Chapter 7- GU vs DSC

1860 Words
KHEN POV Nang sumunod na araw..agad sinalubong ako ng high five ni Chris at Jasper. Nang makaupo na ako sa upuan ko. "Well...Well..Well..i guess someone already fallen into a trap.." sabi ni Chris. "Anung trap ang pinagsasasabi mo..?" natatawa kung sabi sa kaniya. "Don't tell me hindi ikaw nag nagpost nito..!" sagot naman ni Jasper na ipinakita sa akin ang pinost ko kagabi. "Oo na..oo na..ako na ang nagpost niyan, so what's the big deal in joining the music club..?" tanung ko naman. "Wala.. bro...wala naman...kung tungkol sa club... pero ang big deal ay kung sino ang kasama mo sa Music Club..!" nanunudyong sagot ni Chris.. "Tsss... as if naman magtatagal ako doon sa club na yun... I can quit anytime naman hindi bah..?" sagot ko.. Napapailing naman si Jasper... "Once you join Khen...there is no chance for you to quit..just bear with it until you graduate.." sabi nito sabay tapik sa balikat ko. Tumigil lang ang pinag uusapan namin ng dumating ang instructor namin. Lunch break, mag isa at tahimik akong kumakain ng may maglapag ng tray sa harap ko. Kaya napatingala ako at muntik pa akong mabulunan ng makita ko si JD sa harap ko.. may dala itong gitara na nakasabit sa likod nito at hinila nito ang isang upuan sa harap ko at nilapag din nito ang gitara sa katabi nitong upuan. " Stop starring at me like that...people here might think that you have a crush on me.." sabi nito at nagsimulang kumain. Napalingon tuloy ako sa paligid ng mapansing nakatingin sa amin ang mga estudyanteng kumakain sa canteen ng mga sandaling yun. Tumikhim lang ako at muling ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. "You're going to watch the match..?" pagkaraay tanung nito. Dalawang araw nalang pala at maghaharap na ang dalawang school. "I don't think--..." "You better watch...kung gusto mung manalo kami, you should be there.." putol nito sa sinasabi ko. Napatitig naman ako sa mukha nito. "Ayaw mo bang makita ang mukha ng taong sinasabi mo habang natatalo sila..?" pag patuloy pa nito. Naisip ko si Vonn ano kaya ang magiging reaksyun nito kung sakaling matalo ang DSC...?Gusto kung makita ang talunan nitong mukha.. "okay.. I'm going.." sabi ko sa kaniya. "Good..!" sabi nito sabay gulo sa buhok ko. Na ikinabigla ko naman. Kaya hindi ako nakagalaw sa upuan ko..close na ba kami para haplusin niya ang buhok ko, first time na may humaplos sa buhok ko at si JD pa. "So I'll see you there...and here wear this pag pumunta ka.." sabi nito at may inabot sa akin bago tumayo at tuluyang umalis. Tinignan ko ang damit , It was a white jersey at may nakasulat na Guanzon University sa harap. Samantalang nakasulat sa likuran ay JK. Napakunot naman ang noo ko... Bakit JK..? nagkamali ba ang gumawa nito, imbes na JD naging JK. Binalewala ko nalang din ang nakasulat baka nga nagkamali lamang ang nagprent nito. Haisst... siguradong manunuod din doon si Lizzy.. sana lang hindi kami magkita doon..dahil paniguradong malalaman nito kung saan ako lumipat. I took a deep breath..."Bahala na nga......" ************* Ito na ang araw ng match ng Guanzon University at Del Salve College . Isang oras nalang at magsisimula na ang laro.. ngunit ako nandito padin sa dorm ko at nakatingin sa Jersey na binigay ni JD sa akin.. Kailangan ko ba talaga itong suotin. Kaso baka pag pumunta naman ako doon at makita ni JD na hindi ko suot itong Jersey baka bigla itong tupakin at ipatalo pa ang school namin. So in the end suot ko ang jersey pero nagsuot din ako ng jacket at nag desisyung pumunta don sa sports complex. Inabutan po ako ng traffic dahil sa nagsabayan