Natataranta si Amilah habang naghahanap ng t-shirt para isuot. Si Erron naman ay para bang natulala dahil muntik na niyang makamit muli ang inaasam na kaligayahan. "Amilah, anong katangahan na naman ang ginawa mo?" bulong nito habang kan'yang sinasabunutan ang sarili. "Puwede ka nang umalis, Kuya Erron at kakausapin ko pa ang mga bata baka nagugutom na sila," ani Amilah hindi makatingin sa binata nang deretso dahil sa hiya. "Hindi ako aalis, hanggang hindi tayo nakakapag-usap nang mabuti!" Narinig muli nila ang boses ng kambal na tinatawag sila sa labas ng kuwarto kaya ang dalaga ay lalabas na sana pero pinipigilan siya nitong binata. "Bumalik ka na lamang bukas at gusto ko muna asikasuhin ang mga bata. Pangako, sasabihin ko sa iyo lahat nang gusto mo malaman," ani Amilah na parang pi

