Chapter 16 - The Missing Piece of a Puzzle

2713 Words
ISANG BUWAN pa ang lumipas ngunit wala pa ring balita si Chris mula kay Dani. Ni hindi rin siya tinatawagan o pinupuntahan ng mga magulang niya at kahit ng mga magulang ni Dani kaya naisip niyang wala na ngang problema sa asawa niya. Malamang natanggap na nito ang katotohanang hindi talaga sila para sa isa/t isa. At walang magagawa ang ibang tao para pagsamahin silang muli. Kahit paano ay lumuwag na rin ang pakiramdam niya. Ilang linggo siyang hindi mapakali. Hindi rin siya gaanong makatulog at makakain. Pati trabaho niya ay apektado sa pag-alis ni Dani. Nag-aalala kasi siya na bigla na lang susugod ang mga magulang ito. Hindi niya alam kung paano niya sila haharapain. Natatakot siya sa maaaring mangyari. Pati ang sarili niyang magulang ay kinatatakutan niyang dumalaw. Hindi niya alam kung ano ang reaksyon nila sa nangyari. Magagalit ba ang mga ito o masasaktan? Ang papa niya ang pumili ng babaeng pakakasalan niya kaya sigurado siyang hindi ito basta papayag na maghiwalay sila ni Dani. Hindi man ito ang direktang pinili ng papa niya, may masasabi pa rin ito dahil ang napangasawa niya ay kapatid mismo ng babaeng nakatakda sana niyang pakasalan. Kung alam lang niya na ganito ang mangyayari sa kanila, sana hindi na lang siya pumayag na matuloy ang kasal nila. Pagkakataon na sana niya iyon para makawala sa gustong mangyari ng papa niya. Pero hindi niya kasi iyon naisip. Ngayon lang pumasok sa utak niya ang ideyang iyon. Hindi na sana sila umabot pa sa hiwalayan. Baka mas maganda na walang kasalang natuloy sa pagitan nilang dalawa ni Dani. Pero nangyari na ang lahat at hindi na niya mababago pa ang nakaraan. Ngayong hindi na sila magkasama, kailangan na rin niya sigurong asikasuhin ang paghihiwalay nila. Kailangan na nila magkanya-kanya ng buhay. Kakausapin niya mamaya si Archie para maipaayos ang kanilang annulment para wala na silang ugnayan pa at wala na ring babalikan pa. Pagkatapos nga ng trabaho niya sa opisina ay dumaan siya sa law office ni Archie. Pagkakita pa lang sa kanya ng magaling na abogado ay tumayo na ito at sinalubong siya. “Hey! Naligaw ka yata sa opisina ko, Chris. Come here. Sit down,” wika nito pagkatapos siyang kamayan. Akmang uupo siya sa visitor’s chair sa harapan ng mesa ni Archie ngunit hinila siya nito. “Dito tayo umupo, bro. Para lang iyang sa mga kliyente ko. Hindi ka naman ibang tao sa akin. We’re friends,” nakangiting wika ni Archie nang paupuin siya nito sa sofa. Napangiti rin siya. Hindi naman sila magkalapit na magkaibigan ni Archie. Ngunit ang bestfriend nitong si Dexter ay kaibigan ni Railey kaya nakilala rin niya ito. Bihira nga lang silang magkita. Madalas ay sa mga pagtitipon lang na kasama sina Railey, Dexter, at ang dalawa pa nilang kaibigan na sina Ronniel at Arnilo. Iyon ang grupo ng mga kaibigan ni Railey bukod sa kanila. Mas kilala niya at mas close siya kina Ronniel at Arnilo dahil nakasama niya ang mga ito sa SEAL katulad din ni Railey. “So, ano’ng problema natin?” untag ni Archie sa kanya. “Problema talaga, bro?” Tumawa si Archie. “Lahat naman ng mga kaibigan nating nagpupunta rito sa opisina ko ay problema ang dala. Huwag mong sabihin sa akin na good news ang dala mo. Bago iyon kung saka-sakali.” “Well, problema siguro sa akin. Pero good news iyon sa iyo,” tugon niya. Napangisi ang abogado. “Sigurado kang iyong problema mo ay good news para sa akin?” “Oo. Nakahanda naman akong magbayad ng tama.” “Ano ba iyon?” “Magpa-file ako ng annulment,” mabilis niyang sagot. Naglaho ang ngiti sa labi ni Archie. “Sabi ko na nga ba, hindi ka rin naiiba sa mga kaibigan natin na nagpupunat rito sa opisina ko. Lahat kayo nakahandang magbayad nang malaki para lang makipaghiwalay sa inyong mga asawa. Tsk…tsk.” Napahugot nang malalim na hininga si Chris. “Wala