ang mga sasakyan papasok sa loob ng SC na yun, ganito ba kaganda ang laban ngayun at mukhang marami ang gustong manuod. Kisa maghintay sa sasakyan nagdecide nalang akong maglakad dahil tanaw ko nadin naman ang SC.. saktong sampong minuto bago mag simula ang laro ay nasa gate na ako ng SC at patakbo akong pumasok sa loob. Marami din akong nakasabayan na mga estudyante galing sa magkalabang school. Sa entrance may nag gaguide sa mga estudyante pag taga GU ay sa right side na entrance nila pinapapasok.. pag taga DSC ay sa left side naman. Halos mapuno na mga estudyante ang loob ng SC nang makapasok ako. Nakatanggap ako ng tawag mula kay Jasper at sinabi nito na nasa loob nadin sila at nasa pang apat na hanay ng bench. Mabilis ko naman silang nakita kaya umakyat ako sa ikaapat na hanay. Nang makapwesto na ako.. nakita kung parang nagmemeeting ang bawat team sa magkabilaang side. "Hey.. you are also wearing our jersey.. kanino galing yan ha...?" nanunudyong tanung ni chris. "Ahemm tinatanung mo pa.. syempre kanino pa ba.." bahagyang binatukan ni Jasper si Chris at nagpalitan na naman ng makahulugang ngiti ang dalawa. "Tignan niyo, andaming nanunuod ngayun.." sabi ni Chris na nakatingin sa paligid. "Mas marami ngayun kisa last year.." sagot naman ni Jasper. "Yung school niyo ba dati hindi sumasali sa laro..?" tanong ni jasper sa akin. "Sumasali din... pero never akong nanuod ng mga match.."balewang sabi ko. " Pero ngayun.. napilitan kang manuod.." tudyo na naman ni Chris. "Jeezz.. as if i have a choice...?" kumento ko. Then pumito na ang referee hudyat na magsisimula na ang laro. Pumunta na sa gitna ng court ang mga players. Si JD at si Vonn ang magkatapat sa harap dahil parehas silang team captain ng kanilang grupo. Nang ihagis ng referee ang bola sa taas.. Agad itong nakuha ni JD at tinapik papunta sa kateam mates niya.. mabilis ang kanilang mga kilos habang nag papasahan ng bola hanggang sa maibalik kay JD ang bola at sa bilis itong umikot, hindi nagawang makuha ng kalaban ang bola kaya malaya niya itong naishoot. Hiyawan naman ang kasunod mula sa aming school dahil sa shoot niyang iyon. Hindi din naman basta basta nagpapatalo ang DLC dahil mabilis din silang nakakapuntos kaya ang nangyari habulan talaga ng score. Then I saw Lizzy sa pinakaunang hanay ng bench sa kabilang side... of course she will came here to support her boyfriend. Hindi din naman maikakailang magaling maglaro si Vonn. Pero mas suwabe padin ang mga kilos ni JD at kung magpapatuloy ito siguradong may pag asang manalo ang school namin. Natapos ang ist half na intense ang laro dahil sa habulan ng score.. maging ang DSC ay nagulat din dahil akala nila mabilis lang nilang matatalo ang kalaban nila ngayun. Pero nagkamali sila. Nagpaalam ako sa dalawa na pupunta ng Banyo. Kaya bumaba muna ako at naghanap ng banyo sa labas. Papalabas na ako ng CR ng may biglang pumasok sa loob kaya muntikan na kaming magkabanggaan. Nang tignan ko kung sino ito.. parehas pa kaming nagkagulatan. "Khen right...? what are you doing here..?" naninigurong tanung ni Vonn. Hindi ako sumagot sa tanung nito. "Lizzy's here.. do you want me..--" " No...! don't tell her that i am here.." putol ko sasabihin nito. "But why ...?" nagtataka nitong tinong at napatingin sa suot kung damit. "You're from Guanzon University..?" bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. "Don't you ever say a word to Lizzy, na nakita mo ako dito at kung saang school ako ngayun...if Lizzy knows where i am... she will start following me around again and If that happened... I might step into your relationship." mariing sabi ko.. He just give me a smirk. "Lizzy already chooses me... and she loves following me around too and for sure she likes to be with me more than with her bestfriend..., mas mabuti ngang nagtransfer ka ng school dahil hindi ko din gustong makitang umaaligid ka sa kaniya... and soon she will forget you.. " sabi nito. "Just don't try hurting her...! dahil pag nalaman kung sinaktan mo siya.. babalik ako at kukunin ko siya sa'yo..!!" seryusong sabi ko. But he smirked again. "That will never gonna happen.." sabi nito. Nagsukatan kami ng tingin.. Nang may tumikhim sa tabi namin. "You are blocking the way...!"go cold na sabi ni JD. Tumingin naman si Vonn kay JD at matalim din na tumingin dito bago pumasok si Vonn sa loob ng CR. Nasa pinto padin kami ni JD ng CR ng muling lumabas si Vonn. "We will still gonna win.. kahit pa sumali ka.." mayabang nitong sabi kay JD at nagpalipat lipat ng tingin muli ito sa aming dalawa ni JD bago napapailing na umalis. Naiwan kami ni JD na magkaharap sa gilid ng pintuan. Nang mapatingin ito sa damit ko. "Why did you put on your jacket..? nahihiya ka bang isuot ang jersey ko..?" tanung nito. Napatingin naman ako sa suot kung jacket. "A-ano kasi...malamig doon sa loob ?" dahilan ko. Hindi ito sumagot at nakatingin lamang sa akin. "Do you know him..?" tanung nito. Tumango naman ako. "Siya ba ang taong tinutukoy mo..?" tanung nito ulit. Isang tango lang ulit ang sagot ko. "Is he hitting you..?" tanung nito ulit. "Hell No...!! I barely know him... hindi ko lang gusto ang pagiging mayabang niya.." napipikon kung sagot ng maalala ang sinabi ni Vonn Kanina. "Good..!" sabi ni JD at bahagya pang lumapit sa akin kaya halos magkatapat na ang mukha namin. "I thought he is flirting with you, if thats the case... i might break his bones..." mariing sabi nito. I just frowned dahil sa sinabi nito ngunit hindi naman ako makapagsalita. "Go back inside.. and remove your jacket.. so i can see you from the crowd..."sabi nito at bahagyang ginulo ulit ang buhok ko bago ito pumasok sa loob ng banyo. Pagbalik ko sa upuan ko.. nagulat pa ang dalawa ng makitang hindi ko na suot ang jacket ko. "Oyy.. so you decided to show it huh... anung nangyari doon sa cr at biglang nagbago ang isip mo..?" panunukso ni Jasper. Tinignan ko lang sila ng masama at napapailing. " Nabasa lang ang jacket ko.." sabi ko. Muling naghiyawan ang mga estudyante ng magsimula na ulit ang laro. JD POV Pagkatapos ng ist half.. nakita kung bumaba si Khen mula sa bleachers.. marahil pupunta ito ng CR. Kaya lumabas din ako ng court at pumunta sa CR. Ngunit nagsalubong ang kilay ko ng makitang seryusong nag uusap sina Khen at Vonn ang team captain ng De Salve. Mukhang magkakilala din sila. I decided to interrupt them. "You are blocking the way...!" sabi ko para kunin ang atensyon ng dalawa. Napalingon naman silang dalawa sa akin. Halatang nagtataka si Khen samantalang matalim ang tingin sa akin ni Vonn bago ito pumasok sa loob ng CR. Lumapit ako kay Khen ngunit hindi ko muna ito kinausap. Hindi nagtagal lumabas ulit si Vonn. "We still gonna win.. kahit pa sumali ka.." mayabang nitong sabi habang nakatingin sa akin at muling tumingin kay Khen bago tuluyang umalis. Kinausap ko si Khen at nalaman kung si Vonn nga ang taong tinutukoy nito. Mabuti na lang at hindi pala ito pinupurmahan ni Vonn dahil kung magkataon, magkikita talaga kami sa court. Pero ramdam ko din ang pagiging maangas nito... Did he think i will let them win this time...? Lalo pa at may kasunduan kami ni Khen.. I will make him eat what he said...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD