Chapter 9 -MysteriousWoman

2362 Words
“KUNG mga kaibigan ko talaga kayo, damayan ninyo ako sa problema ko. Hindi man lang kayo maawa sa akin. Gusto ko nang mamatay. Hindi ko na kaya,” naiiyak na saad ni Jak. Nagkasalubong naman ang kilay ni Chris nang marinig ang sinabi ng kaibigan niya. “Ano bang problema ng lalaking iyan?” tanong niya kay MJ na nakaupo sa tabi niya. Nasa party sila ni Joel Belarmino. Halos lahat silang magkakaibigan ay naroon. “Iniwan siya ng asawa niya kaya problemado,” sagot ni MJ. Tumaas ang kilay ni Chris. “Kailan pa?” “Hindi ako sigurado pero matagal na rin yata. Baka ilang buwan na magmula nang layasan siya ng asawa niya.” Napailing si Chris. Sa lahat ng mga kaibigan niya, si Jak ang hindi nila inaasahang mag-aasawa dahil bukod sa babaero ito, pinakaloko-loko rin sa kanilang lahat. “Sige na. Samahan ninyo akong ubusin itong alak na dala ko. Ito na ang last. Kapag naubos natin ito, hindi na ako gagawa pa,” muling hirit ni Jak. Narinig ni Chris ang bulong-bulungan ng mga kaibigan niya. May mga iba na tumaas ang kilay samantalang napailing naman ang ilan. Nagkatinginan naman sila ni MJ. Katatapos lang ng problema ni MJ sa asawa nito kaya siguradong hindi ito papayag sa gustong mangyari ni Jak. Bakit nga naman ito iinom ng alak na nakapagpapataas ng libido gayong masaya na ito kay Lian? Nang muli siyang mapatingin kay Jak ay naglalagay na ito ng alak sa mga shot glasses. “Samahan mo na si Jak na uminom. Kapag siya lang mag-isa ang iinom ng isang buong bote, baka magkagulo dito sa party ni Joel,” suhestiyon ni MJ. “Ako? Tutulungan ko siya?” Itinuro pa ni Chris ang sarili niya. “Oo naman.” Si Enzo ang sumagot sa tanong niya. Nakaupo sa kabilang tabi niya. “Sino pa ba ang dapat tumulong sa kanya. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina, hindi ba? Iyong mga single at problemado sa asawa ang dapat na uminom kasama niya. Hindi ba’t may problema ka sa asawa mo?” Pinaningkitan niya ito ng mata. “Sino naman ang nagsabi sa iyo na may problema ako sa asawa ko?” Umismid si Enzo. “Nabalitaan ko sa kanila.” Itinuro ni Enzo si MJ. “Ang sabi pa ni Andrei, hindi mo raw ipinakilala sa kanila ang asawa mo. Pero may nakita sila sa bahay mo na magandang babae. Nang tanungin nila kung sino iyon, ang sabi mo ay yaya mo lang iyon. Totoo bang yaya mo iyon? O siya na iyong misis mo?” dagdag pa ni Enzo. Hindi sumagot si Chris. Ayaw niyang magpaliwanag o magkuwento sa mga kaibigan niya. Hindi siya katulad ni Jak na nanghihingi ng simpatiya sa ibang tao. Gusto niyang sarilinin na lang ang kanyang problema. Alam naman niya na hindi siya matutulungan ng mga ito. May kanya-kanya ring problema ang mga ito at ayaw na niyang dumagdag pa sa kanila. Mas gusto niyang siya ang tumutulong kaysa sa siya ang tinutulungan. Saka paano ba siya matutulungan ng mga kaibigan niya sa kanyang problema kay Dani? Siguradong walang papayag sa mga ito na makipaghiwalay siya sa kanyang asawa. Pare-parehong family-oriented ang kaibigan niyang mga may asawa na. Iyong mga single naman ay walang Magandang maipapayo dahil nga wala pa namang karanasan sa pag-aasawa. Baka sabihan pa siya ng mga ito na mambabae na lang. Gusto nag sana niyag gawin iyon. Pero kung iyong tipo ni Rosie ang babalikan niya, huwag na lang. Mas malala ito kay Dani. Bukod sa materysosa na, may pagka-clingy pa. Iyon ang pinakaayaw niya sa babae. Mabuti na lang at hindi ganoon ang asawa niya. Baka noong una pa lang ay pinalayas na niya ito. “O kayo diyan, inom na rin kayo.” Napalingon si Chris kay Jak na nag-aabot ng isang shot glass kay Enzo. Mabilis namang umiling ang kaibigan nila. Pagkatapos ay inabot nito ang shot glass sa kanya. Ilang segundong nakatitig lang si Chris sa maliit na baso. Tatanggi sana siya ngunit siniko siya ni MJ. Agad niya itong nilingon. “Huwag ka nang tumanggi. Alam ko namang kailangan mo iyan,” pabulong nitong sabi. Napakunot ang noo ni Chris. Magsasalita sana siya ngunit naunahan siya ni Jak. “Akala ko ba, bestfriend kita, Chris? Bakit ayaw mo akong damayan sa problema ko?” pangongonsensiya pa ni Jak. Napakamot pa siya ng kanyang ulo bago tinanggap ang inaabot ni Jak. Napansin niyang inabutan din ni Jak ng alak si MJ ngunit umiling ang huli. Hindi na ito pinilit pa ni Jak. Inabot na lang niya sa iba ang alak. Uminit agad ang lalamunan ni Chris nang malagok niya ang laman ng shot glass. Mahilig naman siyang uminom ng alak. Pero iba talaga ang effect ng alak na gawa ni Jak. “Namumula ka na, isang shot pa lang,” nakangising saad ni Enzo. “s**t! Nang-aaasar ka ba? Parang hindi mo naman alam kung ano ang laman ng alak ni Jak, ah. O nasanay ka na lang? Sabagay isang bote ba naman ang nilaklak mo.” Biglang napaubo si Enzo. “No, hindi ko ininom ang alak na iyon. Pero pinakialaman ni Elaine kaya nabawasan,” namumula ang mukhang saad nito. Gustong matawa ni Chris sa nakikitang ekspresyon ng mukha ni Enzo. “Parang nahiya ka pang aminin na asawa mo ang tumikim ng alak. Siguro ikaw ang pinag-trip-an niya, ano?” Hindi sumagot si Enzo. Umiwas lang ito ng tingin sa kanya. “Baka kulang pa iyong ininom mo, magaling ka pa rin kasing mang-asar. Humingi ka pa ng isang shot kay Jak,” tudyo ni MJ. Napakamot ng kanyang ulo si Chris. Hindi na lang lalamunan niya ang mainit ngayon. Nararamdaman niyang nagsimula na ring kumalat ang init sa iba pang parte ng katawan niya. “Oo nga. Baka kailangan mo iyon ngayon para maka-iskor ka doon sa maganda mong yaya,” nakatawang saad ni Enzo. Napatiim-bagang si Chris. Itinaas niya ang kamao at akmang susuntukin si Enzo. “Oops! Bawal mag-away dito. Dapat happy lang tayo,” awat ni Andrei na nakatingin na pala sa kanila. Nakasimangot na ibinaba ni Chris ang kanyang kamay. “Ang init ng ulo mo, bro. Baka kulang ka lang ng alak,” sita ni MJ. “Gusto mo pa ng isang shot?” sabad naman ni Josh. Bago pa makasagot si Chris ay napansin na sila ni Jak. Nagsalin ito ng alak sa shot glass bago inabot kay Chris. “Uminom ka pa para mas effective, bro. Balita ko ay kakasal mo lang. Tamang-tama nasa honeymoon stage pa lang kayo ng asawa mo,” nakangising wika ni Jak. Muntik nang masamid si Chris sa sarili niyang laway. May punto naman si Jak. Nasa honeymoon stage pa nga lang sila ni Dani kung totoong kasalan lang sana ang naganap sa kanila. Pero sa papel lang naman sila kasal. Hindi niya pinag-iinteresan ang asawa niya. Kung nagkataong si Kara sana ang napangasawa niya, baka pinatulan pa niya ito. Mas bagay sila ni Kara dahil hindi masyadong malayo ang gap ng edad nila. Samantalang sila ni Dani ay daig pa ang magkapatid sa layo ng agwat ng kanilang edad. Tantiya niya ay mahigit sampung taon ang tanda niya rito. Ni hindi pa yata ito nakatapos ng kolehiyo. Hindi katulad ng ate nito na nagtatrabaho na. Neneng-nene pa ito sa paningin niya. Tapos ang liit pa nito at medyo payat kumpara sa kanya na mahigit na anim na talampakan ang taas at malaki pa ang pangangatawan. Kaya siguro hindi naniniwala ang mga kaibigan niya nang sabihin niyang yaya niya si Dani. Ang liit nitong tingnan kapag itinabi sa kanya. Sa totoo lang, wala siyang pagnanasa sa asawa niya. Maganda at maamo lang ang mukha nito pero hindi niya type ang mga babaeng mukhang inosente. Pero hindi rin naman niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit magmula nang ikasal sila ay nawalan na rin siya ng gana sa ibang ba Iniiwasan na niya si Rosie kahit kinukulit pa siya nito. Maging iyong mga babaeng kliyente ng opisina nila na nagkakainteres sa kanya ay hindi na niya pinapansin. Mayroon lang talagang makukulit na babae at pilit isinisiksik ang sarili sa kanya katulad ng babaeng nakilala niya sa isang bar noong isang gabi. Hangga’t maari ay ayaw niyang uminom kapag nasa trabaho pero iyong isang investor na bumisita sa opisina niya noong isang araw ay niyaya siyang mag-inuman sila. Hindi naman siya makatanggi kaya humantong sila sa isang bar at doon may nakilala siyang makulit na babae. Nakaalis na noon ang kausap niya at balak na rin niyang umuwi pero walang balak ang babaeng kasama nila sa table na pakawalan siya. Sumabay ito sa kanya nang lumabas tapos nagpumilit na sumama sa kanya. Tatanggi sana siya ngunit bigla niyang naalala si Dani kaya isang ideya ang pumasok sa isip niya. Isinama niya pauwi sa bahay niya ang babae. Pinainom niya ng alak ang babae hanggang malasing ito. Hindi na niya ito pinauwi. Doon niya mismo pinatulog sa kuwarto ngunit hindi sa sarili niyang kama. Pinatulog niya ito sa sofa kung saan dating natutulog si Dani. Kinabukasan ay maaga niyang ginising ang babae at inutusang maligo. Dahil wala itong bihisan, pinasuot niya rito ang kanyang t-shirt at shorts saka niya niyayang kumain sa dining room. Tiyempo namang naabutan sila ni Dani. Nang tanungin siya ng babae kung sino si Dani ay sinabi niyang maid sa bahay niya ang kanyang asawa. Natuwa siya nang mapansin niyang hindi maipinta ang mukha ng asawa nang dumaan sa tabi nilang kumakain. Sinasadya niya talagang saktan si Dani para ito na ang kusang umalis ng bahay niya. “Inumin mo na bago pa madagdagan iyan,” untag ni Josh na pumutol sa pagmumuni-muni ni Chris. Napabuga ng hangin si Chris saka niya dinampot ang shot glass. Agad din niya itong ibinaba pagkatapos lagukin ang laman nito. “Ayoko na. Wala pa namang available na babae rito,” wika niya na ikinatawa ng mga kasama niya sa mesa. “Bakit kailangan mo pa ng ibang babae kung nasa bahay mo lang ang iyong asawa?” sita ni Andrei. “Baka naman ibang babae ang hinahanap ni Chris kasi ayaw niya doon sa napangasawa niya?” biglang singit ni Raizer. Nakakunot ang noo na binalingan ni Chris si Raizer na nakaupo sa tapat niya. Sa pagkakaalam niya ay ngakaproblema rin ito dati sa asawa nito. “Paano mo naman nasabi iyan, Antigua?” hamon niya rito. Napangisi ang kausap niya. “Para kasing nakita ko ang sarili ko dati sa itsura mo ngayon. Ang totoo niyan, hindi ko rin gusto si Kaye noong ipakasal siya sa akin ng mama ko. Inalok ko pa nga siya ng malaking