Kyle "Babe, bakit parang nangangayayat ka yata? " Napalingon ako kay Warren na siyang nagsalita at may hawak hawak na pinggan na may ulam at kanin. "Ahh.. wala babe. namimiss ko lang siguro sila mama at papa kaya nakikita mong nangangayayat ako." Ang sabi ko na lang sa kanya at pilit na ngumiti . Dahil nakaupo ako sa kama ay tumabi ito sa akin. kinuha niya ang kamay ko at pinagdikit ito sa kamay niya. "kapag may problema ka sabihin mo lang sa akin. Alam mo namang mahal na mahal kita, di ba! Ipinapangako ko na lahat ay gagawin ko para masolusyunan kung magkakaroon man tayo ng problemang dalawa." sabi niya ng diretso at nakatingin lang sa mga mata ko. Isang linggo. Isang linggo nang nakakalipas ng malaman ko ang sakit ni Marjori. Isang linggo na rin ang nakakaraan ng sabihin niya sa ak

