Warren "Fvck ! Nasaan ka na ba, Kyle?!" Nagagalit kong sabi sa aking sarili at sa sobrang galit ko ibinato ko ang lampshade na malapit sa akin. "FvCK ! FvCK ! FvCK!" Sigaw ko at napasabunot sa sarili ko. "Warren, anong nangyayari?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Izzy at kasunod niya si Keeyo. "Bro, what happened? Bakit anggulo ng dorm mo?!" Nagtatakang tanong ni Keeyo. Mabilis silang dalawa na lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo dahil nakasalampak ako sa lapag. Dahan-dahan nila akong inalalayan at iniupo sa sofa. "Nasaan si Kyle?" Tanong sa akin ni Izzy matapos nila akong maiupo sa sofa. Umiwas ako ng tingin dito at napahawak sa noo ko. Bigla na lamang may tumulong luha sa mga mata ko. "Ang gagu gago ko! Sinaktan ko siya! Naitulak ko siya at Hindi ko man lang siy

