SANRIO C25 Nakauwi na si Rio sa mansion ni Sanjo at dumeretso na sa kanilang kwarto. Inilapad niya sa malambot na kama ang kanyang matamlay na katawan. "Kong hindi nila ako matanggap, ay wala akong magagawa. Hindi pwedeng sila ang sundin ko at pakibagayan sa kong ano ang gusto nila. Kaya Rio, tama lamang ang ginawa mo at naging desesyon sa buhay. Ang importante masaya ka sa piling ni Sanjo. " Hanggang sa nakatulugan na ni Rio, ang pag-iisip. Puyat din naman siya kagabi kaya talagang madali siyang hinila ng antok. Naalimpungatan lang siya ng may maramdamang paggalaw sa kanang bahagi ng kama. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya si Sanjo. Nakaupo eto sa gilid ng kama patalikod sa kanya. Nilapitan niya si Sanjo sa likuran nito at niyakap. Ibinaon ni Rio ang kanyang baba

