Kyle "WAAAAHHHH! MYGASHIBELS! TRUELY BA?!" Sigaw ni Izzy. Mabilis ko siyang hinampas ng mahina at nagsign na huwag mag-ingay at baka may makarinig at baka may makaalam na nagpapanggap lang kami na lalaki. "Oo na. Tatahimik na. Sorry." Sabi nito at tinnakpan pa ng kamay ang kanyang bibig na nagpatawa sa akin. "Good girl." Sabi ko sa kanya at tinapik ang balikat nito. Sinabi ko sa kanya yung pag-amin at mga nangyari sa amin ni Warren. Kinikilig pa rin ako kapag naaalala ang mga tagpong iyon. "Kyle, kayo na ba ni Warren?" Seryosong tanong ni Izzy. Napatingin ako sa kanya sabay umiling na sinasabing hindi pa kami. Sa totoo lang, kahit may nangyari sa aming dalawa ay wala pang kumpirmasyon na kami na. Nahihiya naman akong magtanong kung kami na. Pero alam kong may nararamdaman siya sa aki

