SANRIO C11
"PUTANGINA!.. Naagawan na naman tayo ng kliyente ng Sanjo na 'yan. Ano ba kasing ginagawa ninyo hindi ba' t sinabi ko naman sa inyo na manmanan ninyo ang bawat galaw niya."
"Boss keeji, masyadong matalino at maingat ang Sanjo na iyon pagdating sa negosyo. Hindi naman kami nagpapabaya pati nga ang itinanim natin sa kaniyang spy sa lugar niya ay nalusutan."
"Hindi na maari eto doblehin ninyo ang pagmamatyag sa kanya at alamin ang kahinaan niya imposibleng wala."
"Boss Keeji hindi ba't may dalawang kapatid siyang babae bakit hindi natin kunin kahit Isa man lang sa kanila."
"Meron nga, pero mahirap makuha ang mga iyon bukod sa hindi palalabas ng bahay napakaraming Body guards ng nga iyon at mga experts pa. Bukod pa dun ang dalawang iyon ay magagaling din sa pakikipaglaban."
"Kong ganun pala mahihirapan talaga tayo Boss Keeji. Pero huwag kayong mawalan ng pag-Asa dahil walang perpekto sa mundo makakahanap din kami ng butas niya. At pagnagkataon makakaganti na kayo sa kanya."
" Wala ba 'yang girlfriend? Kong meron siya ang dalhin ninyo sa akin. "
" Boss, mukhang wala eh, naisip ko na rin iyan pero ang sabi ng mga tauhan natin wala silang nakikitang ka close na babae ni Sanjo. Magaling talaga siyang magtago. "
" Hindi maari iyan lalaki din ako na kagaya niya. Na nangangailangan ng ka partner para makapagpalabas ng libog sa katawan ano siya Santo para hindi mangailangan ng babae. Doblehin kamo ang pag mamanman. "
" TAMA! Oo nga pala bakit 'di ko naisip iyon. " Ang biglang napalakas na tono ng kanang kamay ni Keeji na si Samiro.
Si Keeji isang negosyanteng hapon na matagal nang nakatira sa Pinas kaya naman magaling na etong managalog. Isa din etong myembro ng Yakuza Syndicate na puro illegal ang pinag gagawa. Sa kanya nakaatang ang pagpapalago ng kanilang nasasakupan at Ari-Arian sa Pinas. Ngunit palagi naman siyang naagawan ni Sanjo Juvani kaya Ganon na lamang talaga ang galit niya dito.
"Hindi pwedeng makuha niya pati ang pier, malaki ang mawawala sa organisasyon pagnagkataon. Malalagot ako kay Master Kenta kapag hindi ko nakuha iyon. Kaya kumilos ka na Samiro kailangan natin malaman ang kahinaan ng Sanjo na 'yan."
"Boss. Alis na ako maghantay ka sa dala kong magandang balita." Ang biglang pagpapaalam ni Samiro na tila nagmamadali...
Samantala naipanalo ni Rio ang kaso nang kinasangkutan ng kapatid ni Dona ganun na lamang ang tuwa nito at napawalang sala ang nagiisang kapatid. Matalino at magaling naman talaga si Rio dagdagan pa na masipag siyang maghanap ng butas kahit na imposibleng makita. Ganun siya ka dedicated sa kaniyang sinumpaang trabaho.
Nagpaalam din sa kanya si Sanjo na aalis siya ng bansa baka daw aabutin siya ng dalawang buwan. Mayruon lang daw siyang aasikasuhin na mahalagang bagay sa France. Sinabihan din siya ni Sanjo na next time daw ay isasama na daw siya nito pag nag travel muli siya.
Sinabihan din siya nito na magpakabait at kapag may kailangan siya ay tawagan lamang siya ni Rio anytime..
"Atty. Soler maraming salamat! Kagaya ng naipangako ko lahat ay gagawin ko makabayad lamang sa'yo." Ang sabi ni Dona na tila may laman.
" Ahm! Miss Silva huwag mo nang alalahanin 'yon. Ginawa ko lang ang nararapat sa trabaho ko."
"Atty. Soler hindi rin ako makakatulog dahil may inaalala akong pangako na dapat tuparin. May Isang salita ako at malaking bagay ang na tulungan mo ang aking kapatid. Siya ang nagiisa kong kayamanan sa buhay. Alam ko naman na may gusto ka sa akin hindi ba Atty. Soler? " Nagulat si Rio sa sinabi ni Dona hindi niya akalain na mala Anghel ang mukha nito mukhang inosente pero isa din pala etong daring and bold na babae. Deretsahan kong magsalita walang paligoy ligoy.
