YOONA: MAINGAT ANG MGA yabag kong pumasok ng mansion. Kapag ganitong oras ay mga katulong at guards lang ang madalas na nandidito sa mansion. Abala na kasi ang mga pinsan ko sa kanya-kanya nilang trabaho. Kahit nga sina Mama Liezel at Papa Cedric ay nagtatrabaho pa rin magpahanggang ngayon sa dami ng kumpanyang pinamumunuan nila. Namilog ang mga mata ng katulong na nabungaran kong kasalukuyang naglilinis dito sa sala. "Ma'am Cathryn, magandang tanghali po" panabay pa nilang bati na napapayuko. Napahagikhik ako. Matagal na silang naninilbihan dito pero hindi pa rin makila-kilala kung sino sina Cathryn at Catrina na dumagdag pa ako. Madalas ay napagpapalit-palit nila ang mga pangalan naming tatlo dahil sa pagkaka-identical twins namin. "Kayo talaga. Hwag na muna kayong maingay. And c

