ng babae at agad naglakad palabas sa gym.
That night my mind was occupied again by so many things pero ang hindi ko maiwaksi sa isip ko ay ang mga titig ni JD sa akin.
***********
Week end kaya naisipan kung umuwi muna sa amin. Gusto kung makapag isip isip kaya kinuha ko ang bike ko at nag ikot sa park. Nakakailang ikot na ako nang magdecide akong magpahinga saglit, then napansin ko ang isang babae na nakatayo sa harap ng isang fast food. Then after a while a guy came sakay ng motor nito. Hindi ito nakasuot ng helmet kaya napakunot ako ng noo. Familiar sa akin ang lalaking yun.. Umangkas ang babae sa motor nito..Nang umikot ang motor nito dumaan sila malapit sa kinaruruonan ko, agad bumangon ang galit ko pagkakita ko kay Vonn na angkas ang isang babae .
Pinuntahan ko si Lizzy sa bahay nila. Ngunit ang sabi sa kanila wala daw ito doon. Kaya nag decide akong maghintay sa labas ng bahay namin para abangan si Lizzy.. dahil abot tanaw lang naman sa amin ang bahay nito.
Hindi naman nagtagal nakita ko itong bumaba ng taxi..Kaya lumapit ako sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang tuwa ng makita ako.
"Khen...!!" sabi nito ng makita ako at agad yumakap sa akin.
"Ang daya-daya mo naman hindi ka man lang nagsabi na lumipat ka na ng school...saan ka ba lumipat..?" tila nagtatampong tanung nito at marahang hinampas ako sa dibdib.
"Sorry..! if i decided to move away.." pilit ang ngiti kung sabi.
"Khen...atleast sinabi mo man lang kung saan ka lumipat, kinukulit ko na si tita para sabihin sa akin..pero kahit siya hindi niya alam. !" sabi nito.
Nanatili lang akong tahimik.. dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya ang nakita ko.
"Khen.. i can pretend na wala kang ipinagtapat sa akin... can't we just forget about it at bumalik na ulit tayo sa dati... ?" malungkot nitong sabi..
"Lizzy... I have something to tell you.."
sabi ko sa kaniya.
"Anu yun..?"
"I just want to warn you about...Vonn..." napatigil ako sa pagsasalita ng nangunot ang noo nito.
"I- i saw him with a girl.. kanina sa park.. may angkas siyang isang babae sa motorsiklo nito.." seryuso kung sabi sa kaniya.
"What are you saying Khen, don't judge him dahil lang sa nakita mo, baka naman kaibigan lang niya yun..?" paliwanag ni Lizzy.
"Look Liz... I'm just trying to protect you, marami na akong naririnig sa kaniya noon, but i don't mind.. pero iba ngayun dahil may kinalaman na ito sa'yo -"
"Protect me ? or baka sinasabi mo lang yan para siraan si Vonn sa akin..?" tila galit nitong sabi.
"Bakit ba ayaw mung maniwala sa akin..? i will never lie to you..you know that..!" malakas kung sabi sa kaniya. Matagal ko na itong kaibigan pero hindi ko alam kung bakit ayaw nitong maniwala sa akin ngayun.
"But you are now lying to me Khen... why can't you tell me kung saan ka nagtransfer is it that hard for you to tell me...I don't know why kung bakit ayaw mung sabihin sa akin, tapus ngayun you want me to believe you.. tapus ngayun sisiraan mo si Vonn... hindi ko tatanggapin yan...!!"
"Siraan..?!! Lizzy... i only want you to be happy... pero si Vonn...-"
"Stop it Khen... kung gusto mo talaga ako maging masaya.. let me be... masaya ako kay Vonn at may tiwala ako sa kaniya..!!" sabi nito at tumalikod na ito papasok sabahay nila.
We've been friends for so long... pero mas pinili padin nitong maniwala sa boyfriend nito kisa sa akin.Masakit sa loob ko... subrang sakit... kaya umalis ako sa tapat ng bahay nila na masama ang loob.