CATHRYN: Dalawang BUWAN. halos dalawang buwan na ang nakakalipas magmula noong huling naka-usap ko si Sherwin. Ni wala akong balita tungkol dito. Busy ako sa kaliwa't kanan kong endorsement kaya naman halos mawalan na ako ng oras sa sarili. Sa tuwing tinatangka kong tawagan ito ay laging unattended ang number nito. Ramdam kong may mali. Pero dahil sa dami ng trabaho ko ay isinawalang bahala ko na muna ang tungkol sa panlalamig nito sa akin. Iniisip ko na lang na nasa malayo ito at abala sa trabaho. Pero kahit kinukumbinsi ko ang sarili ay alam ng puso at isipan kong may mali. Na may hindi sinasabi sa akin si Nathan na matalik nitong kaibigan at ngayo'y asawa na ng nakababatang kapatid kong si Yoona. Siya lang kasi ang nakaka-usap ko tungkol kay Sherwin dahil hindi ko naman kilala ang iba

