Tiningnan ni Erron ang dalaga at napansin ang pamumutla ni Amilah. Alam niya na kapag ang kanila mga anak ang pinag-usapan ay talagang hindi ito mapapakali. "Tiya Melba, tama na dahil wala ka nang puwede pang gawin laban sa amin. Ako ay nagpasya na at wala na sa amin makakapigil pa!" galit na turan nito sa tiyahin habang hawak ang kamay ni Amilah. Niyakap niya si Amilah at ito ay kan'yang hinila na upang umalis na ng mansion nang magsalita muli ang tiyahin ni Erron. "Hindi ba kayo nasusuka sa mga ginagawa ninyo? Alam ninyo na kayo ay magkapatid pero sa pinapakita ninyo sa akin ay parang wala kayong pakialam kung sino ang masasaktan ninyo!" "Sige, yaman din lamang ayaw ninyo papigil, hahayaan ko na kayo pero huwag ninyo akong lalapitan at hihingan nang tulong kapag may nangyaring masama

