Kyle "Ang tagal mo namang mag-ayos bakla! Hindi ka naman maganda!" Naiiritang sabi ni Izzy sa akin. Pinadaan ko kasi siya sa dorm para magsabay kami. Maaga kasing umalis si Warren dahil tinawagan siya ng papa niya. "Mas maganda ako sayo alam mo yan!" Confident kong sabi habang nakaharap sa salamin at naglalagay ng liquid foundation. Hindi naman sobrang kapal ako maglagay dahil baka mahalata na beki la fea ako edi kick out ako dito sa school! Syempre kailangan ko maglagay ng liquid foundation dahil performance ngayon. Presentable dapat ako ngayon lalo na manunuod yung inspirasyon ko. "Tapos na!" Ang sabi ko kay Izzy at kinuha na ang bag ko. "Salamat naman at natapos ka na rin!" Sarkastikong saad ni Izzy sabay inirapan ako. Nginitian ko lang siya at inasar asar. "Tignan mo ngayon malela

