“SAAN tayo pupunta?” tanong ni Sasha habang nagda-drive si Steph. Sinulyapan lang sandali ni Steph ang kakambal niya saka niya muling ibinalik ang tingin sa kalsada. “Pupuntahan natin si Kuya Kentt sa restaurant. Magpapalibre tayo sa kanya ng dinner.” Katatapos lang ng duty niya kanina. Pagdating niya sa bahay nila, nalaman niyang dumaan doon ang panganay nilang kapatid. May meeting daw ito na pupuntahan pagkatapos magdi-dinner sa Majesty Restaurant. Natuwa siyang malaman iyon. Dalawang oras na ang lumipas nang magpaalam ang kuya nila. Kaya siguradong tapos na ang meeting nito at nasa restaurant na. Kung sakaling hindi pa tapos ang meeting, mauuna na sila ni Sasha sa restaurant at doon na lang sila maghihintay. Gustong-gusto niya talaga ang mga pagkain sa Majesty. Kaya nga madalas si