" Kaya tanggapin mona ang inaalok ko para quits na tayo. "
" Segurado ka bang talagang iyan ang gusto mo?"
"Segurado ako Atty. Soler.. Dahil bukod sa gusto kong makabayad sa'yo may isa pa akong dahilan."
"Ha? A-ano?"
"Gusto din kita Atty. Soler." Ang Nakakagulat na namang sabi ni Dona na ikinatahimik ni Rio.
"G-gusto niya din ako? T-talaga?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Rio sa sarili. Hindi tuloy niya malaman kong dapat ba niya iyon ikatuwa o hindi.
"O-okay can you come to my condo tommorow at night 10:00 pm?"
" O-okay Atty. Soler I will come... Sige maiwan na kita at uuwi mona kami ng kapatid ko."
"Sige bye ingat."
Nagkatinginan mona silang dalawa bago tuluyang umalis si Dona. Si Rio naman ay tila hindi makapaniwala. Ang babaeng crush niya ay mapapasa kanya ng walang kahirap hirap. Napapangiti pa siya dahil nag flash back ang sinabi nito sa kan'ya kanina lamang. GUSTO DIN KITA ATTY. SOLER.
Natapos na ang office hours sa Imakulada Law Firm at Isa isa nang nagsisipaguwian ang lahat ng mga empleyado dito. Kasama na dito si Rio na hanggang ngayon ay hindi na aalis ang ngiti sa labi. Sadyang napaka saya niya.
"Totoo palang talaga ang kasabihan na kapag may hirap may sarap. Masusulit din ang halos isang buwan kong pagpupuyat sa pagtutok sa kaso ng kapatid ng aking crush. Haay! Can't wait na para bukas. "..
Kinabukasan masiglang gumising at pumasok sa opisina si Rio. Excited na siya para mamayang gabi sa kanila ng kaniyang crush na si Dona. Masigla siyang nagtratrabaho at palaging nakangiti sa buong mag hapon.
" Atty. Soler anong meron? "
" Huh! Bakit Carol?"
"Mukhang hindi na maalis 'yang ngiti mo sa labi anong meron ha? pa share naman diyan?"
"W-wala ah bakit ganito naman ako palagi hindi ba?"
"Aw! Hindi kaya sige na anong meron?"
" Wala babye na at marami pa akong gagawin. Siya nga pala magiingat ka din sa paguwi mo mamaya."
"Ha? At bakit ako magiingat Atty. Soler?"
"Kasi balita ko may itim daw na van na nangunguha ng mga Marites eh."
"ATTY, SOLER?" Pinandilatan ng mga mata ni Carol si Rio at na meywang pa eto tinawanan lamang siya ng kausap at binirahan ng takbo.
Dumaan mona si Rio sa supermarket at namili. Balak niyang magluto at bumili din siya ng redwine, scented candles at bocaue of flowers red rose ang napili niya.
Nang makauwi sa kaniyang tinutuluyang condo unit ay ka-agad siyang nagluto. Iinitin na lamang niya eto mamaya. Sunod na ginawa niya ay naglinis siya ng buong unit at nag palit ng sapin sa kama.
Sumunod na ginawa niya ay naligo, nagpagwapo at nagpabango. Isang bagong jogger pants, brief at white t-shirt ang sinuot niya. Lahat ay okay na si Dona na lamang ang kulang.
Sumapit ang nine forty five pm may nag doorbell sa kaniyang pintuan. Sinilip niya mona eto sa peephole ng kaniyang pintuan bago binuksan.
Si Dona ang dumating at napaka ganda nito sa suot na light blue spaghetti straps na mini dress. May maliit na shoulder bag eto at naka white high heels na may two inches ang taas. Nakalugay ang mahaba nitong buhok na lagpas kilikili. May simpleng makeup din at matamis ang ngiting ibinungad kay Rio.
"C-come in D-dona?" Ang nautal na wika ni Rio. Medyo napahiya kasi siya ng marealize niyang kanina pa nakatayo ang dalaga at pinagmasdan mona niya eto ng mabuti.
"W-wala akong dala k-Kong hindi ang sarili ko lang." Ang nahihiya at mapang-akit nitong sabi.
Napangiti at napahawak naman si Rio sa kaniyang batok. Pumasok na si Dona sa loob at pinaupo naman ni Rio ang dalaga sa kaniyang malambot na mahabang sofa. Ang nagiisang upuan sa kaniyang maliit na condo unit, bukod sa pang dalawahang dining table set niya. Nang makaupo na ang dalaga ay umupo na din siya sa tabi nito na may tatlong dangkal ang pagitan.
