SANRIO C35 Nakabalik na si Rio sa kanilang bahay. Dumaan mona siya sa natutulog na anak sa silid nito. Nang matiyak na ayos naman ang lahat ay bumaba siya nang kusina. Naghagilap nang makakain. May nakita siyang menudo at kanin sa ref kaya naman pinainit niya eto sa microwave. Nagsalin din siya nang malamig na tubig sa baso at kumain hanggang mabusog. Hindi kasi siya kumain kanina dahil parang wala siyang gana. Pero ngayon ay nakaramdam na siya ng gutom. Nang matapos ang kanyang pagkain ay nilapitan siya nang panggabing katulong nila sa kusina upang hugasan ang kanyang pinagkainan Sa bahay nila ay may two shifting ang mga katulong at security. Iba sa pangumaga at sa panggabi. Malayang makakapasok at makakalabas ang mga eto sa dirty kitchen. Upang duon kumain sa gabi kong nagugutom at

