Hindi na sana balak pa ni Amilah na silipin ang mga anak pero hindi pa siya nakakaalis ay nalulungkot na ang dalaga. Naalala niya ang usapan nila ng mga anak bago umalis sa Germany. Tanong nang tanong ang kambal sa kinaroroonan ng ama nila. "Mama, where is our dad? Ang sabi ninyo noon ay nasa malayo ang papa namin at nag-iipon ng pera. When will he really come home to be with Ck and me?" tanong ni Cj sa ina na malungkot. "It might take a while before your dad gets home because he has a lot to take care of." Ang kambal ay nagkatinginan at dahil matatalino ang mga ito ay hindi pa rin nakaligtas si Amilah sa mga tanong buhat sa mga bata. "Dad is already working, why do you need to work too? Bata pa kami at hindi pa gaano magastos. Libre naman ang aming pag-aaral, ang kailangan lamang nam