na siya, bro. Umalis na. Arrange marriage lang ang kasal namin. Tapos buntis siya at hindi ako ang ama ng anak niya. Sa tingin mo ba, hindi ko siya dapat hiwalayan?” Hindi agad nakasagot si Archie. Ilang segundo itong nakatitig lang sa kanya bago ito bumuga ng hangin. “Kakaiba rin ang kuwento mo. Pero sigurado ka ba na hindi ikaw ang ama ng dinadala niya?” “Kung ako sana ang ama, aakuin ko iyong responsibilidad ko. Kahit para man lang sa bata ay hindi kami maghihiwalay. Pero walang nangyari sa amin kahit minsan. Kaya paano ko siyang mabubuntis? Ano’ng ginawa niya? Nagnakaw ba siya ng sperm cell ko at isinaksak sa katawan niya? Wala namang gano’n, bro,” paliwanag ni Chris. Napakamot ng kanyang ulo si Archie. “Okay, I get it. Give me the details I need to know,” wika nito. Bumalik sa kanyang mesa si Archie at may kinuha roon. Ibinigay nito ang hawak na papel sa kanya. “Fill in the needed information. Tapos pag-aaralan ko muna iyong kaso mo saka tayo magpa-file ng annulment sa korte. Okay na ba iyon?” Tumango si Chris. “Okay/ Thanks, bro.” “Don’t thank me yet. Hindi pa nagsisimula ang kaso natin natin. Medyo matagal din ito.” “Just the same, magpapasalmat na ako ngayon sa tulong mo. Baka kailangan ko na ring magbayad ng acceptance fee. Magkano ba?” Akmang huhugutin ni Chris ang kanyang wallet nang pigilan siya ni Archie. “Huwag muna ngayon. Tatanggapin ko lang ang bayad kapag nasa korte na ang kaso. Baka kasi magaya ka rin sa iba nating kaibigan na bigla na lang babawiin iyong kaso dahil biglang may nagbago. Saka na lang kapag may sigurado na tayong kaso.” “Pero sigurado na ako,” giit ni Chris. “Tell that to me again, in a month’s time. Baka sakaling maniwala na ako,” wika naman ni Archie. “Fine. I’ll see you again. O kaya tawagan na lang kita,” napilitang saad ni Chris. May inilabas na business card si Archie mula sa wallet nito. “Call me anytime. Huwag lang gabing-gabi o kaya madaling araw. Baka awayin ako ng asawa ko,” matamis ang ngiting wika nito. “Sure,” sambit niya nang tanggapin ang card. Hindi siya maka-relate sa pinagsasabi ni Archie. Wala naman siyang asawa na puwedeng mang-away sa kanya. Mas madalas na siya mismo ang nang-aaway kay Dani noong magkasama pa sila sa bahay niya. “I’ll go ahead,” paalam niya bago kinamayan ang kaibigang abogado. “I hope the next you come here, you’ll be bringing good news.” “I’ll try,” sambit ni Chris bago siya tuluyang lumabas ng opisina ni Archie. Habang nagmamaneho si Chris pauwi ng bahay ay pinag-iisipan niya ang sinabi ni Archie. Ano naman kayang good news ay sasabihin niya rito kapag tumawag siya o dumalaw sa kaibigang abogado? Nakauwi na siya ng bahay ay hindi pa rin niya maisip ang sagot sa sarili niyang tanong. Para tuloy siyang nasa ilalim ng trance na hindi niya napapansin ang mga nakakasalubong niya. Nagulat na lang siya nang hampasin ni Yaya Aurea ang dibdib niya. “Hey! Bakit ba kayo nananakit, ha? Ano ba ang kasalanan ko sa inyo?” naiinis niyang tanong sa yaya niya. Hindi pa rin siya nito kinakausap hanggang ngayon. Pero hinayaan na lang niya. Iniisip niyang lilipas din ang galit nito sa kanya. “Kinakausap ka kasi pero hindi ka man lang sumasagot. Para kang walang naririnig at nakikita, ah,” mataas ang tonong saad ng matanda. “Sorry na po. May iniisip lang ako. Ano po ba iyong sinasabi ninyo?” “Gusto ko lang ipaalam sa iyo na natapos na naming iligpit iyong mga gfamit ni dani. Dadalhin na namin iyon sa storeroom. Pero may nakita akong gamit mo doon sa mga gamit niya.” Nagkasalubong ang mga kilay ni Chris. May lahi bang magnanakaw si Dani? Bakit ito kumukuha ng mga gamit niya nang hindi man lang nagpapaalam? Lintik talaga ang babaeng iyon! “Ano iyon, yaya?” Kinuha ng matanda ang kamay niya at may inilagay sa palad niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang pamilyar