Izzy "Pwede bang ako naman ang magrequest kung saan tayo sasakay?" Napatingin ako kay Keeyo dahil sa nagsalita siya. Tumango ako rito. "Sige! Ano bang gusto mong sakyan?" Ngumiti ito sa akin at inakbayan akong muli. "Gusto ko sana sa Swan lake." "Ah. Okay. Sige. Tara sa Swan lake." Paanyaya ko sa kanya at magkaakbay kaming nagtungo papunta sa Swan Lake. "Ano ba 'tong bibe na tayo at ayaw gumalaw?! Nakakainis na ha?! Napakabagal pa!" Irita kong sabi at pinidal ang bibe/swan! E gusto ko bibe, wala kayong pake! Dahil ako ang pabebe girl! "Be patient Ice ice baby,okay?" Ang sabi nitong katabi ko. Hay naku talaga! Be patient? E parang hindi na gumagalaw itong pabibe girl na to?! "Psh" tanging nasagot ko kay Keeyo at nagpidal muli. "Izzy, I want you to close your eyes." Napalingon na

