Kyle "Engineering I, sumakay na kayo sa school bus." Ang sabi ng profesor na magguguide sa amin. Noong isang araw ay naghahanda kami para sa foundation day and Intramurals. Pero ngayon, heto na ang araw kung saan ipagdidiwang ang foundation day at Intramurals. Mauuna daw ang foundation day at sobrang pasabog naman ito dahil hindi dito sa campus gaganapin kundi mangyayari ang foundation day sa E.K! Yes,tama kayo ! Enchanted Kingdom talaga! Actually, first time Kong makakapunta doon. Pero ang pagkakaalam ko ay maganda at mag-eenjoy daw ako. "Friend, tabi tayo ah!" Alok sa akin ni Izzy. Tumango ako sa kanya bilang sagot. Dalawahan lang ang upuan nitong school bus. Paupo na kami ni Izzy ng may humawak sa braso ko. "Sa akin ka tatabi." Ang sabi ng isang pamilya na boses at hindi nga ako nag