na kuwintas. “Saan ninyo ito nakuha?” “Sa gamit ni Dani. Hindi ba’t matagal nang nawawala ang kuwintas mo na iyan?” Umiling si Chris. “Hindi po iyan nawawala. Ibinigay ko iyan kay Ellie pagkatapos niya akong iligtas noon nang masunog ang bahay ng lola ko sa probinsiya.” “Hindi ba’t matagal na iyon? Paano iyan napunta sa gamit ni Dani?” “Sixteen years ago, yaya. Nakapagtataka nga na na kay Dani ang kuwintas na iyan?” Halos hindi na makahinga si Chris. Tinitigan siya nang diretso siya mata ni Yaya Aurea. “Hindi kaya…” Hindi itinuloy ng yaya niya ang sinasabi nito. Napansin niyang napakagat ito ng ibabang labi. “Hindi kaya, ano? Ano ba iyong sinasabi ninyo? Bakit hindi ninyo itinuloy?” Napailing-iling ang matanda. “Ayokong mag-isip pero sana mali ang hinala ko.” Lalong sumikip ang dibdib ni Chris. Napahigpit ang hawak niya sa kanyang kuwintas. “Yaya, a-ano b-ba ang pi-pinagsasabi m-mo?” nahihirapang tanong niya. “Hindi kaya iyong Ellie na sinasabi mo at si Dani ay iisang tao lang?” Kumurap ng ilang beses si Chris. “Imposible iyang sinasabi mo!” nanggagalaiti niyang hiyaw. Kumuyom pati ang palad niyang may hawak sa kuwintas. Hindi puwedeng mangyari ang sinasabi ng yaya niya. “Ah, huwag kang magalit. Hula ko lang naman iyon,” mahinahong wika ni Yaya Aurea. Naputol ang pag-uusap nila nang may lumapit na maid. May inabot ito sa yaya niysaka ito bumulong sa matanda. “Nakita rin pala nila ito sa gamit ni Dani. Baka mahalaga iyan sa iyo.” Inabot ng yaya niya ang isang sobreng puti. Nanginginig ang kamay niyang binuksan iyon. Napakunot ang noo niya nang makita ang laman nito. “Bakit may atm card at credit card dito?” nagtatakang tanong niya. Nakapangalan iyon sa asawa niya. Pero mukhang hindi pa nagamit dahil selyado pa ang sobreng pinanggalingan nito. May nakadikit pang sticky note sa parehong card na nang basahin niya ay panay numero ang nakasulat. Pin number iyon? “Hindi ko rin alam,” sagot naman ni Yaya Aurea. Ilang pasabog pa ba ang maririnig niya sa araw na ito? “May iba pa ba kayong nakita sa gamit niya?” nag-aalalang tanong ni Chris. Hindi sumagot ang kanyang yaya. Pero may kinapa ito sa bulsa ng suot nitong uniporme. “Heto, cellphone niya yata saka wallet,” tugon nito saka inabot sa kanya. Akmang tatanggapin iyon ni Chris ngunit may nahagip ang mga mata niya na mukhang nalaglag mula sa bulsa ng yaya niya. Yumuko siya para pulutan iyon. “Ano naman ito?” curious niyang tanong. Mabilis na hinablot ng yaya niya ang dalawang pakete. “Ah, wala ito. Binili ko lang naman ito para kay Dani bago siya umalis,” sagot nito saka ibinalik sa bulsa ang mga pakete. “Teka lang, yaya. Bakit ba ninyo itinatago iyan? Ano bang mayroon diyan?” Akmang aabutin niya ang bulsa ng matanda ngunit mabilis itong umatras. “Wala nga ito. Huwag mo na lang pakialaman. Ito na lang ang kunin mo.” Muli nitong inabot ang cellphone at wallet ng asawa niya. Kinuha niya iyon ngunit hindi pa rin siya mapakali. Gusto niyang makita kung ano ang itinatago ng matanda sa kanya. “Yaya, gusto kong makita iyang nasa bulsa mo. Kung hindi naman iyan mahalaga, bakit ayaw mong ipakita sa akin?” pangungulit niya rito. Napabuga ng hangin ang matanda. “Pregnancy test kit ito. Binili ko noon para kay Dani kasi ilang araw na siyang nahihilo at laging inaantok. Baka ‘ka ko, buntis siya.” Halos pabulong na lang ang huling sinabi ni Yaya Aurea. Ngunit sa narinig niya ay nanlambot ang mga tuhod niya. Napahawak siya sa dingding na nasa tabi niya. Ilang beses siyang nag-breath in and out para pakalmahin ang sarili dahil kanina pa siya nagugulat sa mga naririnig at nakikita niya. “Patingin nga po ng pregnancy test na sinasabi ninyo,” pakiusap niya rito. Ewan kung bakit gusto pa niyang makita ang mga iyon. Hindi naman niya iyon magagamit. Napilitang ilabas iyon ni Yaya Aurea. Ibinulsa niya ang hawak