Natahimik ang kapaligiran at nagkakahiyaaang nagkakatinginan ang dalawa at napapangiti sa isat isa..
"WHAT?..Okay I'm coming, Bantayan nyo s'yang maigi."
"Boss Sanjo anong gagawin namin sa babae?" Saglit na nagisip si Sanjo bago muling magsalita.
" Ako na ang bahala sa kanya sa paguwi ko."
"Okay Boss Sanjo."
Salubong ang mga kikay ni Sanjo at may namumuong madilim na ulap sa kaniyang mga mata. Lagus lagusan ang kaniyang tingin sa salaming dingding nang Hotel room na iyon na kaniyang inookupahan sa France. Kong pwede nga lamang Ay bumalik na siya ngayon sa Pinas ay ginawa na niya. May natanggap kasi siyang report mula sa mga nagbabantay kay Rio at hindi niya talaga eto nagustuhan.
"You naughty boy!.. just wait and I will give you a very hard punishment that you never forget in your whole life." Ang galit at seryosong bulong niya sa kaniyang sarili..
Kinabukasan parang wala sa kaniyang sariling pumasok sa Imakulada si Rio. Taliwas sa dapat na asahan na masaya siya, dahil ang babaeng crush niya ay pumunta sa kaniyang condo kagabi at handang ibigay ang sarili nito sa kan'ya. Pero ang Rio na pumasok sa pintuan ng Imakulada Law Firm ay lutang.
"Good morning Atty. Soler!" Ang bati ng mga kapwa empleyado duon na nakita siya. Nilagpasan lamang niya ang mga eto at hindi pinansin. Nagtatakang nagsipagtaasan naman ang mga kilay nang mga inisnab ni Rio.
Malapit na siya sa kaniyang opisina nang makasalubong si Carol.
" Good morning Atty. Soler!" Ang masayang bati din sa kanya nito pero nilagpasan din niya at hindi pinansin.
"Huh! Anong nangyayari dun. Kahapon lang hindi maalis ang ngiti sa labi ngayon p-parang masama ang timpla. Ano kaya ang problema nun? Teka matanong nga."
Knock! knock!.. Ang katok ni Carol ngunit walang sumasagot kaya naman nagpasya na etong pumasok na. Natagpuan niyang hawak hawak ni Rio ang keyboard ng computer na tila balak nitong magtipa. Pero nakaderetso lamang ang tingin nito sa windows ng computer. Tahimik at tila lutang dahil walang ekpresyon ang mukha nito. Mukha ding puyat ang mga mata ni Rio.
Sa halip na maguusisa sana si Carol ay napa urong na lamang siya. Maingat na muling isinirado nag pintuan ni Rio.
" Saka na lang ako magtatanong mukhang seryoso si Atty. Soler mahirap na baka sigawan ako nun o kaya batuhin." Ang wika na lamang sa sarili ni Carol at humugot ng malalim na buntong hininga..
Mabilis na lumipas ang mga oras hudyat na upang magsiuwian na ang mga tao sa loob ng Imakulada Law Firm. Nagreready na din si Rio upang umalis duon at dumeretsong uwi sa kaniyang condo unit. Paglabas niya sa Imakulada nakita niya ang mga pamilyar na mukha ang mga tauhan ni Sanjo na tila hinahantay siya. Nasa harapan niya ang mamahaling itim na Van na sa subrang kintab at mahihiya ang alikabok na dumikit.
"Boss Wife, naghahantay na po sa loob ng sasakyan si Boss Sanjo." Ang sabi ni Neptune sa kan'ya bahagya pa etong nag bow kay Rio.
Napalingon naman si Rio sa paligid niya dahil naramdaman niya ang mga maiinit na mata sa pali-paligid niya at nahuli naman niya ang mga eto. Ang mga kapwa empleyado ang nakatingin sa kanila lalo na sa kanya. Kasama na din si Carol at attorney Pheton. Na tila may mga nakaguhit sa noo nila na malaking Question mark.
Kaya naman mabilis siyang lumakad patungo sa nakaparadang sasakyan. Pinagbuksan pa mona siya ng pintuan ni Neptune. At nang makapasok sa loob ng sasakyan ang seryoso at tahimik na Sanjo ang nakita niya. Nakaramdam ka-agad siya ng kilabot sa katawan.