CHAPTER 3

2037 Words
" Hindi ako makakapayag na hindi mo pagdusahan sa kulungan ang ginawa mo Mayor, hindi eto tungkol sa trabaho ko tungkol eto sa tawag ng katarungan para sa mga taong inapi mo at ginawan ng masama. Pinapangako ko mabubulok ka sa bilangguan Mayor Yano Madrigal. " Ang wika sa sarili ni Rio sabay pakawala ng malakas na pokpok ng kamay sa kaniyang office table. Sa lakas ng pokpok nya natumba ang paper cup na may lamang kape nya at natapon eto. " Ay!! Pag minamalas ka nga talaga naku naman. " Habang pinupunasan ni Rio ang natapon na kape sa kanyang Mesa ay nag vibrate ang kaniyang cellphone tanda na may dumating na mensahe sa kanyang inbox. Ka-agad n'ya naman etong kinuha at binasa. " Baby be at ease, sa susunod mong hearing sa korte ay mananalo ka. Just wait for my good news." Ang sabi sa mensahe na sandaling pinag isipan pa ni Rio Kong sinong lokong nagpadala nito sa kan'ya. Hanggang sa sumagi sa isip n'ya si Sanjo Jovani ang lalaking na meet nya sa Hotel noong nakaraang linggo. Dahil wala namang ibang tao ang tumawag pa sa kanya ng Baby bukod tanging eto lang. " Loko 'to ah! Walang magawa sa buhay at Teka ba' t Alam n'ya number ko? saan nya nakuha? BABY? ano? BABY!!! Sira ulong 'yon ang lakas ng saltik ako pa ang napiling pagtripan.Hay naku! Mga tao talaga dito sa Pinas iba iba din ang Naiisip." Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos ang maraming araw. Bukas ang huling paglilitis sa kasong hawak ni Rio. Nasa bahay si Rio at nakahiga kasalukuyang nagiisip sa mga mang-yayari sa korte bukas. Kabado s'ya na halos hindi yata s'ya makakatulog sa gabing iyon sa kakaisip kong paano n'ya maipapanalo ang kaso. Subalit may bahagi sa puso at isip n'ya na mananalo s'ya ayon sa mensahe ni Sanjo na natanggap n'ya. Ganun pa man hindi naman s'ya umasa duon Alam naman n'yang pinagtritripan lang s'ya ng taong iyon na walang magawa sa buhay. Kaya gumawa parin s'ya ng paraan para makapagbigay ng ebedens'yang makakapagdiin kay Mayor Yano Madrigal. Nakakuha s'ya ng iba pang mga impormasyon na talagang masamang tao si Mayor Yano. May records narin eto sa ibang presinto Rape din ang kaso. Pinuntahan n'ya ang Isa dito at pinakiusapang tumestigo sinabi n'yang kong walang handang magpatunay sa kaso hindi matitigil si Mayor Yano sa gawain n'ya baka marami pang babae ang mapahamak at baka ulitin muli eto sa kan'ya. At ayon na nga napapayag n'ya eto na tumestigo dahil hindi na din raw n'ya kayang mabuhay na palaging napapanaginipan at naaalala ang kahayupan na ginawa sa kan'ya ni Mayor Yano hindi raw s'ya matatahimik hanggat hindi nya eto nakikitang nabubulok sa kulungan. Isang oras bago mag umpisa ang paglilitis may lumapit na lalaki kay Rio, nakadamit eto ng itim na Americana deretsong deretso ang tayo at paglalakad. Nang makalapit eto sa kanya ay nagbigay galang at yumuko sa kan'ya nag Bo bow eto sa kan'ya. Nagulat at nagtataka si Rio kaya napaatras s'ya habang nakatingin sa lalaki. "Good morning BOSS WIFE! , Pinabibigay ni Boss Sanjo at mamaya dadalhin ko sila sa loob." Nang masabi ang pakay at maiabot ang folder na naglalaman ng mga importanteng dokomento sa kasong hawak ni Rio ay umalis naman eto agad. Naiwan si Rio na hindi nanaman nakapagsalita hindi n'ya kasi inaasahan ang narinig n'yang BOSS WIFE at hindi rin nya kilala ang lalaki. "Anong nangyayari? Sino 'yon?" Hanggang sa napansin n' yang may hawak hawak s'ya nagtataka man kong ano iyon pero binuksan nya eto at tiningnan. Pagkakakita ay agad na s'yang kumilos upang maghanda sa paglilitis.... Kagaya ng inaasahan naging mainit ang takbo ng paglilitis sa kaso na hawak ni Rio at mukhang tagilid sila ayon sa takbo ng pangyayari. Magaling ang kalaban, magaling dumepensa at may mga matitibay na testigo silang ipinakita. Maya maya lamang ay bumukas ang pintuan ng silid ng korte at iniluwa nuon ang apat na lalaking naka amerikanang itim kagaya ng lalaking nakita ni Rio kanina lamang. Sa gulat ng mga taong naroroon sa silid na iyon lahat sila ay nagtinginan sa mga taong bagong dating. Talaga namang mapapatingin ka talaga dahil agaw atensiyon sila. May limang babae silang kasama at kong titingnan si Mayor ay tila nagulat eto nang makita sila. Ang mga babae ay galit at nagsipagiyakan ng muling makita si Mayor Yano.... Natapos ang paglilitis sa kaso at nagwagi ang kampo ni Rio. Nakapag presenta kasi s'ya ng mga matitibay na ebedensya. Ang lahat ng mga babaeng dumating ay mga narape ni Mayor Yano at dumating din ang me ari ng condo, security guard at receptionist na unang tumestigo kay Mayor na wala daw etong kasalanan. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan tumestigo naman sila laban kay Mayor. Tinakot lang daw sila ni Mayor Para pag sinungalingan ang katotohanan. Pati narin ang dalawang tauhan ni Mayor Yano ay tumestigo din laban sa kanilang Amo, Hindi narin daw nila kayang sikmurain pa ang mga ginagawang panghahalay ni Mayor sa mga kababaihan, Iyon ang salaysay nila sa korte na higit din silang pinaniwalaan ng korte dahil naibigay nila ang lahat ng detalye sa mga pangyayaring krimen ni Mayor Yano na kanilang Pinaglilingkuran. Ngayon ay mabubulok na habang buhay si Mayor Yano Madrigal sa kulungan at ang maganda pa ay pinapagbabayad s'ya ng danyos sa mga babaeng ginahasa n'ya. Nagsampa din kasi ang mga eto ng kaso at tinulungan naman sila ni Attorney Rio. Sa Law firm office hindi magkamayaw sa kababati sa kan'ya ang mga kasamahan at mga Boss o nakakataas ng posisyon sa kan'ya.Halos hindi rin s'ya tantanan ng mga eto tungkol sa limang lalaking itim na naka Americana, Sino daw ba ang mga eto, tauhan daw ba n'ya, sinabihan din s'yang bigatin, at may nag biro din na myembro daw ba s'ya ng Mafia. Wala din naman s'yang maisagot Kaya ngiti at pagiwas na lamang sa mga eto ang ginawa niya. Dahil maski s'ya lutang na lutang din sa nangyari. Parang sa pelekula lang kasi n'ya nakikita ang ganuon hindi n'ya sukat akalain talaga. Nag ring ang kanyang cellphone at kinuha naman nya eto sa bulsa ng suot n'yang pants. Tiningnan nya ang pangalan kong sino ang tumatawag Ngunit bagong numero. "Hello Sino sila? May I help you?" "Nice to hear your sweet voice again my Baby.!" Biglang natigilan si Rio kumabog kabog ang kaniyang dibdib. "I-ikaw?" "Yes ako nga, and congratulations for the Win. Let's have a dinner later papasundo kita pag out mo sa work." " Ayaw ko! at Sino ka bang nakikialam sa buhay ko hindi naman tayo magkaibigan o mag kamag-anak." "Yes hindi mo nga ako kaibigan at lalong hindi tayo pwedeng maging magka mag-anak dahil your my Wife." "Are you Crazy? Alam mo ba 'yang pinagsasabi mo?" "Yeah of course I kne'w! Okay Baby I have to go now mag start na kami sa meeting Bye for now I MISS YOU!!!" May narinig si Rio na boses ng babae na nagsabing Sir the' y are waiting for you now in the meeting room, please proceed there Sir. Kaya alam n'yang napilitan nang magpaalam ang taong kausap n'ya sa kabilang linya. " Ano ba 'tong pinasok ko!... T-teka wala naman akong pinasok ah!!!... Haaaay!!! Sige dinner kong dinner mamaya maghaharap tayo nang magkalinawan tayong sira ulo ka Mr. Sanjo Juvani makikita mong hinahanap mo." Knock! Knock!!! "Come In." pumasok si Attorney Pheton Katapangan ang isa sa mga Famous attorney nila sa Law firm office nilang iyon. "Ikaw pala Attorney Katapangan." " Heto ang mga bago mong kasong hahawakan pinapabigay sa'yo ni Sir Harold. Dadaan naman ako dito sa gawi mo kaya nagpresenta na akong ako na maghatid sa'yo nito.At babatiin din kita ng Congratulations sa unang kasong Pina nalo mo. " " Ah ganun ba, Salamat Attorney Katapangan." "Attorney Pheton na lang nasasagwaan kasi ako sa Katapangan hehehhe!!!" "Okay Attorney Pheton kong 'yan ang gusto mo." "Sige mauna na' ko." "Sige Bye!" "Himala nilapitan ako ngayon ni Attorney Katapangan simula ng magtrabaho ako dito hindi naman n'ya ako pinapansin at kinakausap. Anong nakain non?" Knock! Knock! "Come In." "Hello Attorney Cute, Ay! este Attorney Soler. " Oh Carol anong Atin? " Si Carol na Isa sa mga assistant duon na malaki ang papel na ginagampanan dahil utusan s'ya nang lahat ng mga Attorney duon sa office. Isa s'yang kengkay na babae at nagseself support sa kaniyang pagaaral. Nasa bente tres anyos pataas eto, mabait, magiliw sa lahat, friendly at masipag. Kong gusto mong mag marites o makahanap ng impormasyon tungkol sa mga tao sa Emakulada Law firm s'ya dapat ang kailangang puntahan at tanungin. "Rio umamin ka nga?" " Na Ano?" "Anong tunay mong pagkatao?" "Ha? anong klaseng tanong ba 'Yan Carol?" "Bigatin ka no?" "Ha? Anong Bigatin ang pinagsasabi mo d'yan?" "May naghahanap sa' yo sa labas Sundo mo daw.? Naalala ni Rio si Sanjo, ang sabi nito magdidinner sila at ipasusundo s'ya nito. Tiningnan n'ya ang orasan alas syete na pala ng gabi. Hindi na sinagot ni Rio ang tanong ni Carol at nag madali na etong umalis ng kaniyang office. Iniwanan si Carol na habol habol s'ya ng tingin nito. Pagkalabas ni Rio sa Building ng Emakulada law firm may bumati sa kanya na lalaking naka Amerikana nanaman. Pero bagong lalaki eto bukod sa mga naunang nakita n'ya. "Good Evening Boss Wife!" Nagulat nanaman si Rio sa tinuran ng lalaki tinawag na naman s'yang Boss Wife at nag Bow din sa kan'ya eto. "Anong Boss Wife ka d'yan, Hindi ako asawa ng Boss mo lalaki ako nakikita mo ba ha?" Ang naiinis na sabi ni Rio. Nasa harapan n'ya ang isang Itim na Toyota Hi Ace at pinagbuksan s'ya ng pintuan sa back seat para duon sya ma upo. Nang masegurong nakapasok na s'ya sa loob ng maayos umikot naman eto para pumuwesto sa front seat katabi ng driver. Tahimik lamang na nakaupo si Rio habang umaandar ang sasakyan pinagmamasdan ang dalawang lalaki sa harapan. Sa tingin nya ay mas matanda ng ilang taon eto sa kan'ya. Pero matatangkad at mukhang mga maskulado ang mga katawan at mga matured ang mukha.Halata ding mga Body Guard ang mga eto sa tindig at kilos ay masasabi mo na. "Alam nyo kong hindi ko lang alam na negosyante ang Boss n'yo mapagkakamalan ko kayong myembro ng Mafia. Bakit kasi ganyan ang mga suot n'yo, Uniforme ba 'yan?" " Yes Boss Wi...Yes Boss!" "Bakit nyo ba ako tinatawag na Boss Wife ha?" "Kayo po kasi ang napiling WIFE ni Boss Sanjo kaya nararapat lamang na tawagin namin kayo sa gan' yang pangalan at iyan din po ang sabi ni Boss sa'min." "Hindi nga ako babae kaya paano ako magiging Wife. Sira ulo yang Boss nyo na walang magawa sa buhay at ako ang napiling pagtripan.? Wala ba yang asawa? Girl friend? May sayad ba ang Boss nyo?" Ang hindi mapigilan ni Rio na sabihin at itanong sa dalawa. "Boss, Matinong matino po si Boss Sanjo, at sa mga katanungan nyo mas mabuti pang s'ya na lamang po ang tanungin n'yo mismo. Pero eto lamang po ang masasabi namin sa inyo . MASAMANG MAGALIT SI BOSS SANJO." "Ha? Tinatakot n'yo ba ako?" "Hindi naman Boss, pinag-iingat ka lang namin masyado kasing seryosong tao si Boss Sanjo ni Hindi nga 'yon mahilig ngumiti at mainitin ang ulo." Sa narinig ni Rio parang ayaw na niyang tumuloy.Natahimik s'ya at napalunok ng laway. Inalala n'ya ang itsura ni Sanjo noong nagkita sila. Gwapo malakas ang dating pero nanduon talaga ang awra nang pagiging Boss nito. Ma awtorisado at seryoso ang mukha. Ang mga mata kong makatitig na akala mong papatayin ka sa tingin palang. "H-hindi naman seguro pumapatay ng tao 'yang Boss n'yo Ano?" Nagtinginan ang dalawang lalaki sa harapan at parehas na ngumiti. "Oh, Bat nag ngitian kayo d'yan? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko." "Boss naririto na tayo." Huminto ang Toyota HI Ace sa harap ng isang malaking bahay at Kusang bumukas ang malaki at magarang gate nito. Napansin n'yang may Guard House Pala sa gilid ng Gate at may mga Cctv Cam sa itaas ng pader at ang bakod na pader na nakapalibot sa loob ay ang Tataas. "Ayaw ko na, Uwi na 'ko!"....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD