Nika's Pov Namulat ko ang aking mga mata at pinag masdan ang paligid puro nakahandusay at dugong dumadaloy sa lupa ang aking mga nakikita. Unti-unti akong tumayo at mas nasilayan ko ang buong paligid na kahit isa ay walang natirang buhay. Nanghina ako sa aking mga nakita, nag lalakad ako kahit di ko alam kung san ako tutungo. Kasalanan ko ba to? Nakita ko si Torrie dilat ang mata at nakatingin pa sakin na tila walang hustisya ang pagkamatay nito. Nagsitayuan ang mga balahibo ko at unti-unti na akong nakakaramdam ng takot. Hindi ko na makikilala ang mga mukha ng mga wizard naka handusay. " Mom?........Dad?.....anyone?." Tanging echo lang ng aking boses ang naririnig ko. Umiiyak na ako ngunit may narinig akong boses, "Nika.." Agad akong napalingon sa paligid baka sakaling may makita pa a

