KHEN POV
Napalingon ako sa sumigaw...Ngunit ang bolang papalapit ay mukhang hindi ko na maiiwasan pa. Pero bago pa tumama ang bola sa mukha ko..someone catch the ball at dahil mabilis ang kilos nito muntikan na din itong mapasubsob sa akin kaya mabilis kung nasalo ang balikat nito para mabawasan ang impact ng pagsubsob nito sa akin right there and then our eyes meet, pakiramdam ko tumigil sandali ang pag ikot ng orasan at feeling ko kaming dalawa lamang ang tao sa loob ng gym na yun habang nakatingin sa mukha ng isa't isa. Then suddenly he moves back habang hawak ang bola at nakatingin padin sa akin.
I know it...i really saw him before...!
"Hindi ka ba marunong umilag...?!" nakaangil na sabi nito at halatang naiinis.
Natigilan ako when he speak..... bago pa ko makahuma he already left kaya habol ko nalang siya ng tingin habang pabalik ito sa gitna ng court. Halos hindi ako makakilos dahil sa nangyari... His eyes are so deep at parang nakakagayuma ang mga titig nito dahil kapag natitigan mo na nang husto tila ba hindi mo na maalis ang paningin mo sa mga mata niya.
Why does i feel that i am admiring a guy right now.. ? Nakasunod padin ang tingin ko dito habang naglalaro ito ulit. Ano bang nangyayari sa akin...? Ipinilig ko ang aking ulo.
Nang mahimasmasan ako naglakad ako palabas ng gym at nag decide na umuwi nalang.. Hindi ko namalayan ang mga matang yun na nakasunod din hanggang sa paglabas ko.
Three hours by car din naman ang layo ng bahay namin dito sa university kaya I decided na mag dorm nalang hindi kalayuan sa University para hindi nakakapagod ang mag uwian. Tanging ako lang ang nangungupahan sa kuwarto sa dorm na yun dahil hindi din naman ako sanay lalo na ang may kasama sa isang kuwarto.
JD POV
Kakatapos lang namin maglaro ng basketball at nagpahinga muna saglit. Ilang araw ng puro kami practice dahil mayroon kaming nalalapit na match laban sa isang kilalang school na tumalo din sa team namin nakaraan.
Nakaupo ako sa bleachers habang nagpapatuyo ng pawis ko. Nang mapansin kung nagkumpulan ang mga ka teamates ko habang nakatingin sa cellphone ng isa naming kasama.
"Guys..look at this new student.." sabi ni Rusty.
"Tisoy Pre..."
"Mukhang mababawasan na ang mga fans mo JD ah ." panunudyo naman ni Max
"Tsss..." sabi ko at kinuha din ang phone ko para tignan sa University page ang pinag uusapan ng mga ito.
I almost dropped my phone when i saw the picture of the guy na pinag uusapan nila.
It's him...! he is really him.. sigaw ng isip ko.
It's almost a month since i meet this guy.. at naka limang beses na akong bumalik sa restobar na iyon para hanapin ito but i failed to find him again.
I still can't believe that he is here now... in our school.
A smile curved on my lips.
No matter what happen this guy will soon to be mine.
I type something in the comment section. Ni hindi ko na inisipnang impact nito sa ibang mga estudyante. Dahil sa simpleng comment ko lang na yun.. siguradong mag titrending agad ito sa buong university.
Why..?
It's because...... I AM JD!
Napalingon sa akin ang mga kasama ko at halatang nagtatanung ang mga mukha, malamang nabasa na nila ang comment ko and i bet they were surprise dahil this is the first time na nagcomment ako sa university page na yun.
Nang muli kaming magresume ng practice pagkatapos ng klase, hindi ko inaasahang makita si Khen sa loob ng gym. Ngunit tila wala ito sa sarili habang nakatingin sa gawi namin.. mas lalo akong nabahala ng biglang ipinasa ng kasama ko ang bola, dahil sa lakas ng pasa nito hindi agad ito nasalo ng isa ko pang kasama at mabilis na papunta sa gawi ni Khen ang bolang yun. naramdaman ko nalang na kusang kumilos ang katawan ko at patakbong tinungo ang kinaruruonan ni Khen at mabilis na hinabol ko ang bola...ngunit sa bilis ng kilos ko napasubsob nadin ako kay Khen mabuti na lamang at naiharang nito ang mga kamay nito sa katawan ko kaya hindi kami natumba. Ilang minuto ding nagtama ang aming paningin.. ngunit mabilis akong lumayo sa katawan nito dahil sa bilis ng t***k ng puso ko. Tila wala padin ito sa sariling nakatingin sa akin kaya nakaramdam ako ng inis dahil hindi man lang nito iniwasan ang bola.. na maaring tumama dito.
"Hindi ka ba marunong umilag..?!!" pagalit kung sabi sa kaniya bago umalis dahil pag hindi pa ako umalis, baka mayakap ko pa ito sa tuwa dahil nakita ko nadin siya sa wakas.
Habang papalabas ng gym si Khen..nakasunod naman ang tingin ko sa kaniya at palihim akong ngumiti.
**********
KHEN POV
The next day. Maaga pa ako sa school dahil mayroon akong klase ng alas otso ng umaga.
Nakasabay ko ang dalawa kong kaklase na naglalakad din papunta sa department building namin.
"You're Kenjie right..?" tanung ng isang medyo mababa sa aming tatlo.
"Yes.." sabi ko sabay tango.
"I'm Chris and this is Jasper.." pagpapakilala ni Chris.
"Goodluck bro..!" nakangiti namang sabi naman ng isa na merong highlights ang buhok na si Jasper.
"Para saan..?" nagtataka kung tanung.
" Just wait for it..."sabay na sabi ng dalawa at natatawang naunang naglakad papasok sa classroom namin.
Naguguluhan naman akong nakasunod lang sa dalawa. Sakto namang malapit lang ang mga upuan namin kaya kinulit ko silang dalawa.
"Didn't you saw it at the university page..?" tanung ni Chris.
"Page..? What page ..?" maang na tanung ko.
Nagkatinginan ang dalawa at kinuha ni Jasper ang dalang cellphone nito. Pagkatapos may ipinakita sa akin na picture. It was me and that guy JD.. habang nasa awkward na posisyon kami habang nagkakatitigan. It was taken yesterday nung nanonood ako ng basketball at sinalo ni JD ang bolang dapat na tatama sa akin at ang nakakuha ng atensyun ko ay ang naka caption sa picture na yun.
"Boyfriends spotted..!!" lalong nagsalubong ang kilay ko sa caption na yun.
"Where can i find this page .?" tanung ko sa dalawa.
"Just search for this..." at ipinakita ni Jasper sa akin ang isang link.
I log in sa page na yun using may student number na nakalagay din naman sa ID namin.
There i saw those pictures na nakakalat sa page na yun... nag scroll back pa ako.. sa mga nakaraang post ng ibang mga estudyante, mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ko ang picture ko nung nag papakilala ako kahapon sa first subject namin. Tanda ko ilan kaming bagong transfer kahapon ngunit bakit ako lang ang may picture dito.
Binasa ko ang naka caption sa taas ng picture ko. Then napansin ko sa isang comment sa baba someone said. "Mine" ang panglan ng account ay Justine Dale Briones.
"Sino naman tong si Justine Briones?" pabulong kung tanong pero narinig padin ng dalawa.
"It's JD.." sabi ni Chris na ngiting ngiti.
JD..? bakit naman siya nagcomment ng ganito, anong palagay nito sa akin..for sale..? Nawala lang ang atensyon ko sa page na yun ng pumasok na ang instructor namin.
Pagdating ng lunch break. Mag isa akong pumunta sa school canteen. Karamihan sa mga estudyante ay dito na kumakain lalo na ang mga may malalayong bahay.
Kahit naman malapit lang ang dorm ko dito tinatamad nadin naman akong umuwi para magluto ng pagkain. Lalo na at may klase pa ako ulit ng hapon.
Pumila ako sa counter at naghanap ng mauupuan. Napadaan ako sa isang grupo ng mga estudyante na kumain din at masayang nag uusap. Ngunit isang pamilyar na mukha ang napansin ko sa grupo. Napansin din marahil ng mga ito ang presensya ko kaya bigla silang tumahimik at napalingon din sa akin. Then nagsalubong ang paningin namin ng isang lalaki na angat ang charisma sa mga kasamahan nito ,it was JD .So i felt awkward kaya mabilis akong naglakad at nilagpasan nalang ang grupo.
Pinili kung umupo sa pwestong wala gaanong katabi at nagsimula ng kumain. Then I heard the girls whispering something, at napansin kung nakatingin ang mga ito sa gawi ko.
