Kyle "Bakit parang ang tahimik mo ngayon?" Tanong ko kay Warren habang nilalaro ko yung malambot niyang pisngi. Sobrang lambot talaga na parang cloud nine. "Wala." Seryoso nitong sabi at tinalikuran ako. Nakahiga kami ngayon sa kama niya. Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita. "Sigurado ka bang wala talagang problema? Baka kasi meron? Pero kung may problema ka man handa akong maki-- Hindi niya ako pinatapos magsalita. "How many times to say that I am fine ?! So stop your nonsense questions! Don't be stubborn!" Sigaw nito na ikinagulat ko. Kitang kita ko ang galit sa mukha niya. Nararamdaman kong babagsak na yung luha sa mata ko ngunit bago iyon mabuti na lamang ay nakalabas na ako ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Bahala na ang mga paa ko kung saan ako dadal

