YOONA: IMPIT AKONG napapairit sa isip-isip habang magkahawak-kamay kami ni Jonathan na pauwi ng mansion. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang hawak ko ang kamay nito. Dama kong gising na gising ang lahat ng dugo ko at hindi mapakali ang puso kong nagtatatalon sa loob ng ribcage nito. Kahit tahimik kami pareho ay dama ko namang sobrang saya ko at ganun din ito. Pasipol-sipol pa ito na bakas ang saya sa gwapong mukha. Panakanaka din itong sumusulyap na panay ang pagpisil ng kamay kong hawak-hawak nito habang nagmamaneho. Pagpasok namin ng subdivision ay nagtulog-tulugan na muna ako. Pinapakiramdaman ito kung anong gagawin. Naramdaman ko naman ang pagbagal ng maneho nito at ang pagbati niya sa mga guards namin. Saglit lang ay huminto na ang kotse na ikinawala ng puso kong nagsisisipa