niyang cellphone at wallet ng asawa niya bago kinuha mula sa kamay ng matanda ang dalawang pakete. Binasa niya ang nakasulat doon. Para sa buntis nga iyon. “Tatlo iyong binili ko. Isa lang ang ginamit ni Dani. Iyon ang ipinakita niya noon sa iyo,” mahinahong saad ni Yaya Aurea. Napasabunot ng kanyang buhok si Chris nang maalala niya ang senaryong sinabi ng matanda. “Pero hindi na mahalaga iyon kasi hindi ka naman naniniwala na sa ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya.” Hindi siya nakaimik. Nakatitig lang siya sa hawak niyang pakete. Ano nga ba ang dapat niyang sabihin? “May sasabihin nga pa pala ako sa iyo. May naikuwento kasi iyong labandera natin sa akin noong isang buwan pa. nakalimutan ko lang sabihin sa iyo. Ngayon ko lang kasi iyon naalala. Naalala mo pa ba iyong umagang na-late ka ng pag-alis dahil late ka ring nagising?Tinanong mo pa ako kung may babae kang kasama nang nagdaang gabi. Sabi mo kasi lasing ka at nagising kang walang suot na damit.” Nag-angat siya ng ulo at sinalubong ang titig ng matanda. “Naalala ko po iyon. Bakit ninyo tinatanong ngayon?” “Ang sabi kasi ni Dang ay may mantsa raw iyong bedsheet mo na nilabhan niya. Parang galing sa dugo iyong mantsa. May sugat ka ba ng gabing iyon?” Napalunok ng ilang beses si Chris. Hindi niya maapuhap ang sasabihin. Sigurado siyang wala siyang sugat nang magising siya. Pero paanong nagkaroon ng dugo sa bedsheet niya? Saan galing iyon? Sa babaeng nakasama niya ng gabing iyon? “Marami po ba iyong mantsa na nakita ng labandera?” Bumilis ang t***k ng puso niya. Tulad kanina ay nahihirapan na naman siyang huminga. “Hindi naman. Maliit lang na mantsa iyon. Parang ilang patak lang iyon. Hindi mo rin ba maalala kung saan nanggaling iyong dugo?” Marahas siyang umiling. Pero naninikip na ang dibdib niya. Kaunti na lang at sasabog na siya sa mga naririnig niya mula sa matandang tagapag-alaga niya. “B-Baka galing iyon…s-sa b-babaeng nakasama ko.” Halos hindi na niya marinig ang kanyang tinig. “Paano ba iyan? Hindi mo naman maalala kung sino iyon. Wala rin namang nakakita sa kanya.” Napapikit si Chris. Hindi na lang ang dibdib niya ang sumasakit. Pati ang ulo niya ay malapit na rin yatang sumabog. “Hindi ba’t may CCTV sa hallway?” Biglang umilaw ang utak ni Chris. “Tama kayo diyan! Bakit nga ba hindi ko naalala kaagad iyon?” Ibinulsa niya ang hawak na pakete at nagmamadaling tinungo ang kanyang opisina. Naroon ang monitor ng lahat ng camera sa buong kabahayan na siya mismo ang nag-install. Dahil matagal na ang mga security camera sa bahay niya, nawala sa isip niya ang kahalagahan ng mga ito. Umupo siya agad sa kanyang swivel chair at mabilis na binuksan ang laptop niya. Hinanap niya ang mga nakaraang recording ng camera sa hallway. Ilang minuto pa ang lumipas ay tumambad sa harapan niya ang hinahanap niyang eksena. Kung posible lang na lumabas sa katawan ng tao ang laman-loob niya nang hindi siya inooperahan, baka nahulog na sa sahig ang kanyang puso. Kitang-kita ng mga mata niya ang isang pamilyar na babae na lumabas mula sa kuwarto niya. Nakahawak ito sa pantaas nitong na para bang maghihiwalay iyon kapag hindi nito ginawa. Palinga-linga ito sa paligid habang kandahirap na humakbang palayo mula sa kuwarto niya. Nang tingnan niya ang oras na nasa recording ay ilang minuto na lang at mag-aalas-sais na ng umaga. Alas-siyete na nang magising siya kaya hindi na niya nakita ito. “Si Dani iyan, ah!” hiyaw ni Yaya Aurea na nakatayo sa tabi niya. Napayulo siya at iniuntog niya ang kanyang ulo sa mismong laptop niya. Shit! s**t! Nasaan na ba ang mag-ina niya? Ang tanga-tanga niya! Bakit kasi hindi siya naniwala sa sinabi ng asawa niya? Hindi naman ito nagsisinungaling. Siya lang naman ang sinungaling at gago sa kanilang dalawa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD