Hindi alam ni Erron nagtatago sa hindi kalayuan si Cristal, narinig nito ang pagtatalo nila Erron at ang Tiya Melba nito. Kung paano sinabi nito na wala siyang plano pa balikan ang babae kahit ano pa ang mangyari. "Ganoon pala, ha! Hindi ka rin mapupunta sa kan'ya kahit kailan. What would you do if something will happened to your beloved Amilah?" sabay tawa ni Cristal na para bang nanalo na sa binabalak nito. Si Erron naman pagkaalis nito ng opisina niya ay pumunta kaagad sa building kung saan pumapasok si Amilah at balak niyang hintayin ito muli. Alam ni Erron na kagaya noon ay hindi titigil ang kan'yang tiya Melba hanggang hindi lumalayo si Amilah sa kan'ya at kung noon ay wala siya nagawa ngayon ay hindi na dahil sa malakas na siya upang ipaglaban si Amilah. Tumunog ang telepono ni

