"Bakit parang umiiyak siya ?" "Para namang hindi lalaki 'yang taong yan at umiiyak!" "Baka break na sila ng girlfriend niya?" 'Yan ang mga naririnig ko matapos kong dumaan sa corridor ng aming building. Lakad-takbo ang ginawa ko para makalayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung nasaan na ako dahil tanging paa ko na lamang ang kumokontrol upang patuloy pa akong makapaglakad at makalayo sa lugar na ito. Maraming tao na rin ang nabangga ko at mabuti na lamang hindi nila ako sinigawan o di kaya binugbog dahil hindi ko man lang nagawang humingi ng paumanhin sa kanila. Hindi tumitigil ang mga luha kong kanina pa tulo ng tulo dahil sa nangyari. Nagmistulang manhid ito at sobrang nanlalabo na dahil sa mga luhang humaharang sa pagtingin ko. At ito ang dahilan ng pagbagsak ko sa lupa. "Kyle?!"