halaga ng pera para lang umatras siya sa kasal namin noon pero tumanggi siya. Kaya hindi ko siya pinapansin noong mga unang buwan ng pagsasama namin. Pero pinakisamahan pa rin niya ako nang maayos. Inaasikaso niya at ibinibigay ang kailangan ko hanggang sa kama. Iyon nga lang binalewala ko ang lahat. Tapos kung kailan nahuhulog na ang loob ko sa kanya saka niya ako iniwan dahil hindi na raw niya kaya ang manatili sa tabi ko. Limang taon kong pinagdusahan ang lahat ng pagkakamali ko. Kaya noong magkita kaming muli hindi ko na siya pinakawalan,” kuwento nito. “Why are you telling me that?” seryosong tanong ni Chris. “Wala lang. Baka lang kasi magaya ka sa kapalaran ko at sa kapalaran ni Jak. Minsan kasi kung sino pa ang kinaaayawan nating babae, siya rin pala ang mamahalin natin sa bandang huli.” Napaismid si Chris. “That will never happen to me.” Nagkibit-balikat si Raizer. “Kung talagang ayaw mo sa kanya, hiwalayan mo na siya nang maaga. Baka kasi kapag tumagal, mahulog pa ang loob mo sa kanya lalo na kung wala ka namang nakikitang pangit sa kanya maliban sa ayaw mo lang talaga sa kanya.” Hindi nakaimik si Chris. Pero napaisip siya sa sinabi ni Raizer. Hindi nagtagal ay nag-serve na ang mga waiter ng inumin sa mesa nila. Naka-dalawang shot pa lang siya ng alak nang maramdaman niyang para siyang nahihilo. Bukod doon ay kanina pa niya nararamdaman na ang init ng buo niyang katawan. Para siyang inaapoy sa lagnat. “Uuwi na ako. Ang init na ng katawan ko,” wika ni Chris kasabay ng kanyang pagtayo. Napatingin sa kanya si MJ. “Gusto mong ihatid kita pauwi?” tanong nito. Umiling si Chris. “Hindi na. Kaya ko ang sarili ko.” Tinapik niya sa balikat si MJ saka kinawayan ang iba pa nilang kasama sa mesa bago siya naglakad palabas ng grand ballroom ng Glorious Hotel. Habang nasa loob siya ng sasakyan ay lalong tumitindi ang pag-iinit ng kanyang katawan. Ito na yata ang epekto ng alak na ininom niya. Ilang beses siyang napakurap habang nagmamaneho kaya binilisan niya ang pagpapatakbo. Kailangan niyang makauwi baka mag-black out din siya katulad nang nangyari noon kay MJ. Kapag nasa bahay na siya, pupuntahan niya agad si Rosie para dito niya ibubunton ang lahat ng init at pagnanasa na lumulukob sa kanya. Kapapatay pa lang niya sa makina ng sasakyan ay agad na siyang lumabas. Ni hindi na niya hinugot pa ang susi at hindi na rin niya naisara ang pinto ng driver seat. Basta tumakbo na siya paunta sa main door. Hindi niya mahanap ang sus isa bulsa niya kaya pinagpag niya ang pintuan at nagsisigaw siya. Tulog na yata ang lahat ng tao sa bahay niya kaya wala man lang nagbubukas. Nanghihinang napaupo na lang siya sa tabi ng pintuan. Akmang hihiga na siya sa sahig nang biglang bumukas ang pinto. “Chris?” Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig. Hindi niya maaninag kung sino ang nagsalita ngunit pamilyar sa kanya ang boses nito. Blurred na ang paningin niya. Nilapitan siya nito at pilit na inalalayang tumayo. Nasamyo niya ang pamilyar na mabangong amoy ng babae kaya naengganyo siyang yakapin ito. Kahit paano ay naibsan ang init sa katawan niya nang maramdaman niya ang malambot nitong katawan. He could get addicted to her sweet smell and her soft body even if he don’t know who she is.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD