Scotty Pov.
Lahat sila nakahalukipkip habang nakaharap sa akin bakas rin sa mga mukha nila ang pagkabagot.
" Hindi niyo ba nagustuhan ang tinuro ko ngayon?" Sabay silang umiling iling itinigil ko ang pagsusulat sa pisara at lumapit sa kanila.
" Teacher kanina pa kami nagsusulat pagod na pagod na ang kamay ko" reklamo ni Aryan bago binaba ang hawak niyang panulat.
" Teacher gusto kong maglaro" sabi ni Jose habang nakataas ang kanang kamay. Nagtaas na rin ng kamay sina Jaylo, Lessel at Kim.
Mukhang wala akong magagawa sa ngayon kung di sundin ang kagustuhan nila. Lumabas kami ng kubo at naglakad lakad papunta sa isang malawak na patlang para maglaro.
" Teacher dito ka muna kukunin lang namin ang aming laruan sa kubo" umalis sina Lessel, Aryan, Jaylo, at Jose tanging kami nalang ni Kim at Ginang Merlenda ang naiwan dito.
" Teacher I'm excited to play" nakangiting sabi ni Kim ako rin naman pero wala akong alam sa larong pambata sa panahong ito.
Pagkalipas ng ilang minuto bumalik silang lahat habang may hawak hawak na kung anong bagay.
" Ano ang unang laro ang gagawin natin?" Tanong ni Jose mayroon siyang hawak na lubig at bilog na bagay na gawa sa kahoy. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon.
" Tumbang priso masaya yun" mungkahi ni Jaylo mayroon siyang hawak na isang lata.
" Habulan nalang kaya mas masaya yun" mungkahi ni Lessel lahat ng mga nabanggit nilang laro hindi pamilyar sa akin.
" Magbotohan nalang tayo kung ano ang mananalo yun ang unang laro na lalaruin natin" mungkahi ni Aryan at sumang- ayon naman silang tatlo.
" How about me?" Tanong ni Kim habang nakaturo sa sarili niya lumingon ang tatlo sa kanya at nag iisip kung isasali ba siya sa botohan.
" Mayroon ka bang alam sa mga laro na nabanggit namin kanina?" Umiling iling si Kim bilang sagot sa tanong ni Lessel.
" Kim don't worry we will pay with them later" sabi ko para hindi siya magtampo. Tumango naman siya at pinanood silang magbotohan.
" Panalo ako" sigaw ni Jaylo bago tumalon talon dahil sa tuwa.
" Tumbang priso" sabay sabay nilang sabi gumuhit si Jaylo ng hugis parisukat sa lupa bago nilagay ang isang lata sa gitna.
Si Jose naman gumuhit ng isang linya kung saan siya nakatayo saka hinubad niya ang kanyang suot na tsinelas.
" Teacher , Kim halika kayo dito ipapaliwanag namin ang ating magiging laro" lumapit kami kay Jaylo para makinig sa hakbang ng larong tumbang priso.
" Teacher , Kim ang unang nating gagawin tanggalin ang suot na tsinelas parang gawing pantumba sa lata na nasa gitna ng parisukat. Kailangan niyong lang patamaan para lumabas ang lata sa guhit tapos panalo na kayo" paliwanag niya tumango tango lang ako matapos maunawaan ang mga sinabi niya.
" I'm not wearing slippers and I can't take off my shoes. It's dirty" pagtutol ni Kim
" Kim it's not necessary to take off your shoes you can borrow my slippers" biglang lumiwanag ang mukha bago ako niyakap ng mahigpit.
" Thank you Teacher"
" Teacher, Kim, Jaylo, halika na kayo simulan na natin" isa isa kaming lumapit sa pwesto ni Aryan, Jose at Lessel.
Ang unang nagbumato ng tsinelas sa lata ay si Jose nagawa niya yung patamaan palabas ng hugis parisukat. Ganoon din sina Jaylo, Aryan, Lessel ang sumunod na bumato ng stinelas ay si Kim hindi umabot sa guhit ang kanyang ibinato. Makikita ang pagkadismaya sa mukha niya bago umalis sa linya ako ang sumunod na bumato at hindi ko din natamaan.
Ang talo sa laro siya ang magbabalik ng lata sa hugis parisukat at hindi na maaaring makapaglaro pa. Ako ang kumukuha ng lata habang aliw na aliw akong panoorin ang mga ngiti sa mukha nila.
" Kim sumali kana si Teacher na ang bahala magbalik ng lata sa gitna" aya ni Jose mabilis naman niyang dinampot ang stinelas at nagsimula naring magbato.
" Grabe ang galing niyo naman" sabi ko ng sunod sunod na lumabas ang lata sa guhit. Pinagpatuloy namin ang paglalaro hangang sa tumigil silang lahat sa pagbato ng makaramdam ng pagod.
" Ginoo, mga bata nagdala ako ng maiinom" sigaw ni Ginang Merlenda isa isang lumapit ang mga bata sa kanya para kumuha ng tubig. Samantalang nakaupo lang ako sa lupa habang patuloy sa pagbagsak ang aking mga pawis sa katawan.
" Teacher magpahinga muna tayo mamaya natin itutuloy ang laro" sigaw ni Lessel sobra yata ang lakas nila sa katawan samantalang ako parang tumakbo ng ilang kilometro dahil sa pagod.
Tumayo ako sa pagkakaupo at saka lumapit kay Ginang Merlenda. Inabutan niya ako ng isang basong tubig agad ko yung kinuha at ininom.
" Ginang sobrang nakakaubos ng lakas ang paglalaro " isang ngiti ang ginanti niya sa akin bago kinuha ang baso na ibinalik ko.
" Diego natutuwa ako sayo dahil pinagbibigyan mo ang mga bata sa kagustuhan nila. Alam kong ka hindi lumaki sa ganitong buhay kaya mas lalo mo akong napahanga" isang malungkot na ngiti ang namuo sa labi ko kung alam niya lang kung anong klaseng tao ako sa hinaharap hindi niya sasabihin ang mga sinabi niya ngayon.
" Teacher halika na sisimulan na natin ang sumunod na laro"
" Ginang mukhang kailangan ko ng lumapit sa kanila" umalis ako sa tabi niya at lumapit sa mga bata.
" Teacher , Kim makinig kayo ito ang sunod nating laro" ipinaliwanag ulit ni Jaylo sa amin ang hakbang.
Ang trumpo ay isang pabilog na gawa sa kahoy at may pako nagsisilbing buntot nito. Ang unang hakbang kailangan mong ilagay ang lubid sa katawan ng trumpo bago ito pakawalan sa lupa. Ang lakas na nanggaling sa manlalaro ang magpapaikot nito sa lupa kapag mas malakas ang pagbato malaki ang posibilidad na mas matagal ang ikot sa lupa.
Lahat sila magaling maliban sa amin ni Kim hindi ko kayang paikutin ang trumpo sa bawat pagpkawala ko hindi ito umiikot.
" It's really hard" sabi ni Kim na patuloy sa pagpapaikot ng lubig sa katawan ng trumpo. Lumapit sa kanya si Jose at tinuruan siya ng tamang paraan.
" Deigo " narinig ko ang boses ni White at nakita ko siyang papalapit sa amin.
" Marunong ka palang maglaro ng ganyan?" Tanong niya mayroon siyang inabot na isang panyo sa akin.
" Maraming salamat pero hindi ko kailangan yan" lumapit siya sa akin at itinaas ang suot kong damit pang- itaas. Itutulak ko sana siya palayo pero nagawa niyang makailag.
" Alam kong nanunulak ka kapag nagugulat tingnan mo nga ang katawan mo puno ng pawis" ibinaba ko ang damit na itinaas niya saka hinablot ang hawak niyang panyo.
Pinisil pisil niya muna ang aking pisngi bago lumapit sa pwesto ng mga bata.
6:00 pm
Binabad ko ang katawan sa malamig na tubig ng sapa. Meydo madilim na ang buong paligid pero maaninag parin ang daan pabalik ng kubo. Kailangan kong maligo dahil sa pawis na lumabas sa katawan ko kanina. Tumingala ako sa taas at pinagmasdan ang kulay asul na kalangitan. Hindi maitanggi na nakakawala ito ng pagod. Tanging huni ng mga ibon ang maririnig sa buong paligid ang tunog nila ay maihahalintulad sa isang musika na masarap pakinggan.
Napalingon ako bigla ng may narinig na mga yabag sa di kalayuan. Umahon ako sa sapa at lihim na nagmasid sa paligid. Mayroong mga estranghero ang naglalakad papasok sa kagubatan. Basi sa uri ng pananamit, mukha nila hindi sila tagarito sila ay mamamayan ng bansang korea.
" Diego na saan kana?" Mabilis akong tumakbo pabalik sa sapa ng marinig ang boses ni White. Pagbalik ko nakita ko siyang nakatayo sa tabi ng sapa.
Dahan dahan akong naglakad papalapit sa kanya.
" Saan ka galing?" Tanong niya ng makita ako isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko bago ulit bumalik sa tubig.
" May tiningnan lang ako" inabot niya sa akin ang sabon kinuha ko yun at ginamit sa katawan.
" Bilisan diyan hindi ligtas manatili sa labas kapag gabi" sabi niya bago umupo sa malaking bato.
"Bakit mayroon bang masamang tao sa paligid?"
" Walang masamang tao na nakatira sa bayan na ito. Pero------------ tumigil siya sa pagsasalita at tumingin sa akin gamit ang seryosong mukha.
" Mayroong mga hindi ordinaryong nilalang ang gumagala kapag gabi gaya nalang ng mga aswang at manananggal" tumawa ako ng malakas matapos marinig ang sinabi niya sa panahon na pinanggalingan ko isa lang yung haka-haka at nagsisilbing panakot sa mga bata para hindi lumabas sa gabi.
" Hindi ka naniniwala?" Tanong niya umiling iling lang ako bilang sagot bigla siyang tumayo at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon niya.
" Alam mo mayroong pangyayari sa kabilang bayan. Isang buntis ang naging biktima galing din siya sa ibang bansa katulad mo kaya hindi siya naniwala. Kinabuksan natagpuan ang katawan niya at----------------------
Sumigaw ako ng malakas bago umahon sa tubig. Ayaw kong makinig sa mga sasabihin pa niya. Tumatayo ang mga balahibo ko sa katawan.
" Halika ka umuwi na tayo" sabi ko bago hinawakan ang kamay niya. Narinig ko ang pagtawa niya kaya tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
" Paumanhin" hindi ko siya pinansin bigla akong tumigil sa paglalakad at binitawan ang kamay niya. Bakit ko nga ba hinawakan ang kanyang kamay.
" Deigo ayos ka lang ba?"
" Oo naman tara bilisan natin nagugutom na ako" nagpatuloy kami sa paglalakad pabalik sa kubo.
Pagkatapos naming kumain pumasok siya sa kwarto ko at hinila ako palabas ng kubo.
" Sandali saan tayo pupunta?"" Tanong ko habang hawak niya ang kamay ko.
" May ipapakita ako sayo" sandali akala ko ba hindi ligtas kapag lumabas ng gabi dahil may masasamang nilalang na kumakalat sa paligid.
Tumigil kami sa paglalakad sa ilalim ng mataas na bangin.
" Sumunod ka"
" Sandali huwag mong sabihin aakyatin natin yan" pinigilan ko siya sa paglapit sa bangin. Tumango tango naman siya bago ulit hinawakan ang kamay ko.
Dumaan kami sa makitid at matarik na daan paakyat. Hindi naman naging mahirap ang paakyat namin dahil inalalayan niya ako sa bawat paghakbang. Nang makarating kami sa tuktok ng bangin nasilayan ko ang kagandahan ng langit. Dito kitang kita ang makukulay na bituin.
" Diba ang ganda?" Humiga siya sa damuhan kaya tumabi din ako sa kanya.
" Alam mo dito ako pumupunta kapag may mga bagay na bumabagabag sa isip ko" panimula niya
" Sa palagay ko mayroong bagay na bumabagabag sayo tama ba ako?"
" Wala gusto lang talaga kitang dalhin sa espesiyal na lugar sa buhay ko" napangiti ako bago siya pinitik sa noo masyado siyang malambing hindi na ako magtataka kung maraming babae na nagkakagusto sa kanya.
" Deigo pwede bang magtanong?"
" Oo naman magtanong ka lang" nakatingala parin ako habang hinihintay ang tanong niya.
" Alam ba ng magulang mo na nandito ka?" Mukhang isa tong masinsinang usapan binaling ko ang attensyon sa kanya saka umiling iling.
" Naglayas kaba?" Bigla siyang bumangon na mukhang nagulat sa naging tugon ko. Sumenyas ako na humiga siya ulit ginawa niya naman pero ngayon nakaharap na siya sa akin.
Pa-paano ko ba sasabihin sa kanya. Hindi ko pwedeng sabihin na galing ako sa 20th century at napunta dito kaya nag- isip ako ng isang allybay na mas kapani- paniwala.
" Hmm nag - away kami ng aking Ina palagi kaming hindi nagkakasundo, ang aking Ama naman abala sa pag- asikaso sa mga negosiyo niya kaya wala siyang oras para sa amin" nalulungkot kong sabi nakita ko naman na naging malungkot ang expression sa mukha niya.
" Kawawa ka naman"
" Ako naman ang magtatanong na saan ang mga magulang mo?"
" Lahat ng mga kadugo ko ay nasa langit na. Nag Iisang anak ang aking Ama ganoon din ang aking Ina kaya wala na akong nalalayong kapamilya. Simula ng namatay sila ako nalang mag-isa sa buhay pero alam mo ba hindi ko naramdaman na nag iisa dahil sa mga taong naninirahan dito. Itinuring nila akong tunay na kapamilya kaya napakapalad ko" sang ayon ako sa mga sinabi niya naramdaman ko yun ng dumating ako dito. Kung paano sila mag alaga at makikitungo sa akin.
" Mayroon kabang inibig dati?" Gusto kong malaman kung tama ba ang hinala ko.
" Oo pero hindi siya pwedeng mapapasaakin ibang iba ang estado ng pamumuhay namin. Kagaya mo siya galing sa isang mayamang pamilya" tama nga ako kahit sa ganitong panahon malaking isyu parin ang antas ng pamumuhay ng tao.
" Huwag kang mawawalan ng pag asa hindi batayan ang antas ng pamumuhay sa dalawang taong nagmamahalan" sabi ko na may bigla akong naramdamang kirot sa puso ko.
" Sana nga Diego ganoon lang kadali ang lahat. Sa panahon nito kayang pigilan ng pera ang pagmamahal " bigla akong natahimik masyadong komplikado kapag pag ibig ang pinag uusapan.
Pero kahit sa kasalukuyan nangyayari yan. Ginagawang investment ng magulang ang anak nila para sa koneksyon at pera.
Marriage without love is worthless