Kyle "Dahan-dahan." Saad ni Brian habang inaalalayan ako sa paglalakad papunta sa sasakyan niya. Sobrang nanghihina ako hindi dahil sa sakit kong Leukemia kundi dahil sa nasaksihan kong pangyayari kanina. Inalalayan ako ni Brian na pumasok sa sasakyan nito. "Saan mo gustong pumunta, Kyle?" Tanong nito sa akin habang iniistart ang sasakyan. Diretso lamang akong nakatingin sa harapan at nagsalita. "Dalhin mo ako sa lugar kung saan ako sasaya." Nakita ko sa aking peripheral vision na nakatingin lamang ito sa akin at matapos kong sabihin ang sinabi ko ay narinig kong malalim itong bumuga ng hininga. Bago pinaandar ni Brian ang sasakyan ay narinig kong tinawag niya ang pangalan ko. "KYLE!" Sigaw nito dahilan ng paglingon ko. Tumatakbo itong papunta sa sasakyan namin pero hindi ito nag

