SANRIO C37 Isang night wedding ang tila inidadaos sa beach resort ng dumating si Rio, sa lugar kong saan ang sinabi ng mga kidnappers sa kanya. May malaking arko ng mga puting rosas sa entrada ng kasalang iyon. Mga upuang may kulay puti na balot at mga dekorasyon sa buong paligid na may mga puting rosas at puting orchids. Sa pinakadulo Nakaharap sa malawak na karagatan ang venue na iyon. Tanaw din ni Rio, ang napakagandang malaking bilog na arko na tila eto ang magsisilbing altar sa mga ikakasal. Napapalibutan din ng maraming white roses at white orchids na katulad sa may entrada ng okasyon na iyon. Ang pinagkaiba nga lamang ay may dalawang lalaki ang nakatayo doon na tila may hinahantay. Maraming mga tao na ang naroon at mga nakaupo. May isang may katandaan nang banyagang lalaki, ang