"Siya ba yun..?"
"Oo..siya nga ..!"
"He's also good looking but why is he flirting with JD..?"
Napataas ang sulok ng kilay ko sa narinig.
Ano daw ? I'm flirting with JD...?!!!
"Sino ba naman kasi ang hindi magkakagusto kay JD he is like a prince charming kaya mapa lalaki man or babae ay hindi kayang tiisin ang kaguwapuhan niya. "
Gusto ko mang lapitan ang mga ito para linawin ang mga sinasabi nila.. pinili ko nalang manahimik at ipinagpatuloy ang pagkain kahit naasar na ako sa mga naririnig ko.
Hindi paman ako tapos kumain ng may tatlong babaeng lumapit sa lamesang kinauupuan ko.
"Hey you...! ikaw ba to..?" sabi ng isang babaeng mukhang leader ng grupo.
I glance at her phone.. same lang ito sa nakita ko kaninang umaga. But i don't give a damn with those fake news.
Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko. Ngunit mukhang hindi titigil ang mga babaeng to.Padabog na hinila ng isa ang upuan sa harap ko kaya nakalikha ito ng malakas na ingay dahilan para tumahimik ang buong cafeteria.
"Didn't you heard me....? I am talking to you...Don't you know me..?" tanung ng isang babae na mukhang leader ng grupo.
Inilapag ko ang spoon and fork ko sa plate ko at pinunasan ng tissue ang bibig ko. Bago ko sila hinarap. What i really hate is kapag inisturbo ang pagkain ko.
"Who are you...? Should I know you..?" balik kung tanung dito.
Lalo namang nainis ang babae at ngumisi
.
Ganito ba ang mga babae sa school na to ang tatapang ..?
"I am telling you this..stay away from JD.. he deserves someone better than you...!!" mahina ngunit mariin nitong sabi.
I sigh...JD..again... lumingon ako sa gawi ng lalaking tinutukoy nito at nahuli ko na naman itong nakatingin sa akin.
Why is he like that..? Muli akong bumaling ng tingin sa babaeng kausap ko.
"JD..? I don't know him.. so i don't give a damn..besides.. i preferred girls rather than a guy..." sabi ko then i lean forward para magkalapit ang mukha namin ng babae just to tease her and give her a wink. Natahimik naman ang babae at tila natulala sa ginawa ko.
Naramdaman kung may lumapit sa tabi ko. I look up para tignan kung sino ito. I frown when i saw JD beside me kaya umayos ako ng upo at sumandal sa upuan ko habang nakatingin dito.
Why is he here..? Then what he did was beyond my imagination.
Yumuko ito sa harap ko, ang isang kamay nito ay nakahawak sa sandalan ng upuan ko at ang isa naman ay nasa edge ng lamesa. Pakiramdam ko natrap ako nito. We are looking into each other's eyes dahil subrang lapit ng mukha nito sa akin at hindi ako kaagad naka kilos sa pagkabigla.
"W-What are you doing..?" naaasiwa kung tanong.
"You said you didn't know me right..? so.. i came here to indroduce my self.." seryuso ang mukhang sabi nito.
" I came back to that place to find you., but i failed, I didn't know that you are the one who would find me.." dugtong pa nito.
"What...?!! A-anung sinasabi mo..?" maang kung tanung dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi nito.
"I'll tell you..." sabi nito at inilapit ang mukha sa tenga ko kaya napapiksi ako lalo na ng magsalita ito.
"If you are that curious, Meet me at the gym later at 7pm..I will wait.." pabulong nitong sabi bago muling tumayo at nilingon ang mga babae sa harap ko.
"and you...don't you ever go near him again, He's mine.!" sabi ni JD sa babaeng kausap ko kanina kaya napaawang naman ang bibig ng babae ,mukhang nagulat din ito sa narinig.
Hindi rin nakalagpas sa pandinig ko ang sinabi nito. Tumayo ako at lakas loob na nagtanung.
"W-what did you say..?!!" tanung ko sa kaniya.
"7pm.." yun lang ang sagot nito sa akin bago tuluyang tumalikod. Nagsitayuan nadin ang mga kasama nito at sumunod dito palabas ng cafeteria.
At ako naman ay naiwan pading naguguluhan sa sinabi nito. Muli namang nagpatuloy sa pagkain ang mga estudyante na tila walang nangyari.